Chapter 5

1947 Words
Fake Teacher 5- SuperWoman "Kate?" Di ko nalang siya pinansin,hinila ko yung kamay ni Melvin tapos dumeretso sa table ng dalawa. "Tara na!Balik na tayong Nicolas,male-late na tayo."pabulong na sabi ko sa tatlo. No response from them,tinitigan lang nila ako for two seconds tapos umupo si Melvin sa tabi ni Martin,at ipinagpatuloy na nila yung pagkain.Gosh!Hindi pwede!Hindi pwedeng mag-stay kami dito!Paano nalang kung ma-curious si Renz sakin tapos tatanungin ako kung bakit ganito ang outfit ko? Jusko po!Hindi pwede!Mabubuking ako! "CR muna ako."pamamaalam ko sa tatlo. Actually hindi naman talaga sa CR ang punta ko kundi sa kotse ni Martin.Mahirap na noh kung mag-stay pa ako dun,baka di ako lubayan ng tanong ni Renz. Mabilis akong naglakad papuntang parking lot.Nang makarating ako,akma ko na sanang bubuksan yung pintuan ng backseat kaso.... "Kate." Rinig ko yung boses na yun.Tinig ng isang lalaking siyang dahilan kung bakit ako nasa parking lot,kung bakit gusto ko bumalik ng Nicolas. Humarap ako sa kanya.Akala ko siya lang mag-isa,akala ko siya lang yung lalapit sakin ngayon,mali pala. Kasama niya si... "Long time no see Kate,how are you by the way?" "Ella???"nagtataka kong tanong.Hinead to foot ko yung kasama ni Renz.Tama nga!Ito si Ella!"Ella!Na-miss kita!Kamusta ka na?!?" Siya si Ella Dantis.Bestfriend ko since grade four at kaklase ko sa Victoria High School (school na pinanggalingan ko).Grabe!Na-miss ko siya!Ibang iba na yung itsura niya ngayon.Dati nerd siya,Nobody at shy type pero ngayon,omg!Kasing ganda na niya si Marian Rivera!Pero ito ang pinagtataka ko,bakit kasama niya si Renz na most popular sa Victoria High? Lumapit si Ella sakin,ako tumakbo palapit sa kanya para yakapin siya.Akala ko yayakapin din niya ako pero hindi pala... PAK!!! Nararapat bang ginawa niya sakin to?Tama bang saktan niya ako ng ganito?Tama bang Sinampal niya ako...Tinulak at Sinabunutan sa harap ni Renz??? "Baby!Stop it!!" Hindi nagpapigil si Ella sa awat ni Renz.Ano daw?Baby?Hindi kaya magkasintahan sila? Napahiga ako sa sahig.At sakto namang pagka-handusay ko,hinila siya ni Renz at pina-tahan. Umiyak ako.Hindi dahil sa sakit ng sabunot na ginawa niya kundi sa naging trato niya sakin. What?!Bakit galit sakin ngayon yung Bestfriend ko?Ba't niya to ginawa?Ang sakit lang talaga.Bestfriend mo tapos magagalit sayo ng walang dahilan?Pinagpag ko yung sarili ko.Pinunasan yung umaagos kong luha sabay tayo at hinarap si Ellang nagwawala na sa galit. "Napaka walang hiya mo  Kate!Matapos mo kong iwan at paasahin!Walang hiya ka!Iniwan mo ko !Iniwan mo ako!Di ka nagpaalam sakin!Iniwan mo ako!" Ngayon naintindihan ko na.Naiintidihan ko na kung bakit ganito ang trato niya sakin ngayon.Umalis ako ng Victoria ng walang paalam sa kanya.Ako ang tinuring niyang kapatid,tinuring na kaibigan at tinuring ng niyang tagapagligtas. Oo,nagpapaka-bayani ako sa kanya.Sa tuwing binu-bully siya,ako ang nang-aaway sa nagpa-paiyak sa kanya.Ako yung sumasaway sa umaaway sa kanya.Ako kasi yung President ng student council.Lahat ng mga pasaway binibigyan ko ng punishments.Kilala naman siyang pinakamahina sa eskwelahan namin.Mahiyain at yung tipong forever alone. Siguro nang huminto ako sa pag-aaral,inatake na siya ng mga bullies.Pinahiya na siya at pinagtulungan. Kasalanan ko to.Alam kong umasa siyang papasok pa ako ng school.Nung araw kasi ng paghinto ko,mga teachers lang yung nakaka-alam,hindi ako nagpaalam sa kanila.Hindi nila alam na huminto na ako sa pag-aaral.At balita