Chapter 4

2414 Words
Fake Teacher 4-Renz "Go G-Six Go! Fight G-Six Fight! Go!G-Six Go! G-Six Fight! G-Six!Win!Win!Win!" Yan yun cheer ng mga cheerleaders dito sa Nicolas.Laban nga pala ngayon ng G-Six sa volleyball at dito yun gaganapin. Napatingin ako sa paligid ko... God!Napakadami nilang supporters!Alam mo yung feeling na nakakakita ka ng isang milyong langgam?Parang malulula na yata ako sa sobrang dami! By the way,kaya ako napunta ako dito sa volleyball court dahil napadaan lang ako dito.Na-curious naman ako kung bakit maingay so pumasok ako at yun nga,pagbungad ko yell na agad ng cheering squad yung narinig ko. "Good morning everybody!Here are the players of Nicolas Volley Masters... Starting with jersey number 3,Von Marion Cerveza! Number 2,Dennis Villacorte Number 11,James Bryan Dizon! Their setter is wearing jersey number 9,Kurt Sarmiento! Number 6,John Ken Luther And their team captain!Wearing jersey number 8! Marvin Woo! Yung feeling na masisira na yung eardrum ko sa lakas ng cheer ng mga tao dito,GRABE!As in Swag to the Max!Famous pala talaga yung G-Six na to!Isama mo pa si Marvin na ang lakas ng impact ng audience sa kanya. Dahil sa sobrang ingay dito,hindi ko na kinaya pa at umalis na ko.Baka mabingi pa ako nito eh,paano nalang kaya yung trabaho ko?.? Teka,anong oras na ba? Shocks!7:42 na pala ng umaga?Kamusta naman eh 7:00 dapat nasa room na ko ng Last Section.Ugh!Bakit ba kasi ako napunta dun sa volleyball court?Kainis. "Good Morning Maam!!!" "Ah,good morning din."sagot ko sa estudyanteng nerd na buhaghag ang buhok,maraming dalang libro at marami pang dala,I guess,nasa cream section to.Nerd means matalino kasi eh. "Teacher po ba kayo dito?" "Ah oo,teacher ng Last Section."saktong pagsagot ko nito ay siya namang pagsinghap niya with matching panlalaki ng mata."bakit?" "Ka-kayo po?Te-teacher ng G-Six?I mean,ng Last section po?"nagtataka niyang tanong sakin. "Oo naman,may mali ba?"sagot ko rito. "Wala naman po pero isa lang po masasabi ko,mag-ingat po kayo." "Ganun ba?Bakit naman?"tanong ko. "Mahaba pong kwento eh,mamaya po ike-kwento ko,By the way,ako nga po pala si Kyla Nicole Galang,Kyle nalang po itawag niyo sakin.Galing po sa Cream Section."sabay abot ng kamay niya at nakipag-shake hands naman ako. Kyla Nicole Galang?Hmmmmm.Mukhang pamilyar sakin yun ha? "Ms.Klairol Kate Aurelio.Kate nalang for short.Wag mo na akong i-PO at OPO,seventeen years old palang..."uh-oh nadulas ako,patay... "SEVENTEEN????" "Ah oo,mahabang kwento,sige pumunta ka na sa room mo,mamaya nalang tayo mag-usap,3:30 sa library." "O-okay po." Hays.Nadulas ako nadulas ako nadulas ako!Tingin ko may mapagsasabihan na naman ako ng secret huhu! Makapunta na nga ng Last Section. ** Ugh!Bakit di ako na-inform?Para tuloy akong tangang naghintay sa room #21.Bakit di nila sinabi na lahat ng estudyante ngayon ay excuse para manood ng laro ng G-Six?Nakakainis! Sino ba naman kasing di maiinis na naghintay ng tatlong oras para lang sa wala? Makabalik na nga ng volleyball court.Kamusta na kaya yung laban nila? ** "Whooooooooo!Ang galing niyo talaga papa James!" "Ang gaganda ng mga set mo Kurt!Crush na kita!kyaaaaaaaaaaaa!!!!" "Ang lalakas ng spikes mo Marvin!!!Ang hot mo talaga!!!!!" "Ang galing niyo G-Six!Whooooo!!!'' For the second time,tinakpan ko na naman yung tenga ko dahil sobra sobrang ingay!Parang pinagsamang 100 palengke sa sobrang ingay. Ayun,nakisiksik ako sa maraming estudyante,singit ako ng singit para makita yung G-Six.Oo,panalo sila,halata naman sa sigawan ng mga audience dito. Singit,lusot at iba ibang tao yung nakakasalubong ko!Ang dami talagang tao!Promise!Hindi naman kasi to Arena.Simpleng volleyball court na nasa oval.Buti nalang cloudy day ngayon,kung hindi,sunog na yung balat ng manonood dito. "Excuse me po,excuse---Aaaaaaaaaah" Naramdaman kong biglang may humatak sa kamay ko,hinatak ako ng hinatak hanggang sa maka-alis na kami ng volleyball court.Aray ko talaga!Sino ba kasi to?Bakit niya ko kinakaladkad palayo? Sa wakas at huminto rin kami sa paglakad,psh!Bakit dito sa grandstand?Sabagay,halos walang estudyanteng pumupunta dito. "Ano ba?Ba't mo ko hinatak palayo dun sa volleyball court??Sino ka ba ha??" Tiningnan ko yung humatak sakin na ngayon ay naka-indian seat.Naka-shades siya tapos naka-school uniform.Aba!Ano bang binabalak nito? Bigla niyang tinanggal yung shades niya.Teka.... Bakit nandito siya? "MARVIN????Ba't nandito ka?Di ba dapat nandun ka sa---" "I'm not Marvin."nakanguso niyang sagot.Hindi kaya..... "Eh sino ka?Si Melvin o si Martin?" "Yung una."sabay kuha ng wallet niya sa bulsa tapos may inabot na limang daan. "oh?!Anong gagawin ko?! dito?" "Slave kita,bilhan mo ko ng makakain." "Hoy,slave mo ko pag sa mansion niyo,pero ibang usapan na kapag dito,mahiya ka naman,isang teacher,uutusan mo?!" "If you don't follow what I want,then I'll tell the whole campus that your'e a fake teacher,right?" Akma na sanang siyang aalis kaso pinigilan ko naman.Hindi.Hindi.Hindi. Hindi pwede at hindi pwedeng ipagkalat ang secret na yun na pinaka-iingat ingatan ko. "Sabi ko nga,ibibili na kita."ngisi ang sinagot niya tsaka ako umalis para pumunta ng canteen. Fake Teacher+Slave of the identical tripets.For the sake of my studies and family,kakayanin ko to. Hmmm.Ano kayang gustong kainin ng mayayaman?Ano bang favorite ni Melvin?Ano bang bibilhin ko?Hmmmmmm......... Ayun!!!!! "Ale,pagbilan pong limang isaw at tatlong dugo ng baka (betamax)."sabay abot ng pera kay Ale.Sinuklian naman niya ako ng 470 pesos.Oh diba,nakatipid siya,30 pesos lang  yung nabawas sa baon baon niya. Bumalik na ako sa grandstand.Inaasahan kong matutuwa si Melvin sa binili ko pero... "Yuck!Ano yan!Itapon mo yan!Kadiri !Ayoko niyan."napangiti naman ako sa sinabi niya. "Ayaw mo?Sige akin nalang ha?" "Eh di sayo." Tapos ay kinain ko na yung isaw,tiningnan ko naman yung reaction niyang diring diri sa kinakain ko.Ano bang problema?Masarap kaya yung isaw. "Babe!"rinig Kong sigaw ng isang babae na palapit na dito sa pwesto namin. Teka,babe daw?Sino bang babe yung tinutukoy niya? Saktong pagkasigaw ng salitang iyon,agad na inagaw ni Melvin yung isaw,pati,dugo ng baka sa tabi ko.Guess what?Tinapon niya yun sa malayo. At ang ikinagulat ko ng husto,pagkatapos niyang itapon sa malayo yung street food,inakbayan niya ako bigla. As in,inakbayan niya ako, I.N.A.K.B.A.Y.A.N.N.I.Y.A.A.K.O. "Hoy!Anong-"bakit ba ang hilig niya magputol ng sasabihin? "Sshhhhhhh.Magkunwari kang mag-boyfriend tayo,kung hindi,lagot ka sakin." "Ano?" "Ugh!Yakapin mo ko.Basta sundin mo ko,yakapin mo ko,slave." "Ayok-" The next thing I knew is he's hugging me.Niyakap niya ako ng pagka-higpit higpit. Niyakap niya ako? Oo... Niyakap niya ako.... Sana panaginip nalang to... "WHAT?!Why are you hugging that flirt teacher sa harapan ko kaysa sakin?Yuck!Yuck to the max,babe ha?!."sabi ng babaeng naka-costume na pang-cheerleader at alam ko ring isa siya dun sa cheering squad na nag-cheer sa G-Six. Nagulat ako sa nagsalita non,dahilan para bitawan na ako ni Melvin. Akala ko,aalis na siya,pero akala ko lang pala yun.Kase?Inakbayan na naman niya ako. Melvin!!!!Ano ba talagang binabalak mo ha?Tigil tigilan mo na ako! "Stop it Cindy don't call my girlfriend like that,and most of all,don't call me babe,I don't like you." Yung feeeling na gulat na gulat ka sa mga nangyayari.Ansabi na 'girlfriend daw niya ako?' Napakagaling niya gumawa ng kwento,subukan niya kayang gumawa ng libro? Napatingin ako kay Melvin,akala ko nakasimangot siya,but for the second time,AKALA ko lang pala yun.This time ay nakangiti na siya at aba!May pakindat kindat pang nalalaman. Tama na Melvin!Ayokong kiligin!Ayokong mahulog sayo!Please... "Sinasabi mo lang yan kasi nandito yang malandi na yan,diba hindi ka naman ganyan?Ang sweet sweet pa nga natin eh."sagot naman ng magandang babae na Cindy raw yung pangalan.Real talk,ang ganda ganda niya talaga,isama mo pa yung hinaharap niya,walang wala yung sakin. "I don't talk to strangers anymore,If I were you,just leave and don't attempt to see me and call my girlfriend b***h or I'll kill you." This time,naka-poker face na si Melvin.Tingin ko si Cindy patay na patay rito.Eto namang si Marvin gumagawa ng paraan,lumayo lang si Cindy sa kanya.Ayan tuloy!Pati ako nadamay. "Yes,lalayuan na kita.Pero one of these days,sisiguraduhin kong hahanap hanapin mo rin ako." Tumalikod na siya tapos kumembot habang naglalakad.Binaling ko agad yung tingin ko kay Melvin. Kay Melvin na nakangiti na ngayon. Kay Melvin na naka-akbay sakin ngayon at kay Melvin na napaka-hot ngayon. What?Sinabi ko bang hot siya?Erase erase erase. "Ho-hoy!Ano yun ha?Bakit sinabi mong girlfriend m-mo ako?A-at bakit ni-niyakap mo ko?" Tumingin siya sakin.Yung tinging cold?Yung walang emosyon,poker face kumbaga.Magka-parehas talaga sila.Feeling ko nga si Marvin to eh.Problema nito?Nagtatanong lang naman eh. "Don't assume,ginawa ko lang yun para iwasan ako ng pesteng Cindy na yun.Sa palagay mo magugustuhan kita?Yuck."pagkatapos ay tinanggal na niya yung pagkaka-akbay niya sakin. "Talaga lang dapat.Excuse me pero di rin kita type.Aish!Kung di mo lang ako slave sasapakin na kita dyan eh,kung di mo lang alam na fake teacher ako eh di sana nilublob ko na sa putik yang pagmumukma mo.Grrr."inirapan ko siya tapos kinuha ko yung lesson plan sa bag ko.Aral mode muna ako.Baka kasi makaligtaan ko yung lesson eh,mahirap na. Aalis na sana ako papuntang library nang bigla na naman akong pigilan ni Melvin. "Ops.San ka pupunta?Slave kita kaya dito ka lang,kung hindi..." "Oo na oo na oo na!"tapos umupo ako sa tabi niya. Natigil ako bigla sa pagbabasa. Kung bakit? Once again,inakbayan na naman ako ni Mr.Melvin. "Ano ba?Ba't mo na naman ako inaakbaya-" "Shh, sumunod ka lang sa gagawin ko..."bulong niya sakin. So ayun,hinayaan ko nalang siyang akbayan ako,slave nga ako diba?Wala na akong magawa kundi ang sundin siya.Binalik ko nalang yung tingin ko sa lesson plan at nagbasa habang naka-akbay sakin. Eh wag ka nga Melvin!Kinikilig ako aa pinagagawa mo!Huhu! "Hi Teacher!Napanood mo ba yung laban namin kanina?"rinig kong sabi ng isang lalaki sa bandang likuran namin.Nasa ganung posisyon pa rin kami ni Melvin na naka-akbay pa rin sakin.Curiosity kills kaya lumingon ako sa bandang likuran. Shaks!Ang G-Six papunta rito sa pwesto namin!Papunta sila dito!Papunta sila dito!OM gosh! Tinanggal ko yung pagkaka-akbay sakin ni Melvin pero binalik niya. Melvin!Tama na! "Hindi,hindi siya nanood sa laban niyo."ayan!Si Melvin tuloy nagsagot para sakin.Sana wag silang mag-isip ng kung ano ano tungkol samin ni Melvin.Lintek na slave kasi eh! "Then anong ginagawa niyo dito?"tanong naman ng nakangisi na si Von. "Ah,naka-tam-"-tulad ng nauna,pinutol na naman ni Melvin yung sasabihin ko.Ugh!Lagi nalang. "Dating.We're dating." "Ano?!''bigla kong sigaw. Kanina sabi niya Girlfriend ngayon naman nagde-date kami.Hay!Kung ano mang binabalak mo Melvin tama na!Magkakaroon pa tayo ng issue nito eh T.T "We're dating at hindi naman masamang makipag-date sa isang teacher hindi ba?"sagot niya then kinindatan niya ako. Ano bang sasabihin ko?Oo ba o pekeng date.Pero pag sinagot ko yung huli,patay.Secret will reveal. "Ah,oo nga pala,nagde-date nga pala tayo."yan nalang syung sinagot ko kahit di naman totoo.Sorry G-Six,nagmukha kayong tanga. "Sigurado ba kayong nag-de-date kayo?If I were you Maam,lumayo ka sa ka kambal ni Marvs(marvin).Eh mas gwapo pa kami dyan eh."singit ni Dennis. Ibig sabihin pala mas gwapo pa sila kay Marvin?Realtalk lang ha,di hamak na mas may itsura si Marvin kesa sa kanilang lima.Realtalk to.Realtalk. Isa isa ko silang tingnan na kasalukuyang nakatayo sa harapan namin ni Melvin. Dennis-Nakangiti James-Nakangisi Von-Nagsa-sound trip Ken-Bored Marvin-Poker Face Kurt-bored Melvin-Abot pluto ang ngiti. "Tara na guys,gutom na ko,punta tayong canteen." Nagsi-alisan na rin sa wakas yung G-Six.Kami naman ni Melvin nanatili rito,then pagka-alis ng G-Six agad na tinanggal ni Melvin yung pagkaka-akbay sakin. "Ano na naman bang kalokohan yun Melvin?Ba't mo ko inakbayan sa harap nila?At bakit sinabi mong nag-de-date tayo?Ha?" "Not enough time to explain."tapos bigla siyang tumayo at binitbit ang back pack.Oh teka teka!San siya pupunta? "Oh?!San ka pupunta?!'' "Bakit?Gusto mo sumama?" "At san naman?" Bigla siyang ngumisi tapos hinila niya ako bigla.Aray ko!Ano na naman tong kalokohan? "A-ano ba Melvin?San mo ba ko dadalhin?!'' "Diba sabi mo sasama ka?'" "Ano ka ba?Hindi pa nga ako umo-o eh,san ba yung punta nati---Aaaaay!Ayoko dyan ayoko!Babalik na ko!" Hinila niya lang ako ng hinila.Kung bakit gusto kong bumalik dun sa grandstand? Sa CR ng lalaki kami pupunta. Sa CR mismo ng mga lalaki!Ano bang gagawin niya?Ano na naman yung binabalak niya??????Help! "Melvin!Bitawan mo ko!Babalik na ko dun!Please!"paki-usap ko sa kanya.Please lang.Alam kong biro niya to pero sana wag niya totohanin! "Haha!Eh kung ayoko?" "HINDI MO BA NARINIG?BITAWAN MO RAW SIYA." Parehas kaming napatingin sa nagsalita.Sabay lumingon at sabay nag-buntong hininga.Mali pala,siya lang yung nagbuntong-hininga at ako naman napa-singhap.Kung bakit? It's Martin. Eh ano namang meron kay Martin? Beastmode kasi siya eh!Nanlilisik yung mata tapos yung kilay magka-salubong !!!! T.T "Kanina pa kita hinahanap ha?Kasama mo lang pala yang kumag na kakambal ko.Tara nga!'' Tapos bigla niya akong hinabot kay Melvin,eto namang si Melvin hinawakan yung kanang kamay ko,kaliwa naman yung kay Martin... "Excuse me!Hindi ako tali!At hindi ako pang tug of war!Tigil-tigilan niyo na ako!Mga isip bata!Tama na!"sigaw ko sa naghihilahan sakin na si Martin at Melvin. "Sakin sabi eh!"-Martin ''Eh ako nauna!Akin siya ugh!"-Melvin Huhu!Lord!Nanghihingi po ako sa inyo ng tulong!Nasaan na ba yung Knight in Shining Armor ko?Please!Dumating ka!Tulungan mo ko sa mag-kambal na to! T.T. "Mga bobo!Hindi siya tali.Sa tingin niyo ba natutuwa siya sa pinagagawa nyo?!" Rinig kong sabi ni... Teka... Wag mo sabihin na siya yan? "Ma-marvin?Anong ginagawa mo dito?"sabi ko. Nag-roll siya ng eyes niya tapos nag sigh.Lumapit siya samin.Tapos tiningnan ng masama yung dalawa niyang kakambal. "Bitawan niyo siya."matapang na sabi ni Marvin. "Eh kung ayoko?"