Jaimee “Okay na ako, Arryl. Pwede mo na akong iwan.” Thankful ako kasi and’yan sila Arryl para icheer ako. ‘Yung huling beses kong nakita si Seb, si Arryl ‘yung unang tao na nagcomfort sa akin. Iyak kasi ako ng iyak. Ang sakit kasi eh, best friend ko pa. Sa dami ng babae sa buong mundo, bakit best friend ko pa? At saka, akala ko mahal niya ako, pero bakit ngayon namang mahal ko na siya at saka niya ako iniwan? Bakit? Hindi ba totoo ‘yung mga pinakita niya? “Pero sabi ni Alyanna, ‘wag muna kitang iwan hangga't hindi pa siya nakakabalik.” Lumapit siya sa akin at niyakap ako. “Hindi kita iiwan, Jai.” “Kahit siya na ang mahal ko?” Malungkot na tanong ko. “Kahit siya na ang mahal mo.” Naiyak ulit ako. Naalala ko na naman siya. “Tahan na, babalik din siya. Naalala mo ba ‘yung sinabi mo sa a

