HELLO, I Love You
Chapter 4 :Favor
•NHICXY NYX pov•
Familiar ka jan?! Eh ngayon lang tayo nag-kita.
Inangkin ko yung braso ko sa pag-kakahawak niya, madali ko lang naman nabawi dahil hindi ganun kahigpit yung pag-kakahawak niya. This place is crazy. Minadali ko kaagad mag-lakad papunta sa table namin nila Ciello at inaya na silang umuwi tutal tapos naman na kami. Kaasar hindi pa ako nakaka-inom ng tubig.
"Let's go home, baka hinahanap na tayo" Sabi ko sa kanila ng makalabas na kami ng bar. Mukhang ayaw pang mag-paawat ni Ciello kaya hinatak ko talaga siya palabas. Mabastos ka lang dun, kabastos-bastos ka pa naman.
"Bakit basa ka Nhicxy?" Nag-taka silang dalawa ng mapansin na basa yung damit ko. Hindi na lang umakyat sa sasakyan at mag-maneho paalis eh.
"Natapon yung tubig" Casual sa sagot ko at nanatiling tinititigan silang dalawa. Naaasar tuloy ako, hindi ko makalimutan kung paano nasabi ng lalaking nakabangga ko na 'familiar' ako sa kaniya, hibang ba siya?
"Lasing ka na siguro" Sinamaan ko naman bigla ng tingin sila Ciello ng tinawanan nila akong dalawa. Hindi naman ako nahilo eh, may nakabangga ako! At hindi ako nahihilo kaya nakabangga ako.
"Tss...pumunta ka na sa sasakyan mo at mag-maneho ka na paalis" Tinulak ko siya papalapit sa sasakyan niya at pilit siyang pinapapasok sa loob. Baka pag nauna akong umalis, hindi ko alam na bumalik ka pala sa bar.
"Sige na nga ingat sa byahe Nhicxy! Jhana!, mag-chat kayo pag naka-uwi na kayo" Sigaw ni Ciello ng nag-mamaneho na siya palabas sa parking lot at nakuha pang kumaway.
"Ingat ka din sa byahe" Sabay na paalam namin ni Jhana pabalik kay Ciello. Kaya ko bang mag-drive pauwi? Parang inaantok ako..
"Mauna ka na hihintayin ko kayong maka-alis baka bumalik kayo dito eh" Tinapik-tapik ko yung balikat ni Jhana ng kaming dalawa na lang ang naiwan habang naka-alis na si Ciello.
"Lol, mag-iingat ka din Nhicxy" Tumawatawa pa siya at nag-lakad na rin papunta sa sasakyan niya at pina-andar na sign na handa na siyang umalis. Jeez...not emotional celebration tho..
"Bye" Kumaway pa ako bago pinaharurot ni Jhana yung sasakyan niya. So exhausting. Bago ako sumakay sa sasakyan ko may nakita akong tindahan na bukas pa, kaya naisip kong bumili muna ng tubig. After that obviously sumakay na ako sa sasakyan ko, uminom muna ng tubig at nag-pahinga saglit kahit wala naman akong ginawa kanina kung hindi ang umupo.
Habang nag-mamaneho na ako, biglang pumasok sa isip ko yung nangyari kanina sa bar. My mind kept me distracting about sa sinabi nung lalaki sa akin. Nakakaasar ang dami-daming nangyari ngayong araw, kaya siguro ganto ako kapagod. Mag-pabangga kaya ako ng sasakyan?, for sure that would be exciting, and road to heaven.
Habang tahimik akong nag-d-drive, napansin kong napaka-bagal mag-drive ng sasakyan na nasa unahan ko. Medyo nag-timpi pa ako ng kaunti pero, hindi na talaga ako nakapag-timpi, binusinahan ko siya. Babae siguro nag-d-drive o di kaya lasing, o di kaya bata, kung wala naman sa tatlong yun baka......wala talagang nag-d-drive.
Hindi naman ako maka-singit kasi iisa lang ang daan, kaya wala akong choice kung hindi mag-timpi lang talaga, pero hindi nanaman ako makapag-timpi binusinahan ko nanaman. Nakakaasar mag-s-suggest nga ako kay lolo na ayusin yung daanan dito, tutal kaya niya yun mag-isa—jwk.