ko,nalaman naman nila dahil sinabi na ito sa kanila ng adviser. "So-sorry Ella,di ko naman alam na ganyan yung magiging reac---" "Akala mo yun Kate!Alam mo kung bakit?Kasi umasa akong di mo ako iwan!Umasa akong lagi tayong magkakasama at umasa talaga ako ng sobra!Bestfriend mo ako pero bakit ako pa yung di naka-alam na huminto ka na?!" "So-sorry talaga,di naman kita iniwan,nadala lang ako ng hiya kasi dahil sa kahirapan namin kaya ako hihinto ng..." "Hindi.Hindi matapang ang hiya mo,kasi ngayon?Napaka-walang hiya mo." "Hindi mo ako naiintindihan Ella!Hindi mo ako naiintindihan!Kung ikaw dito sa kinalalagyan ko,mauunawaan mo sana kaso...Wala eh!Hindi na ikaw yung Ella na kilala ko.Oo!Gumanda ka!Pero kasabay ng pag-ganda mo ay siya ring pagsabay ng pag-pangit ng ugali mo.Ano ba talaga yung kahulugan mo sa salitang friendship ha?" "Wala akong oras diyan!Wala akong alam pero isa lang yung tatatak sa isip ko.Our friendship is over." "Ella,wag mo yang gawin!Yung pinagsamahan natin!Hindi mo kasi ako naiintindihan eh!Ella!"lumuhod ako sa harap niya,lumuhod ako at nagmamakaawang wag tapusin yung pagkakaibigan namin."please..." Habang nakaluhod kay Ella,may isang kamay na humatak sakin patayo.Nagulat nalang ako kung sino yun kasi..."Ma-Marvin?Ba-bakit?"utal utal kong sabi kasi himihikbi ako. Walang sabi sabi ay nilayo niya agad ako kay Ella't Renz. "Bakit ka lumuhod sa kanya?Yan?Luluhuran mo yang walang kwentang kaibigan mo?Kaibigang walang pang-intindi?"deretsong sabi ni Marvin."Tsaka,kung totoong kaibigan yan,sana nakakaintindi siya,yung mauunawaan ka?Kaso hindi eh,kundi plastic baka kinaibigan ka lang niyan kasi may kailangan siya sayo,tama ba?" Alam kong ako yung kinakausap niya pero kina Ella siya nakatingin. What?Ginawa niya ba talaga to?Pinatayo at ipinagtanggol?Panaganip kaya to?Baka naman bangungot?Aish!Ba't ba ngayon lang to nag-sink-in sa utak ko? Kitang kita sa mukha ni Ella ang pagka-gulat.Gulat sa ginawa ni Marvin.Sabagay,tama naman siya,anong klaseng kaibigan ba siya? Di na ako umiiyak ngayon.Na-realize ko kasing mali talaga yung ginagawa ni Ella.Tama na sigurong over na yung friendship namin. Hinila ni Renz si Ella sa likuran niya,si Ella hindi makapagsalita,si Renz naman nanlilisik na yung mata sa galit. "Hoy gag*!Wag mong ginaganyan yung girlfriend ko,umayos ka nga?Di ka naman kasali sa usapan ha?!"galit na sigaw ni Renz kay Marvin.Ngumisi naman itong si Marvin na siyang pinagtaka ko. Oh my god!Mag-boyfriend na sila Renz at Ella?Nobody at Popular nagkatuluyan?Gosh! Eh teka,ano bang pinaglalaban ko?Opposite attracts.At may kaunti naman akong selos kasi crush ko tong si Renz.Hays. "Wow!Naririnig mo ba yung sarili mo?Eh ikaw nga rin tong sumasali sa usapan eh.Bobo." "Eh bakit,sino ka ba kay Kate?" "Teacher ko." Natigilan ako sa sinabi niya. Ganun din sila Ella. Oo nga noh?Ba't ba ngayon lang pumasok sa utak ko na pang-teacher yung outfit ko?Aish!Nakalimutan ko!!!Paano na to.   T.T "I-ikaw?Te-teacher n-na?!"obvious na gulat si Ella pero si Renz?Walang paki-alam. Di ako makasagot.Kinakabahan.Nalilito.Sasabihin ko bang fake ako?Paano pag sinabi ko? "Ahm o-   teka,ano ba Marvin?" Sasabihin ko sana kaso hinila na naman ako ni Marvin,hilig niya talaga akong hilahin no?Well,kinaladkad niya ako papasok ng kotse. "Ano ba Marvin?Ba't mo ko hinila palayo sa kanila?" Hindi siya sumagot,bumuntong hininga siya tapos nag roll eyes. "Tanga ka ba?Magsisimula na yung class,psh." Tiningnan ko yung relo ko at tama nga,it's already 11:46 at 12:00 ang simula ng class sa Last Section.Well,yung subject na hinahawakan ko ay halos lahat.Kumbaga para na ako nitong master teacher.Pero Social Studies lang yung dini-discuss ko,yung ibang subject?Mag-self study nalang sila kahit alam kong last section. Pumasok na kami ng koste.Sa unahan siya,ako naman sa likuran,katabi ko si Martin,si Marvin ang driver at katabi niya Melvin. "Ba't ba ang tagal niyo?May ginawa kayo hano?" ngising sabi ni Melvin. "Ulol,nakipag-away siya,tinulungan ko lang." inis na sagot naman ni Marvin. "oooows.Ngayon ko lang yan narinig sayo,ikaw?tumutulong?What the F?!" Inis-start na ni Marvin yung engine,sign na babalik na kami ng school. "Whooooooo!Sa wakas uwian na!!!" "Oo nga!Ka-boring naman kasi ng bago nating titser." Oo!Tama kayo,uwian na ng last section.At dahil uwian na,nagsitakbuhan sila palabas ng room,ni kahit isa walang pumansin sakin,ni kahit isa,WALA! Kainis na ugali nila!Akala mong mga hayop yung magulang eh.Paano ko kaya to madidisiplina?Ugh! Inayos ko na yung mga gamit ko,paalis na sana ako kaso may naalala pa pala ako. "Sandali!San kayo pupunta?!"nagmamadali kong tanong sa anim na hari ng school na to. Di lang nila ako pinansin at naglakad sila papuntang pintuan,ugh!Paulit ulit nalang na ganito!Tatanungin kung saan sila pupunta pero dedma lang,eh paano ba namang di ko haharangin eh kulang kulang yung outputs nila sakin,yung tests nila kulang din!Leche naman eh!Ang hilig talaga nilang mag-ditch ng class,natatakasan pa ako eh. "Eh ano bang pakialam mo?Teacher ka lang dito kaya wag kang haharang harang sa daan namin!Bwisit."inis na sabi ni Kurt. "May pakialam ako!Teacher niyo ko at sa ayaw niyo't sa gusto niyo,mananatili muna kayo ng room para mag-take ng mga na-mis niyong tests and outputs,bakit,ano ba tingin niyo sa sarili niyo?Hari ng campus na to?No way!Sa pagkaka-alam ko,ang teacher ay tinuturing na pangalawang magulang,hence,kailangan niyo rin kaming i-galang.Basta!Walang makakatakas sakin hangga't may kailangan pa kayong i-take!" "Fck!Sino nagsabi sayo niyan?Mas malakas ka pa samin?Patunayan mo nga?"nakasimangot na tanong ni James sakin. Isa isa ko silang tiningnan,si Kurt,as usuall nakasimangot,ganun din si James,si Dennis busy sa iPad niya,soundtrip naman si Marvin na nakatingin sa kawalan,Ken and Von?Bored. Paano nga ba?Paano ko mapapatunayang mas malakas ako sa kanila kahit alam kong ting ting lang ako kumpara sa kanila?Lintek na trabaho kasi to eh,paano ko ba sisimulan yung pag-didisiplina ko sa kanila?Eh hindi pa yata ako nakaka-dalawa eh.  "Ah eh..." Psh.How can I prove them na malakas ang pwersa ng teacher kesa sa kanila?Kasi kung puro kadramahan lang yung isasagot ko,eh wala lang,mapapanis lang ang isasagot ko,kung bakit?Halata naman kasing hindi sila interesado. Nakita ko silang ngumisi,AS IN LAHAT,at aba!Sabay sabay pa,ano ba tong mga to?May remote control at sabay pa ngumisi?Nakakairita! "See?Wala kang masabi,patunay na mas malakas kami kesa sayo.Tabi nga diyan,haharang harang ka pa kasi saming mga gwapo."-James. Tinabig niya ko,dahilan para matumba ako sa sahig.Ugh!Ka-bwisit naman!Walang excuse excuse sa kanila!Mga spoiled brat!Ang sasama ng ugali. Hindi pa man sila nakakalayo ng room ay hinarangan ko ulit sila.Sa tingin nila makakatakas sila?Hindi.Gagawa ako at gagawa ako ng paraan para makuha nila yung mga kulang nila sa class record ko. "Ano ba?!Hindi kayo makaka-alis hangga't di nyo nakukumpleto yung tests at outputs nyo!Utang na loob!Please lang." Poker face silang tumingin sakin,biglang nilipat ni Dennis yung tingin niya sa bandang likuran ko tapos parang may sinenyas. "Utang na loob!please lang!Bitawan mo ko!" Bigla nalang may bumuhat sakin at nilayo sa anim na yon.Pinaghahampas hampas ko sa likod yung bumubuhat sakin.Bwisit siya!Kausap ko yung G-Six tapos biglang may bubuhat sakin palayo sa kanila!Sino ba kasi to? At sa wakas,binaba na ako ng lalaking to.Sinimangutan ko naman siya at sinamaan ng tingin. "So-sorry po Maam,sumunod lang po ako sa utos ng G-Six,sorry po talaga.Geh po,mauna na ako,sorry po ulit,sorry po."then kumaripas siya ng takbo palayo sakin. Oo na!Mas malakas na ang pwersa nila kesa sa mga teachers!Tinitingala sila ng mga estudyante!May itsura sila pero bakit mas nire-respeto sila kesa samin?Equality naman sana dito sa Nicolas!Kung hindi lang magulang nila yung namamahala dito baka- "YOU!"dinig kong sigaw ng isang babae mula sa likuran ko.Agad naman akong lumingon at halos lumundag yung puso ko sa mga papalapit sakin.Sila yung kasali sa cheering squad dito at kitang kita sa mukha nila yung galit at inis. Teka,teka,teka. Sila?Papalapit sakin?Galit?Inis?Bakit? "Baki-" "Ang landi mong teacher ka!Mang-aagaw ng boyfriend!Ganyan ba dapat ang isang teacher?Daig mo pa yung pinaka b*tch dito sa earth!B*tch!B*tch!B*tch!" Sinabunutan agad ako ni Cindy.Nakapalibot naman sakin yung ibang kasama niya. Ramdam ko yung lakas ng pagsabunot niya sakin,dama ko ang sakit,dama ko ang kirot,dahilan para maiyak na ako. "IKAW ANG DAHILAN NG KUNG BAKIT ANG COLD NG PAKIKITUNGO SAKIN NI MELVIN!MALANDI KA TALAGANG TEACHER KA!DAPAT SAYO NAGTUTURO NG MGA G.R.O. EH! B*TCH! B*TCH! B*TCH!'' "Tama na Cindy!Naaasaktan ako!Aray!" "NARARAPAT LANG SAYO YAN!MALANDI KA !I HATE YOU!!!!" Ako yung tipo ng tao na hindi basta basta lumalaban.Hindi basta basta gumaganti at hindi basta basta pumapatol.Teacher ako sa mga oras na to at ayoko bahiran ng masamang bakas ang isang guro.Kaya heto,tumatanggap nalang ako ng blessings na binibigay ni Cindy. "Stop Cindy!Di ko na talaga kaya!Nasasaktan ako!Aray!" "Pwes kung gusto mong tigilan na kita,kakalbuhin muna kita!Um!Um!Um!" Mas lalo pa niyang hinigpitan ang paghawak sa buhok ko. Ako?Wala akong nagawa kundi ang pigilan lang yung kamay niya. "TAMA NA SABI EH!WALA KA BANG UTAK?O SADYANG BINGI KA LANG?" Napatingin kami sa nagsalitang yun. Bakit nandito siya? "Owwwww,nandito pala si Ms.Nerdie.Nagkita rin tayo,sa wakas."sabi ni Cindy sabay bitaw sa lugaygay kong buhok. Si Kyla!Anong ginagawa niya dito? "Teacher siya,Cindy.Teacher. Ano ba yung ginagawa sa mga teacher?Ginaganyan?Eh kung sayo kaya gawin yan?Masasarapan ka ba?"mataray na sabi ni Kyla. "Aba!May nagtataray na pala dito maliban satin?Girls?Pagtulungan siya."then,nilapitan ng iba pang cheerleaders si Kyla,ready to slap her but... Oh my god!Girl version ni SuperMan nandito sa harapan ko!Paanong...Paanong napabulagta niya yung mahigit limang cheerleaders?OMAYGAD!Nagpakita na si SuperWoman!!! Namilipit sa sakit yung cheerleaders na sinaktan ni Kyla.Sunod naman niyang tiningnan si Cindy na halatang nate-tensyon.Haha!Ang epic ng mukha!!!Akala mong nakakita ng multo. "Sa oras na saktan mo si Teacher Kate,ako ang makakaharap mo,hmp."sabay talikod kay Cindy at dumertso naman sakin."Ayos ka lang ba teacher?" "Ah oo,ayos lang,tara na,may pag-uusapan pa tayo."pagkatapos ay hinila ko yung kamay niya palayo kila Cindy,kila Cindy na nanlilisik na yung mata sa galit. Here's SuperWoman,siya ang tutulong sakin sa mga problema ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD