Jaimee Nagising ako wala na si Seb sa tabi ko. Oo tabi kami natutulog, hindi namin ginagawa ‘yung ano... Hindi naman kasi ‘yun mangyayari kung parehas naming ayaw, hindi ba? Hinanap ko siya sa buong bahay pero wala talaga. No’ng nakaraan lang, isang linggo niya akong hindi hiniwalayan, as in lagi kami magkasama. Ang weird niya nga eh, feeling ko may problema siya ayaw niya lang sabihin. Ngayon naman umalis siya ng walang paalam. Kahit notes wala, text, voice mail. Wala. Nasaan na kaya ‘yun? Kinakabahan ako. “Mang Daniel, ano po’ng ginagawa niyo dito?” Nagtataka kong tanong. Hindi na kasi siya nagpupunta dito dahil may sariling sasakyan naman si Seb. “Ma’am pinapunta lang po ako dito ni Sir Sebastian, hindi daw po kasi niya kayo masasabayang pumasok, e.” Kumunot ang noo ko. “Alam niyo

