Fake Teacher 41-Pagsuko THIRD PERSON'S POV "Kurt,mauna ka nalang pala,may gagawin pa kasi ako eh." "Huh? Sige,punta ka nalang sa parking lot ah? Text ka nalang pag natapos ka okay? Hihintayin kita don." "Sige." Binigyan muna ni Kurt si Kate ng isang napakatamis na ngiti bago tuluyang mag-lakad patungo sa kanyang sasakyan sa parking lot.Hindi niya maiwasang mapangiti habang naglalakad.Hindi kasi niya maiwasang isipin na parang pinili siya ng dalaga kesa kay Marvin sa pagsakay sa sasakyan.Assuming na kung assuming pero hindi naman siguro masamang mangarap diba? Hindi naman siguro masamang mag-ilusyon ng mga gustong mangyari lalo na't isang laban sa pagitan nila ni Marvin ang umiiral. Nang marating na niya ang kaniyang kotse,dali dali siyang pumasok at inayos ang loob nito.Gusto kasi ni

