Fake Teacher 40-Paasa Dali dali kong nilagay sa loob ng bag ko itong cellphone na halos kalahating oras kong tinitigan.Tumayo kaming lahat ng classmates ko sabay greet ng Good Morning sa teacher namin. Matapos naming batiin si Maam,dahan dahan akong umupo dito sa upuan ko.Tumingin ako sa kanan at kaliwa ko at ngayon ko lang napagtanto na hindi pa pala dumarating sina Kurt at Marvin. Asan na ba yung dalawang yun? Nevermind.Focus tayo sa mga sinasabi nitong teacher ko.Well,nag che check pala siya ng attendance. “Asan ang dalawang transferee?” nagtatakang tanong ni Maam. Nagsitinginan lahat ng mga classmates ko sa pwesto ko which is nasa pinakalikuran.At dahil nga katabi ko ang dalawang yun,malamang na sakin sila titingin. Yung tingin na parang nagtatanong. “Ms.Aurelio? Baka alam mo?”