-Melvin. "Haha!Sa tingin mo sasama sayo to?Haha!Wag ka ngang ganyan Marvs!"-Martin. "Mga gag* pala kayo eh!"akma na sanang susuntukin ni Marvin si Martin.Agad naman akong umawat at hinarap yung dalawa. "Ano ba?Tama na nga!Kung ako lang yung pinag-aawayan niyo,geh,ako ang masusunod,para walang away,sabay tayong mag-lunch okay?"-ako "Mag-lunch?"nagtatakang tanong ni Melvin. "Yes,it's already 11:23 in the morning,tsaka gutom na rin ako eh."nahihiya kong sagot sa kanila. "Good."sabi naman ni Melvin tapos umalis na yung silang tatlo tapos ako naman naiwan."oh?Ano pang ginagawa mo jan?Come on!Sabay tayong mag-lunch diba sabi mo?"dugtong pa niya. Napabuntong hininga nalang ako tapos tumingin sa paligid ko. Oh my god! Bakit di ko namalayang sobrang dami na pala ng mga estudyanteng nanonood samin?Huhuhu!Nakakahiya yung mga pangyayaring natuklasan nila! Issue issue isssue na to huhuhu!Ang sasama ng tingin ng mga babae sakin tapos iba nag bubulungan pa!!! ** "Ano ba?Upuan ko to eh!Ba't ba nang-aagaw ka?Akin na nga yan!"pagalit na sabi ni Martin kay Marvin. "Ugh!Lecheng resto naman kasi to!Ba't ba kulang yung upuan?" Guess what?Nandito kami ngayon sa isang Mamahaling resto.Dito kami nag-lunch at eto nga,ngayon ngayon lang ay nag-aaway naman yung tatlo,paano ba naman eh sa isang lamesa,tatlo lang yung upuan. "Sa kabilang mesa nalang ako."sabi ko tapos nilipat ko yung plato ko sa lamesang katapat lang rin ng lamesa ng tatlo.Pagkatapos ay dun ko na kinain yung lunch ko,libre naman to ng tatlo eh,hihi!!!Carbonara at kung ano ano pa!Ang sarap nito! Nag-pray muna ako tapos kinain ko na yung pagkain.Tiningnan ko muna saglit yung tatlo na hanggang ngayon ay nagtatalo pa rin.Bahala nga sila sa buhay nila,kakain na ako. Nasa kalagitnaan na ako ng pagkain nang biglang may tumayo sa harapan ko.Oo,nagulat naman ako kaya tiningnan ko siya. "Ms. I mean, ma'am,pwede ba akong umupo sa tabi mo?Wala na kasing bakanteng upuan." Kung nagulat ako kanina dahil tumayo siya sa harapan ko,mas lalo akong nagulat dahil ang lalaking to ay... Crush ko, and at the same time,classmate ko sa school na kung saan ako pansamantalang huminto ng pag-aaral. By the way,he's name is Renz Argie Harvey. Matalino yan. Oh my god!Oh my god!Oh my god!Anong  gagawin ko?Paano pag nalaman niya na ako Si Klairol Kate Aurelio?Siyempre!Magtataka rin siya kung bakit teacher na ako samantalang ka-batch ko lang siya?Anong gagawin ko!Huhu. Tinakpan ko ng buhok yung mukha ko sabay sabing,"ah okay lang."syempre pati yung boses ko iniba,tinaasan ko yung pitch ng boses ko.Napiyok pa nga ako sa pagsabi ng salitang okay eh. T.T Umupo na siya sa tapat ko tapos may waiter na nag-lapag ng tray sa harap niya. Nagpatuloy na ako sa pagkain.Habang nakatakip ng buhok yung mukha ko,tiningnan ko siya na kumakain na rin. Renz.Ang pogi mo talaga!Bakit ba hanggang ngayon crush kita? "Who's that?Nagde-date ba kayo?"biglang sabi ni (lingon sa likod) Melvin.Oh my god!Wag kang maingay Melvin!Baka makilala ako ni Renz! "Ah naki-up"hindi ko na naituloy yung sasabihin ko kasi bigla akong hinatak patayo Melvin,dahilan para ma-flip yung buhok ko at makuha yung atensyon ni Renz,napatingin siya bigla sakin.Five seconds.No!No!Hindi mo na ako kilala at nakalimutan mo na ako!No! "Kate???" Huhu!Sinasabi ko na eh!Lagot na ko neto!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD