HELLO, I Love You Chapter 5

2542 Words
HELLO, I Love You Chapter 5 :Nightmare •NHICXY NYX pov• Tumango-tango na lang ako. Gusto kong sabihin sa kaniya na hindi ko maipapangakong gagawin ko yung favor niya, pero susubukan ko. Pag hindi ko kaya...bahala na si....tahong. "Pumasok ka na apo sa loob, humahamog na, good night Nhicxy" Kalahating minuto ang lumipas ng pinapapasok na ako ni lolo sa loob. Lolo...kanina pa naman humahamog eh. "Good night Lolo kayo rin po pumasok na rin sa loob" Niyakap ko siya bago ako nag-lakad papasok sa loob ng bahay. Nag-paluto ako kay yaya ng favorite kong pagkain, dahil nagugutom ako at walang natira sa dinner. Habang nag-aantay ako ng pagkain ko may niglang pumasok sa isip ko at nakaka-disappoint. Hindi ko pa nagagawa yung thesis ko, first day of school thesis agad sumalubong sa akin, ang astig hindi gumagawa ng thesis—jwk. Pero yung totoo..naalala ko si timang..- Napahinto ako sa pag-iisip ng maalala ko yung itsura niya kanina. Tf..don't tell me, siya yung..nakita ko sa school kanina, yung naka-sakay sa limousine?! Yung white haired na lalaki na kamukha si Gin! Jeez.... Is he doesn't know what he was doing kanina? If he doesn't, I will let him know the shame he was made sa akin... Kapag magkita kami sa tatlong pagkakataon. Pero sana hindi ko na siya makita. Mmm...what if kapag nag-kita kami ng timang na yun...yun yung sign na itutuloy ko yung task ko, pero pag hindi ko siya nakita, sign na yun na hindi tutuloy ko na yung task ko, deal.... Tss...for sure hindi ko yun makikita, kaya sign na 'to para hindi matuloy ang task ko. Ang astig laging sigurado. Pag-katapos kong kumain ng lasagna na pinaluto ko ay umakyat kaagad ako sa taas para mag-pahinga. Thesis ko..mag-pahinga ka na rin muna. May bukas pa. "Baby.." Pahiga na sana ako sa higaan ko galing sa shower ng marinig ko yung boses ni mommy mula sa labas ng pinto. "Yes mommy" I asked curiously, akala ko papasok siya kaagad kaya hindi na ako tumayo para buksan yung pinto pero nanatili pa rin siya sa labas. "Can i come?" Malambing na tanong niya. Wala naman akong sikreto sa kwarto ko jeez... "Always mommy" Sagot ko naman kaagad at nanatili lang nakahiga. Pumasok naman kaagad si mommy sa loob at umupo sa tabi ko. "Would you mind telling me?" Malambing na tanong niya at sinuklay-suklay ang buhok ko habang nakahiga sa kama, na parang bata na k-kwetuhan ng story. Pero mukhang ako yung yata mag k-kwento. "Tell what?" Takang tanong ko pabalik kay mommy, at sabay na umupo ng maayos sa pagkaka-higa. "Tungkol saan yung pinag usapan niyo ng lolo mo?, im just curious hehe" Malambing na tanong niya. Bakit hindi ka kasi sumama kanina mommy...—jwk. Paulit-ulit lang naman yung sinasabii ni Lolo. Naiintindihan ko naman ang hindi ko maintindihan, solid na solid yung bilin ni Lolo, pati rn kayo mommy. Natatakot tuloy ako, parang iiwan na ata nila ako.. "Binilinan niya lang po ako ulit" Boring na sagot ko. Gusto ko si mommy tanungin kung may problema ba sila, gusto kong malaman kung bakit araw-araw ni-r-remind nila sa akin na maging responsible. Ang naiintindihan ko lang sa mga sinasabi nila, parang iiwan nila ako. Gusto nila matuto akong tumayo sa sarili kong mga kamay—paa, pero tinatamad ako, kaya wag na lang muna. "Mommy antok na'ko, i love you good night-" Hihiga na sana ako ng hilain niya ako paupo. Goddammit. "Please kwentuhan mo ko dalii baby.." Kinikilig na sabi niya na ipinag-taka ko. Kwento? Nanaman? Saan?. Bakit parang kilig na kilig pa siya. "Anong ikukwento ko mommy? " Curious na tanong ko, i literally don't have idea kung anong gusto niyang marinig, kung anong gusto niyang ikwento ko. Mommy is so damn sweet, but the part i hate in her is she always asking me, she want me to telling her a story sa mga nangyayari sa akin, i appreciate her so much...pero kasi...tinatamad ako mag-salita, tinatamad akong mag-kwento. At wala pang tao ang nakakagawa sa akin na maging madaldal, like swerte na lang ng taong kukulitin at dadaldalin ko dahil im....introvert pag-dating sa kwento kwento, and im lazy to speak. "Anything" Nakangiting sabi niya, habang nag-aantay sa ikukwento ko. Ano bang gustong marinig ni mommy... "Po?" I asked again, baka sakaling mag-sabi siya kung anong dapat o kung anong ikukwento ko. "Nag-kita na ba kayo ni Cleon?" Bigla niyang tanong. I told you, mag sasabi siya kung anong ikukwento ko. Napakunot ang noo ng may banggitin siyang mukhang pangalan ng isang lalaki, at hindi ko kilala kung sino ang tinutukoy niya. "Who is he?" Takang tanong ko pero hindi ibig-sabihin ay interesado akong malaman kung sino yung tinutukoy ni mommy, what i meant is im curious kung sino yung tinutukoy niya, dahil hindi si mommy babangit ng pangalan ng kung sino-sino lang. Tsaka bakit niya natanong na....nagkita ba kami? "Ow..nothing..nothing.." Umiling-iling pa siya, halatang nanlumo siya sa sagot ko. Kaano-ano ba namin yun? "Kayo ang magkwento sa akin" Pag-iiba ko ng usapan. "Ano naman ikukwento ko baby?" Nakangusong tanong niya, halatang walang ideya kung ano ang ikukwento niya sa akin. Tsss... "Hows the business?" Casual na tanong ko. Napapansin ko kasi na sobrang busy nila ngayon sa business, halatang may pinoproblema. Hindi naman nila kailangan mag-pagod para maging marangya ang buhay namin, jeez...basta ba may taga-luto lang ng lasagna ko. "Umm..its good, normal lang naman sa isang business minsan ma-down" Nakangiting sagot niya, pinapakita sa akin na ayos lang ang lahat, na halatang kabaliktaran yung ng nararamdaman niya. Ay ewan...Hindi niya sasabihin yun ng walang koneksyon. "Bakit? Mommy..may problema ba sa business? May maitutulong ba ako?" Hindi ko na napigilang mag-tanong, sa sobrang pag-aalala ko na malagay sila sa alanganin, baka sakali lang na may maitulong ako. Baka sakaling makatulong ako sa pamamagitan ng aralin yung business nila, tapos pag-matutununan ko yun pwede na rin akong mag-trahaho tapos titigil na ako sa pag-aaral tutal tinatamad na ako mag-aral—jeez...jwk lang. Gusto ko pa maka-imbento ng lasagna na kapag kinain mo, sa sobrang sarap magagawang kalimutan yung pangalan mo, kung sino ka, at kung saan ka nag-mula, makakalimutan mo rin na hindi ka pa pala nag-babayad ng bill. Gusto ko pa maka-pagpatayo ng lasagna restaurant na iba't ibang klase o flavor ng lasagna lang ang variety. "Sige baby matulog ka na, good night, i love you Nhicxy" Tumayo si mommy sa pag-kakaupo sa higaan ko at hinalikan ako sa noo. "Good night mommy i love you to—" I hugged her back and smiled ng halikan niya ako sa noo. "I told you baby, i-reserve mo lang yang 'i love you too' mo sa lalaking mamahalin mo rin katulad ng mas higit niyang pagmamahal sayo" Napatingin ako sa kaniya, habang kinurot ang pisngi ko. Jeez...simula ng magka-isip na ako, lagi niya sa akin sinasabi yan. Ang weird kasi hindi ko pa nararanasan na sabihan sila mommy ng 'i love you'. Diba pag mahal mo ang tao sasabihan mo sila ng 'i love you' eh bakit? Mahal ko pamilya ko. Hindi naman nila ako pinipilit, pero sabi kasi nila romantic daw pag sa partner mo lang habang buhay sasabihin yun.. Eh paano kung yung partner ko kung kanino-kanino na pala nakikipa-iloveyou-han tapos ,ako sa kaniya ko pa lang nasasabi yung ganun, unfair. "Tss...instead i reserve my 'i love you too' sa lalaki, sa sarili ko na lang heh, tell me im witty, aren't I mommy?" Nginisian ko si mommy at nakita ko naman na tumawa siya. I love you myself...i love you too myself... "Hindi mo masasabi yan Nhicxy, baka isang araw magigising ka na lang at hindi mo alam na nababaliw ka na sa sobrang in love sa taong....ayaw mo" Napatulala ako sa sinabi niya. Di ko gets.. And with that mommy left. Kinuha ko yung phone ko sa side table at minessage sila Ciello. Me May gising pa?Wala na Jhananana >Why? Ceillolo >Puyat us, daliii Me Mag kita tayo sa 7-ElevenWhat!?, are you out of mind? sabi ko puyat lang walang lalabas Me 7pm pa lang jeezOtw Ceillolo >Fine :|| Jeez.... Lumabas ako ng kwarto at bumaba ng hagdan. Pinuntahan ko si mommy at nilapitan na busy sa loptop niya. "Mommy can i go to 7-eleven?, kasama ko po sila ceillo" Paalam ko sa kaniya habang pinapanood ang ginagawa niya. "Gabi na anak ah" Takang tanong niya at binalingan ako ng tingin. Kitang-kita ko sa mukha niya ang pag-aalala dahil sa nangyari kanina. "Saglit lang po kami" Nginitian ko siya na parang sinasabi na 'mag-iingat ako'. Nag-iisa lang akong anak kaya hindi ko talaga maiiwasan makita sila mommy na nag-aalala, dahil sympre pag nawala ako, parang nawala na rin yung na buong pag-mamahalan nila mommy at daddy. "Mag-iingat ka, mag sasakyan ka wag ka mag-lalakad" May awtoridad na bilin niya. Ako mag-lalakad papuntang 7-Eleven? Jeez mommy...ang layo ng 7-Eleven dito sa bahay. I just walk at the garage at kinuha yung sasakyan ko. Ng makarating ako sa 7-Eleven, nakita ko kaagad ang dalawang familiar na sasakyan. Ako yung nag-aaya pero ako yung na l-late. "So anong nakain mo?" Sinulubong ako ni Ciello pag-baba ko. Nag-lakad kami papasok sa loob ng 7-Eleven at umupo sa isang bakanteng round table. "Pagkain?" Pamimilosopo ko. Tss..ang wierd ng tanong. Ano daw nakain ko? "Bakit ka nag aya ng gabi?" Pag-lilinaw ni Ciello ng tanong niya kanina. Bakit nga ba?, i dont know why too. Inaantok ako pero nagawa ko pa mag-aya sa labas. So..stupid. "Ewan ko" Walang idea na sagot ko. Ewan ko talaga, boring lang siguro. Gusto ko manood ng movie, may bukas pa kaya na sinehan? "Libre ko" Nakangiting pag-kukumbinsi ko ng mapansin kong ang sama ng tingin nila sa akin. Mag-aaya lang ako, kailangan may rason?, 'di ba pwedeng gusto ko lang. "Yun naman pala" Ngumisi sila bago nag-simulang tumayo at nag-hanap ng pagkain. Sabi daw kasi nila...mas masarap daw yung pagkain pag-libre. Totoo naman eh. "Matinong sagot bakit naisipan mong mag aya ng gabi" Napatingin na lang ako saa kinakain ko habang iniisip kung bakit ko ba sila inaya. "Naiinis kasi ako" Nakangusong sabi ko. Gusto kong mag-tanong sa kanila ng maliwanagan ako sa mga sinasabi nila mommy, hindi ako interesado pero gusto kong malaman yung pinaparating ng pamilya ko. "At bakit aber?" Takang tanong ni Ciello. Kahit kailan hindi ko pa nagawang mag-kwento o mag-share sa kanila ng kahit na ano maliban sa sarili ko, kasi alam kong aasarin nila ako hanggat may kaasar-asaar sa iku-kwento ko. "Sila mommy kasi.." Reklamo ko. Naaaar kasi ako, na p-pressure ako sa sinasabi nila. Parang masyado pa ata akong bata para matuto ng maraming responsibilidad. "Anong meron?" Jhana suddenly asked curiously. "Lagi nila sa akin sinasabi na mahalaga yung position ko" Nakangusong sabi ko. Kahit nung hindi pa ako naging presidente, sinasabi na nila sa akin na maging responsible daw ako, ang hindi nila alam, kabaliktaran yung nangyayari sa akin heh. "Tapos" Sumunod na nag tanong si Ciello habang humihigop sa juice niya. "Ewan ko kung ano yung pinaparating nila" Napapa-isip na sabi ko. Ano bang meron sa task ko? Ano bang meron sa position ko? "Syempre yung opportunity mo" Casual na sagot ni Ciello. Parang iba yung nakikita, at nararamdaman ko eh. "T-tapos..." Nag d-dadalawang isip ako kung itutuloy ko pa mag-kwento. Pag tinuloy ko ba..naiintindihan ko yung sinasabi nila mommy sa akin? Iba kasi language nila kaya hindi ko sila maintindihan—jwk. "Tapos ano?" Nag-aabang sila Ciello sa susunod kong sasabihin. "Gusto ko kasing maintindihan kung ano yung pinaparating nila mommy sa akin" Mabilis na sabi ko at ngumuya ng ngumuya ng kinakain ko. "Bakit?" Takang tanong nilang dalawa, halatang nag-tataka kung ano yung susunod na sasabihin ko. "Kasi...." Tinignan ko silang dalawa sa mata. "May siopao pa ba sila?" Tanong ko habang luminga-linga sa loob ng 7-Eleven. Ang sarap ng siopao... "Yung asado-" Dagdag ko pa akmang tatayo ng bigla akong hawakan ni Ciello sa damit ko. "Nhicxy" Mukhang seryoso siya. Ikaw ba naman na patulog na yayain sa labas tapos wala naman pa lang gagawin. Syempre nakaka-asar yun..pero pinapangunahan ako ng kaba at takot na malaman yung ibig-sabihin. "Kain muna tayo nagugutom ako" Yaya ko habang sumubo sa pagkain ko. Kakapaluto ko lang kay yaya kanina dahil nagugutom ako, at ngayon nagugutom nanaman ako, pero hindi ako tumataba. "Eh kanina pa tayo kumakain" Reklamo ni Ciello, halatang naaasar dahil alam niyang iniiba ko yung usapan. "Tapusin muna natin" Pambabara ko. Bakit ba kasi ako nag-yaya bigla? Ayaw ko naman pala sabihin yung rason. "Eh dont talk when your mouth is full" Dagdag ko pa at nginitian sila Ciello, at nag patuloy sa pag-nguya. "Gaga hindi naman tayo nag sasalita pag may pagkain sa bibig" Banat ni Ciello. "Basta..." Banat ko pabalik. "Siguraduhin mong may sasabihin ka mamaya" Pagbabanta niya, pero tinawanan ko lang siya. Tss..matulog ka sa kakaisip mamaya. Ng matalos kaming kumain kinuwentuhan ko sila ng halo-halo para hindi nila maalala yung dapat sasabihin ko at matatapos na nakauwi kami...pero..hindi ganun yung nangyari. "Oh ano ng sasabihin mo?" Sa kalagitnaan ng pag kukwento ko, biglang nag tanong si ceillo.Wala na nga akong takas, naiisaahan pa ako.. "Oy si mommy tumatawag" Pag kukunwari kong niring yung cellphone ko. Lumabas kami sa 7-Eleven para doon na mag-paalam sa isa't isa. "Anak ng kagang! Nhicxy!" Nanggigil na sigaw ni Ceillo ng makalabas kami ng 7-eleven. Haha "Igagala ko kayo ulit next time" Pag-kukumbinsi ko at niyakap silang dalawa. "Sige na nga!" Natawa ako ng pumayag naman si Ciello, habang nananatili lang tahimik si Jhana. Ano kayang iniisip nito? Habang nag mamaneho na ako pauwi, nadaanan ko nanaman yung kalsada kung saan...gusto ko ng kalimutan yung nangyari. Naka-uwi naman ako kaagad ng bahay. Sinalubong ako ni mommy sa labas at kinamusta sa byahe. Pagkatapos ay umakyat ako sa kwarto ko at nag-pahinga na. Me May nakauwi bang ligtas?Wala andito nga ako ngayon sa higaan ko noh patulog na Jhananana >Yes, thanks for tonight. Me @ceillolo ganyang sagotMatapos mo kaming lokohin na may sasabihin ka pero wala naman! Btw yeah thanks for caring Me Nyt y'allGoodnight Jhananana >Sweet dreams And with that pinatay ko na ang phone ko at nilapag sa gilid ng higaan ko. Pinikit ko ang mata ko pero...hindi pa ako tulog. Until hours passed by hindi ko namalayan na nakatulog na ako. ••• "Just do it! " Boses ng isang batang babae na may hawak na lapis at mukhang galit na galit. "N-no!, i can't" Mangiyak ngiyak na sabi ng isang pang batang babae. Hindi ko makita yung mukha nila sa sobrang liwanag ng paligid. Its like an white plain hallway, tapos may hagdan at sa hagdan na yun may tatlong bata, dalawang babae at isang batang lalaki. "Yes you can, or else i will smudge your face using my pencils" Banta ng batang babae na may hawak na lapis. "B-but" Naguguluhan na sabi ng batang babae. Mukhang hindi alam ang gagawin sa takot at umiyak. "J-just do it" Biglang sabi ng isang batang lalaki sa babaeng umiiyak. "B-but " Umiiyak na sabi ng batang babae, halatang ayaw niyang gawin yung pinapagawa sa kaniya "Go! " AaaaaaaAAAaaaaa--- •••
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD