Sebastian Mayroong program ngayon ditto sa school, pero ako ito naghihintay dito sa office nila Lolo. Hindi ko alam kung bakit ako pinatawag dito. Hay. Ano na kaya ang ginagawa ni Jai? Oo alam ko magkasama lang kami kanina, pero namimiss ko na siya. Seryoso ‘to. Si Jai ang taong ayaw kong malilingat sa paningin ko. Alam niyo ba ba ‘yung ganitong feeling? Sorry, gan’to ata talaga ang taong in-love. Pagbigyan niyo na ako. “Hoy!” Napatingin ko sa gumulat sa akin. Si Michelle pala. “Bakit ka kinikilig d’yan?” Natatawang tanong niya. “Hulaan ko?” Naningkit ang mga mata niya. “Iniisip mo si J ‘no?” Napangiti na lang ako bilang sagot. “Sabi ko na eh, grabe halatang in-love. Tago mo naman ng konti.” Naiiling na tumatawa siya. Napailing akong humawak sa batok ko. “Masyado bang obvious?” Abot te