Muntik ko ng mabangga yung nasa harapan ko ng bigla niyang ihinto yung sasakyan niya. Mukhang yayamanin yung driver, pero mas yayamanin ako, anyways yun na nga, muntik ko ng mabangga yung pwetan ng sasakyan ng nasa unahan ko kasi biglang huminto hindi man lang gumamit ng signal light niya, nakapa-iresponsible nag-aaral pa lang siguro 'to.
Napa-silip naman ako sa bigla ng may bumabang tao. Nanlaki yung mata ko ng may makita akong isang lalaki na gumegewang pa mag-lakad papunta sa isang tabi sa may damuhan tapos nagsuka. Jeez...ano ba yan! Paano ako dadaan kailangan ko pang hintayin maka-recover yung tao bago ako maka-byahe. Uminom pa muna ako ng tubig ba ako nag-dalawang isip na bumaba ng sasakyan.
Nilapitan ko pa ito para sana...itulak siya sa damuhan kasama yung sasakyan niya kaso wag na lang.
Muntik ko pa siya tanungin kong ayos lang siya buti na lang hindi ko natuloy, tss..bakit ko siya tatanungin kung ok lang siya, eh kitang-kita ko naman na nag-susuka siya-
"Hey! That's mine.." Nagulat na lang ako ng bigla niyang hablutin yung bote ng tubig na hawak ko, pilit kong binabawi yung tubig pero sa sobrang bilis niya nadampian na ng labi niya. Bastos! Napatulala na lang ako habang pinapanuod siyang inumin yung tubig na nainuman ko na rin. Hindi maiwasan ng mata ko na makuha ang attention sa adams apple niya.
Sinamaan ko agad siya ng tingin ng maubos niya yung tubig ko. Nangangati yung sasakyan kong ipaharurot sayo!
"Is this water....flavored?" Tanong niya na ikipinag-taka ko. Flavored? Eh wala namang lasa yung tubig? Tsaka ng inumin ko yan.....haaahh!!! Kaasar! Kadiri!
"It taste like...strawberry.." Dagdag pa niya at sabay na nginitian ako. Bakit ko ba kasi nadala yung tubig ko pagbaba?
"Baka pwede ka ng bumalik sa sasakyan mo para mag-maneho, di ako maka-daan" I complain, as i intertwined my arms, at hindi pinapansin ang mga pinag-sasabi niya.
"Didn't you see my situation right now?" Reklamo niya pabalik at sabay na sinuklay ang buhok niya gamit yung mga daliri niya, kaya nagulat ko siyang tinginan. Ang dami mong alam!. Sarap mong itulak, ininom mo pa yung tubig ko, nainuman ko na yun eh. Kasalanan mo yan kung bakit ganyan situation mo ngayon! Kaasar ah. Ikaw pa ngayon galit.
Lumipas ang ilang segundo nanatili lang kaming tahimik at nakatayong dalawa sa may tapat ng damuhan sa may gitna ng kalsada na tanging ilaw lang ng buwan ang mag-bibigay ng lliwanag sa amin. Bwisit ano ng balak nito?
"Ano na?" Naiinip na tanong ko sa kaniya. Haynako...karma ba 'to? Dahil nag-sinungaling ako? Sige na...hindi na ako mag-sisinungaling.
"Tss...bahala ka jan" He said expressionless. Dapat yung mga katulad mo, dine-decompose yan eh!
"Are you out of mind?, anong bahala ako dito?, Uuwi na ako at nakaharang yung sasakyan mo" I complain sarcastically. Mukhang maayos naman na siya eh..bakit hindi pa siya umalis, hindi lang ako makapag-timpi...wala.
"Its not my fault kung ganito ginawa yung daanan" Banat niya na ikinagulat ko. Ikaw kaya gawin kong daanan!.
"Instead of complaining why don't you...send me home, para makauwi kana" Nakangising sabi niya na ikinaasar ko. Inaantok na ako!. Ihahatid ko siya sa kanila? Para maka-uwi na ako? Pa'no nangyari yun. Nag lakad ako papalapit sa harap ng sasakyan ko at umupo doon.
"Timang ka ba?, ikaw iuuwi ko sa bahay niyo, stupid" Naaasar na bulong ko sa sarili ko, pero nagulat na lang ako ng biglang mag-lakad yung lalaki.
"Oh! Bakit ka lumalapit?!" Takang tanong ko doon. Matutuwa na sana ako kasi akala ko aalis na yung lalaki, pero nagulat ako ng bigla siya nag-lakad papapit sa akin. Then he blocked me while im sitting, his hand is overlap in between my body and my seat which is yung sasakyan ko, tapos unti-unti niyang nilalapit ang mukha niya sa akin, hanggang sa tinapat niya sa tainga ko ang mukha niya. I feel my knees trembling, tapos pinag-papawisan na ako kahit ang lakas ng ihip ng hangin galing sa mga puno.
"Ssshhhs" Bulong niya na ikipinananlaki ng mata ko at hindi ako makapag-salita. His deep sensational voice are drivin' my body and brain crazy, his hot breath are like touched my ears down to my neck and my whole body, i was like got drunk too because of he was doing para akong na mental block hindi ko na rin alam kung anong gagawin ko, i want to make moves para maka-alis ako sa harapan niya pero parang may energy na pinipigilan akong gawin yun. Bwisit bakit kasi may ganun? Ano yun? Hindi ko maintindihan.
"Anong ssshhs?" Hindi ko alam kung bakit hindi ako maka-galaw bigla, its like my body froze because of my nervous system are in war, hindi ko alam kung bakit hindi ko nagawang ihakbang ang paa ko papalayo ng papalapit siya sa akin, and it is like my toes are froze. Bakit ganun? Parang may iba pang kaba akong nararamdaman pero malayo at mahirap i-explain compared sa normal.
"May naririnig ako" Bulong niya na nananatiling nakatapat pa rin malapit sa tainga ko. Hindi ko alam kung nasa matinong pag-iisip pa ba siya o nang-t-trip lang. His smell is chocking my nose and throat, ngayon ko lang naamoy alak siya, tapos nag-b-blend sa pabango niya, but its smell...making your heart crazy. So..what's the meaning of this?
"Ano?" Puno ng pag-tatakang tanong ko. Hindi ko alam kung ano yung tinutukoy niya. At hindi ko rin alam kung bakit umabot sa ganito. It feels like our energy is magnetic us. Mararamdaman ko pa kaya yan sa ibang tao? O pili lang.
"Boo!" Napa-balikwas ako ng kaunti ng gulatin niya ako. Anong trip nito? Buti medyo immune na ako sa bagay na yan. Hindi ako gaanong nagulat dahil hindi naman siya sumigaw para maging kagulat-gulat siya, ang bilis kasi ng pangyayari, akala ko kung 'ano' na yung naririnig ng timang yun pala gugulatin lang ako.
"Get off me!, bastard" Sa sobrang asar ko at nadala ako ng pang-gugulat niya na nakakaasar nagawa ko na siyang itulak papalayo sa akin. Bakit? Bakit kanina halos mabaliw ako ng lumapit siya sa akin dahil hindi ako makagalaw, na parang dinikit ako sa pagkaka-upo ko, pero ngayon parang huminto lang yung oras tapos nakagalaw na ulit ako.
"Hahaha" Nanlilisik yung mata kong tinignan siya. Karmahin ka mamaya. Nagawa niya pang tumawa ng mahina sa harapan ko, and his smile has a strange impact on me. Tss..we're drunk.
"Crazy, lasing ka na talaga mabangga ka sana" I cursed at him pero ngumisi lang siya, kaya dali-dali na akong sumakay sa sasakyan ko. Ewan ko pero hindi ako nakaramdam ng takot na baka may gawin siyang masama sa akin except sa naramdaman ko ng lumapit siya dahil may kakaiba talaga, pero nakaramdam pa rin ako ng takot hindi lang ganun ka-tense, at sobrang layo ng pakiramdam tuwing natatakot ako pag-nakakakita ako ng multo. May dalawang klase ba yung takot? Yung kaba?
"Bye Ms. Baby" Nakangising sabi niya at kinawayan pa ako bago siya sumakay sa sasakyan niya at pina-andar yun, napansin ko pa na hawak-hawak niya pa rin yung bottled water na ininuman ko. Whenever i remember na ininuman niya yung tubig na 'ininuman' ko na. Naasar ako, bakit ko ba kasi nadala yun hanggang pag-baba ko. Para na rin kaming nag-halikan ng timang na yun, kasi we're sharing a saliva in one bottled water but not literally sharing its kinda of.
Ano daw? Ms. Baby?, karmahin sana siya.
Erase.....
Forget....
Focus in your....celebration...
Ng makarating na ako sa bahay, sinalubong agad ako ni mommy na iba ang reaction. Mukha siyang nag-aalala, pero bakit naman? Nag-paalam ako..Hindi kaya...nag-sumbong sila Ciello?!
"Nhicxy, anong nangyari sayo?" Nakakunot ang noo ni mommy na tinanong ako, sabay yakap sa akin ng mahigpit, and i feel like i live once, at pag may nangyari sa aking masama hindi ko na maibabalik yung buhay ko, totoo naman..pero parang may something kay mommy tuwing pinag-aalala ko siya, she's starting to cry na parang mamamatay ako kaagad kahit sa simpleng disgrasya lang.
"Ang traffic mommy sa daan, iisa lang ang way eh nagka-problema pa yung n-nasa unahan ko" Mahinang paliwanag ko pero hindi ko napansin na may tumutulo ng luha sa mata ni mommy, dahil bigla nanamang pumasok sa isip ko yung timang. Na-karma na kaya siya? Naka-uwi kaya siya ng may bangas sa mukha?
"Tinawagan ko sila Ciello, dahil ang tagal ninyo, sabi niya naka-uwi na daw siya at si Jhana.." Nag-aalala talaga na sabi niya, pinunsan ko naman ang luha na nasa mata niya.
"Sabay po kaming tatlo umuwi, nagka-problema lang po ako sa daan, mommy.." Nginitian ko siya at pinipilit liwanagin ang paliwanag ko.
"Tara nga baby.." Nakangiting aya sa akin ni mommy papasok sa loob. Napa-lunok ako bigla ng tawagin niya ako sa tawag na 'baby' at nag-e-echo sa loob ng utak ko yung huling sinabi sa akin ni timang bago siya umalis. Naaasar ako!
Ms. Baby
Ms. Baby
Naasar ako!, nakaka-inis, umuulit-ulit sa tainga ko yung word na yan, nakakadiri
"M-mommy wag mo na nga akong t-tawagin ng ganyan, malaki na ako" I complain as i intertwined my arms and pouted.
"Tss..life is too short Nhicxy, pahalagahan mo yung bagay sa paligid mo...kasi isang beses lang yan mangyayari sa buhay mo" Napatulala na lang ako sa sinabi ni mommy. Tapos?
"Anong connect nun mommy?" Takang tanong ko, at tinawanan siya. Jeez...
"Haynako anak..." Tumawa na rin siya at hinakbayan ako papasok sa loob ng bahay.
"So...cheers tor our Baby President! " Mommy suddenly stood up and raise her wine glass to make a toast. Lahat ng kasama namin sa hapag-kainan itinaas din ang kani-kanilang baso para ipatunog yun.
"Cheers" Sigaw ng lahat, while im remained smiling and watching them, celebrating, and looking proud to me. That's the show i will not get tired to watch..
"Congrats Baby" Mommy greet me ecstatically. She's so proud, that im too scared to disappoint them mas lalo na siya. Jeez...sinusubok ata ako sa tinatawag sacrifices.
"Thanks mommy" I thank her after i finished chewing my food. Pagkumakain pa naman ako habang nag-sasalita tumatalsik yung pagkain.
"Congrats Nhicxy" Nakangiting bati naman sa akin ni daddy. Ewan ko pero ang gaan ng loob ko kay Daddy i mean he's so chilled, calmed at mahinhin. Kahit kailan hindi ko pa siya nakitang magalit. I dont think kung nagalit na ba siya pero hindi lang halata dahil ang soft hearted niya tignan kaysa kay mommy, pero infairness lalaking-lalaki siya gumalaw, manamit, at mag-salita. What i noticed kay mommy is she's so fine cool like me alam na alam ko kung kanino ako nag-mana, she looks so rebellious tignan pero matino siya manamit, mag-salita at kumilos. Hindi pa nga nila na k-kwento sa akin kung paano sila nag-kakilala ni daddy..
"Thanks po dad" I thank Daddy too and smiled back at him. Dati kayang....binabae si Daddy?—jwk
"Congrats apo" My Lolo in my father side congratulate me too. He's Lolo Xylvester, Daddy Xy Lester's Daddy. Lolo is the Dean in New Hera Senior to College School University. And he's so strict same as Ms. Castro was. Isa pa ito eh...mahihirapan ako nito tumanggi sa mga bagay sa school dahi laging may kinalaman doon si lolo.
"Thank you po lolo" Casual na pasalamat ko kay Lolo. Kahit demanding yan sa mga bagay mas lalo na sa akin mabait at matalino siya, kaya lagi ko siyang sinusunod kasi alam kong makakabuti ako doon, pag-alam niya naman na ayaw ko ang isang bagay lagi niya akong pangangaralan at doon kami hindi nag-kakasundo. Mas lalo na pag-pride ko na pinag-uusapan, sarap managasa ng tao.
"Congrats, Nhicxy" Napatingin ako sa gawing gilid ko and i saw Nash congratulate me. He's at the young age pero kung maka-asta yan parang siga, pero yung yayamanin, hindi katulad ng nakikita kong bata sa kalsada, sigang kalye, sarap hambalusin binatuhan ba naman ako ng bato sa bintana ng sasakyan ko habang bumabyahe.
Acutally hindi ko siya napansin, kung hindi niya pa ako binati baka isipin niyang di ko siya pinapansin, kasi di ko siya nakita. Lahat ng pinsan, mapa-tito o tita ko pa yan, kahit Lolo at Lola ko sa mother side ko, lahat kami may lahing 'Cool' kung tawagin. Like lahat kaming pamilya maangas, lagi nga kaming nag-aangasan kahit wala namang dapat ika-angas.
Para sa mga nag-tatanong kung nauubusan o nawawalan ba kami ng angas? fun fact para sa curious kung paano nawawala ang angas ng isang miyembro sa pamilya namin, ay kapag...secret muna.
"Thanks Nash-" I thank him, at nginitian ko siya ng nakakaloko. Tignan natin kung hanggang saan aabot angas mong bata ka
"-Ki haha" I teased at him, and he looks so so annoyed. He doesn't want to called him in his real name. Ang pangit daw pakinggan, tapos nakakabawas astig din daw. Loko 'to may ina-angasan 'ata eh.
"Hey, stop" He glared at me, while his mouth pouted. Nash is in the 3rd school, and he's my cousin. Dapat talaga sana sa New Hera Grade School siya pag-aaralin, kaso pinag-transfer siya sa ibang school dahil malapit sa place namin yung school dahil nag business trip ang magulang niya kaya dito muna siya pinatira but pang-temporary lang sana, pero ng makabalik na yung parents niya nag-taka kami dahil ayaw niya na lumipat sa ibang school, and that was the first time siyang hindi nag-palipat kaya nag-taka kami kung bakit.
Pero dahil maangas ako, nahuulaan ko kung anong dahilan. Tss..ako aangasan mo?
"Mommy...is this boy? Have a crush in his school na?" Kunyaring patay malisya na tanong ko at sumulyap kay Nash na masamang nakatingin sa akin. Pasalamat ka ang cute mo pag-nagagalit ka.
"I don't think so...meron na nga siyang pinopormahan eh" Ngumiti rin ng nakakaloko si Mommy. I knew it. Si mommy kasi ang naghahatid sundo sa kaniya, natatawa pa kami dahil ayaw niya na magpasundo kasi malaki na daw siya. Astig nga may pagka-bobo naman. And siguro napapansin ni mommy na may pinopormahan ang batang astig.
"Really?, siguro sobrang cute ng bata na yun...siguro sobrang...sweet ng bata na yun..." I acted like admiring the girl. Siguro nga ang ganda at ang bait ng bata na yun. Pero what if...hindi pala pasok sa taste namin...—jwk its not our business kung pangit o mahirap man magustuhan ni Nash ang mahalaga...wala naman kasing forever. Ang napaka-astig na tao hindi naniniwala sa 'Love' at ako yun.
"Oy! Mommy kinikilig oh!" Tumatawang sigaw ko at dinuduro pa si Nashki na namumula ang pisngi. Shesh...napansin ko kasing ang cute at ang sweet ng ngiti niya ng kunyaring ina-admire ko yung crush niya.
"Alam mo bang dagdag astig yun sa lalaki, pag-kinikilig ka?" Pag-t-trivia koo sa kaniya. For sure interesado yan ayaw lang ipakita. Tss..sino bang tanga ang ipapakita na interesado siya sa isang bagay.
"Tss..you better shut up Nhicxy" Napa-ismid naman ako ng sagutin niya ako tapos nanggagalaiti ang mukha sa asar. Parang ako lang. Ngumuya muna ako ng kinakain ko bago ako ulit bumalik sa pang-aasar.
"Alam mo kasi...sobrang saya ng babae kapag nalaman niya na...yung astig na lalaking katulad mo kinikilig dahil sa kaniya" Ewan ko kung saan ko nakukuha yung mga sinasabi ko, hindi ko naman na-experience yan eh, pero kung i-sasalamin ko yung sarili ko sa batang babae na sa tingin ko may crush si Nash, siguro uupakan ko yung poporma sa akin. Nakaka-asar.
"Tita! " Napahagikgik naman ako ng mag-sumbong na siya kay mommy. Yun lang...sumbungero..sayang ang ka-gwapuhan.
"Yan ang bawas astig dude yung...sumbungero haha" Tinapik-tapik ko yung balikat niya at bumalik na sa kinakain ko. Sino ngayon maangas sa'ting dalawa.
"So would you mind tell us about your....task" Biglang tanong ni lolo sa akin, kaya napahinto ako sa kinakain ko at tinignan siya.
"Nothing special, lolo" I response genuinely. Special task nga, pero hindi ako na-e-espesyalan sa bagay na yun. Baka pag-nagturo ako sa school...., ang gustong matutunan ng students ay kung paano maging astig at maangas katulad ko, o di kaya kung paano maging ma-pride.
"So why is that? " Daddy suddenly asked curiously. Ayaw ko muna pag-usapan yung task ko nangangati kamay ko manapak.
"Wala naman po, aakyat na po ako" Paalam ko at agad na tumayo at naglakad papuntang kusina para iwan ang pinag-kainan ko ang astig na tao hindi nag-huhugas ng pinag-kainan niya tapos nag-lakad na ako paakyat. Ayaw ko sabihin sa kanila na may problema ako sa task ko, dahil nasa harapan ko si Lolo baka lecturan nanaman ako tungkol sa pride ko.
"Nhicxy, let's talk later" Paakyat na ako ng hagdan ng bigla akong tawagin ni....Lolo. Patay. Hindi kaya nagalit yun sa sinagot at inasal ko kanina.
"Y-yes lolo" Sagot ko at dali daling umakyat sa kwarto ko, baka may bigla pa siyang sabihin. Tiyak tungkol sa pride ko nanaman ang sasabihin niya sa akin. Gusto ko lang naman palitan task ko..mahirap ba yun?
I sit back at my couch immediately and grab my phone. Parang nagugutom ako ulit. Nagulat ako ng mabasa ko yung mga message nila Ciello.
Ceillolo
>Hoy!! @Nhicxy umayos ka!
bakit hindi ka pa nag
m-message kung naka-
uwi ka na!
Jhananana
>@Nhicxy reply immediately
pag nakarating ka na
Ciellolo
>Hoy! Halos kalahating
minuto na!, asan ka na?
Jhananana
>Bakit hindi ka nag r-reply?
Me
Tss...traffic. Thanks<
sa pag-aalala
Halos kalahating oras na pala lumipas nun.. I exit at the message at dumiretso sa i********: para kalimutan na talaga yung nakaka-asar na pangyayari.
My eyes widen, i suddenly saw my favorite author just posted her new released book. I suddenly remember the last book i read, its about 'Love' Love At First Sight. And i envy the girl character which is yung bida, pero dati pa cyun hindi na ngayon.
'Since the day i met you, my life has never been the same' Imagine sinabi sa kaniya yun ng lalaking first time niya palang nakita. And that is called Love at first Sight. Napatingin ako bigla sa gilid ko kung saan naka bungad and malaki kong bookshelf, naka lagay d'on ang mga binili kong libro all about romance, na halos lahat hindi ko pa nababasa....dahil tinigil ko na.
"Baby...., can I come in? " I heard mommy knocking at door suddenly. Hindi na akong nag-abalang tumayo sa kinauupuan ko para buksan yung pinto. Dahil ang astig na tulad koo hindi nag-nubukas ng pinto.
"Sure, the door is open mommy" I response between the door, giving my permission na pumasok siya sa kwarto ko. Im just laying in my couch, thinking about something na may kinalaman sa task ko....sa task ko nga ba?
"How's your school?, have you fun? I'm sure you are, pinarangalan ka ng president" Halo halong tanong ni mommy sa akin, at nginitian ko siya dahil sa sobrang tuwa niya.
"Mommy.. " Biglang usal ko. Hindi ko na kayang itago 'to. Baka pwede pa akong tulungan ni mommy para palitan task ko.
"Mm? What's the problem? " Curious na tanong niya, and she seems worried. Kinakanahan ako.
"Wala lang po. I love you mommy" Gusto kong iuntog yung sarili ko. Ang astig hindi duwag mag-sabi ng problema, pero ang astig kayang sarilihin ang problema. Hindi ko talaga kaya, hindi pa naman pasok sa pride ko yung task ko eh, mag-tuturo lang naman ako, ok mananahimik na lang ako para hindi ako ma-stress dahil ang astig hindi marunong ma-stress.
"Oh i love you too baby, btw inaantay kana ng Lolo mo sa labas" Ngumiti si mommy ng matamis at niyakap ako katulad ng yakap niya kanina ng kasabay nung umiyak siya. Oo nga pala si lolo, i forgot.
Ang tunay na astig....makakalimutin
I just nod at her and gave her a sweet smile. Ano kayang sasabihin ni lolo sakin? Paulit-ulit lang siguro. Kinakabahan tuloy ako....Chill..
Pag labas ko ng bahay, sinalubong ako ng malakas na hangin at masasabi kong nakagaan siya ng pakiramdam.
Gabi-gabihin ko kayang lumabas ng ganito. The air blown my hair aggressively in my face, that the tip of my hair poked my eyes.
Para akong sinabunutan ng hindi ko nakikita.
Nakita ko na si lolo!
Dali-dali akong nag lakad papalapit sa kaniya, baka kanina pa siya nag aantay. "Lo.. " Usal ko ng hindi tumitingin kay lolo. Pero na-aaninag ko siya sa gilid ng mata ko. Anggwapo ni lolo.., may pinag manahan pala si daddy eh. He's eye is closed dinadamdam ang simoy ng hangin.
"Well done, you achieve your goal." Nag-salita na si lolo kaya napatingin ako sa kaniya, nakadilat na ang mata niya pero nasa langit siya nakatingin. Im happy na proud na proud sila sa akin.
"Goal ko para sa inyo Lolo tss.." Pag c-correect ko, and i smiled at him. Hindi ko pinipilit abutin yung mataas para maging proud sa akin yung pamilya ko, pero wala akong magagawa kung sadyang napaka-taas ko, madali ko na lang makuha yung mga bagay na imposible. Sa tingin ko nakuha ko na yung mga dapat kong makuha, yung mga dapat na sa akin. At mag-isa ko yun inabot.
"Wag mong sasayangin yang opportunity mo, kahit na...may mga mahihirap na gawain ang dumating sayo" Dugtong niya na ikina-tahimik ko. Mukhang....yung task ko yung tinutukoy niya, alam niya kaya na ayaw ko ng task ko?
"Sabi mo nga you have common sense...so..." He teasing me sarcastically. Natawa ako pero hinayaan ko siyang tapusin ang saasabihin niya.
"Choose wisely sa mga decision mo. I'm very proud of you, we're proud of you. You growth Nhicxy, at alam kong responsable ka na. " I feel his proudness sa mga sinasabi niya. Pero lalo lang akong na p-pressure, paano kung biglang may dumating na isang...problema...isang mahirap na gawain...yung gawain na labag sa loob ko, ma-d-disappoint ko sila, marami akong mad-disappoint pag-umatras ako.
"Kahit gaano kahirap yung gawain mo, wag mong susukuan, being president should be responsible, just sit back and chill.." Dagdag niya pa ngumiti sa akin. Kaya naman pala...may pinag manahan ako sa pagiging kalmado.
"Please...apo always remember that" Tinapik niya balikat ko kaya napangiti ako. Lolo....mawalang galang na...pero..hinding-hindi ko yan makakalimutan dahil walang araw na hindi niyo inulit-ulit na pangaralan ako-
"Because that's favor"