Jaimee Two months na kami ni Seb, yes naman! Hahaha. As of now, may sasabihin akong secret sa inyo. I think I love him na, hindi pa ako sure kaya hindi ko pa sinasabi sa kanya. Kasi may mga times pa din na naiisip ko nab aka akala ko lang kasi sanay na ako na nariyan siya sa tabi ko. Kaya ayaw ko muna sabihin sa kanya. Secret lang muna. Lagi na lang ako pinakikilig no’ng lalaki na ‘’yun. Ayan, naalala ko na naman siya. Bigla akong kinilig. Ay, opening pala ngayong ng second semester, at may program ngayon dito sa school. Akala ko start na kaagad ng klase, kasi gano’n sa ibang school. Well, kakaiba talaga ‘tong school namin, may mga program program pa. “And now, please welcome our very own band. The Believer!” Napakunot ang noo ko sa sinabi ng emcee. Kailan pa nag karoon ng banda ang s

