Sebastian Isang linggo ko ng hindi nakakasama si Jai. Sobrang miss ko na siya. Kamusta na kaya siya? Noong huli ko siyang nakita kasama niya si Arryl. Masakit makita na may kasama siyang ibang lalaki. Iniisip ko baka nagkabalikan na sila. Alam ko namang si Arryl pa rin eh. Mabuti na na umalis ako sa buhay niya. Wala na rin naman ‘yung kontrata eh. Hindi ako pumayag na bayaran ‘yun, nawalan ng bisa ‘yun dahil tinakwil ako ng sarili kong ina. Oo, nagawa niya ‘yun. Ngayon tinutulungan ako ni Michelle, she thinks she have to kasi may kasalanan din ang Mommy niya sa nangyari. Nakapasok ako sa isang bar bilang singer. Nagtatrabaho ako sa gabi, student naman sa umaga. Nakakapag aral pa ako dahil sa scholoarship na binigay ni Lolo Juanito sa akin, nagpalipat nga lang ako ng hiwalay na section

