Jaimee
“Uy, ano ‘yan?” Tanong ni M sa akin sabay turo sa "engagement ring" ko. “Engagement ring?” Napangiti ako, habang tinitignan ‘yung singsing sa kamay ko. “For real na ‘yan, J?” Medyo taas kilay na tanong niya.
Nagkibit balikat ako at sumagot, “I guess so. Sinagot ko na siya no’ng huling gabi namin sa Pangasinan eh.”
Lumapit siya sa akin, as in ‘yung sobrang lapit. “You mean, officially na talaga kayo ni Papa SJ?” Inilayo ko ng konti ang mukha ko sa mukha niya at saka marahang tumano. Nangigil siya sa braso ko. Kinikilig ang lola niyo. “OMG! Kailangan malaman ni L at A ‘to.” Napa-iling-iling na lang ako habang nagtext nang nagtext na ang loka loka. “Wait.” Bigla siyang napatingin sa akin
“Hmm?” Nagtataka kong response sa kanya.
“Paano na si Arryl?” Huminga ako ng malalim at umiwas nang tingin sa kanya.
Naalala ko na naman siya, well, hindi pa naman totally nawawala ‘yung feelings ko for him. I know deep inside me, may nararamdaman pa din ako para sa kanya. We've been together for almost a year, kaya medyo mahirap din kalimutan ‘yung mga pinagsamahan namin. The sad thing is, I need to move on. And forget my feelings for him.
Ito na naman ako. Iniisip ko na naman ang mga bagay na ito.
“We need to move on. This is for the best. And I know naman, Seb will help me with that.”
“You still love him, don't you?” Inakbayan niya ako at para bang kino-comfort niya ako.
“You know how much I love him, right? And it’s not that easy.” Huminga ako ng malalim. “Kung madali lang sana, e.”
“I know, but how about SJ? Ano siya? Rebound?”
“Of course not! I like Seb, sa lahat ng bagay na gumugulo sa isip ko d’yan lang ako sigurado. Let just go with the flow. Malay natin mainlove din ako kay Seb.” Hindi na siya nag salita, pero feeling ko may gusto pang sabihin si M, ayaw niya lang na ituloy.
Rebound nga lang ba si Seb? Hindi naman hindi ba? Kasi kahit hindi ko man sagutin si Seb, do’n at do’n din ang kahihinatnan namin. We're going to marry each other naman when I reach 18.
Hay, pero sa totoo lang, noong family gathering namin noong last day namin sa Pangasinan. I felt like, someone sa family ni SJ tutol sa arrangement na ‘to. I'm not sure kung sino. I mean, I have an idea, pero hindi naman pwede basta mambintang. Hindi din naman ako makaisip ng dahilan kung bakit naman sila tututol, ever since naman kasi close na close na ang family namin sa family nila. Anyway, baka nefefeel ko lang ‘yun.
*buzzz*
from: Seb
Meet me at the cafeteria at 9:59. I love you.
-Seb
Napangiti ako bigla, bakit parang namiss ko ‘tong lalaki na ‘to? Siguro kasi hindi ako sa bahay natulog kagabi. Ano ba ito? Hay, nababaliw na ata ako. Tinignan ko ‘yung relos ko. Hala! 9:57 na. Ang layo pa ng cafeteria dito sa room. Inayos ko na kaagad ‘yung mga gamit ko.
“M, una na ako. Hinhintay ako ni Seb sa cafeteria eh.” Paalam ko.
“Oh, ah sige. Sunod na lang ako do’n mamaya.” Nag nod lang ako, half running akong nagpunta sa cafeteria.
Papasok na sana ako sa cafeteria nang makita ko si Arryl. May kasamang... Babae... Si Sharmaine... Maganda siya... Matalino... Mabait... Madaming lalaking nagkakagusto sa kanya... Hindi na ako magtataka kung magkakagusto sa kanya si Arryl. Pero bakit parang ang sakit? Ganito ba ang feeling pagnakita mo ‘yung dating mahal mo, kasama ng iba? Masakit pala talaga.
Biglang nagdilim ‘yung panigin ko. May tumakip sa mata ko.
“Ang sabi ko ‘wag ka ng titingin sa ibang lalaki ‘di ba? Hindi mo ba alam na nagseselos ako?” Hindi ko na kailangang manghula kung sino siya. Napangiti na lang ako.
Inalalayan niya ako, nag lalakad kami, nakatakip pa din ‘yung mga kamay niya sa mga mata ko.
“Seb.” Tawag ko sa kanya.
“Hmm?” Patay malisyang sagot niya.
"Hindi mo pa ba ako bibitawan? At saka nasaan na ba tayo?” Sinubukan kong alisin ‘yung kamay niya sa mga mata ko pero bigo ako.
“Mamaya na, pag wala ng mga lalaki sa paligid natin. Pag wala na si Arryl sa paningin mo.” Hindi ko na narinig ‘yung huling sinabi niya kasi halos pabulong na lang.
“Hmm. May sinabi ka pa ba?”
“Wa-wala.” Binitiwan niya din ako sa wakas. Nakarating na pala kami sa sanctuary. Hindi niya ako tinitignan. Ano ka ’yang problema nito?
“Uy, may problema ba?” Tinusok ko ‘yung tagiliran niya. Walang reaction. “Tss. Ano ba?” Medyo inis nang sabi ko.
“Ikaw kasi eh. Sabi ko ‘di ba ‘wag ka nang tumingin sa ibang lalaki? Nagseselos nga ako ‘di ba? Tapos si Arryl pa ‘yung tinititigan mo kanina.” Hindi ako sigurado kung nasundan ko ‘yung sinabi niya. Ang sigurado lang ako nagseselos siya. Nag pout siya. Ang cute. Gan’yan pala siyang mag selos? Nakakatuwa. Hindi ko mapigilan ang pagtawa. “Bakit ka tumatawa d’yan?”
“Gan’yan ka mag selos?” Inismiran niya lang ako. “Ang cute mo namang magselos!” Kinurot ko ‘yung ilong niya. “Hindi ko naman maiiwasang hindi tumingin sa lalaki eh. Paano si Lolo? Si Daddy? Si Tito? ‘yung mga classmate natin?”
“Iiiee. Basta, ‘yung kila Lolo, Tito at Papa, syempre exempted sila. Pero ‘yung iba hindi na.”
“Para kang bata.” Natatawang sabi ko sa kanya. Nag pout ulit siya. “Ang cute mo talaga. Halika na nga. Nagugutom na ako. Kain tayo.” Hinahatak ko siya papunta sa cafeteria, pero ayaw niyang maglakad. “Anong problema mo? Tara na.”
“Ayoko do’n.” Ano na naman kayang problema nito?
“Bakit?”
“Ando’n si— Ah! Basta ayaw ko do’n, madaming lalaki do’n. Sa iba na lang.” Naglakad siya pa puntang parking lot.
“Eh ano naman? Hindi ko nga sila titignan.” Gusto kong mainis pero dahil ang cute cute ni Seb, hindi ko magawa.
“Kanina nga, may tinititigan ka eh.” Napakunot ‘yung noo ko. Nakita niya si Arryl?
“Si Arryl ba?” Hindi siya sumagot. Tss. “’Yaan mo na ‘yun. Tara na.” Hinatak ko na ulit siya pabalik. Pero ayaw niya talaga. “Bakit ba kasi?”
“Nag seselos nga ako.” Ay sus gyud. Ano bang pwede kong gawin? Alam ko na. Lumapit ako sa kanya at hinalikan ko siya sa labi.
"’Wag ka na mag selos ha? Tara na.” Hinatak ko siya, nakasunod naman siya sa’kin kaya lang tulala.
Tama ‘yung sinabi ni Ate Amber, kiss lang talaga ang magpapatahimik sa mga lalaki. Magawa kaya ng madalas? Hahah. Joke.
“Ano’ng nangyari d’yan?” Natatawang tanong ni A. Nagkibit balikat lang ako. “Seb, ayos ka lang?” Untag niya dito.
“H-ha? O-oo. Ano nga pinag-uusapan natin?” Napatakip ako ng bibig. Hindi ko na mapigilan ang pagtawa ko. “Sorry, kanina pa ba ako nag idle?”
“No.” Natatawang sagot ko.
“Bakit ka tawa nang tawa?” Tinignan niya ako ng masama. “Tss. Lagot ka sa akin.” Ngumiti lang ako.
“So, may gusto ba kayong sabihin sa amin?” Tinignan ko lang si A. “J?”
“Ano?” Painosente kong tanong.
“Seriously? Kailangan pa ba ng pilitan dito?” Ngumiti lang ako at tinaas taas ang kilay ko.
“Ano’ng sabi ng singsing mo, J?” Nakangiting umirap ako at tinago ang kamay ko. “Ayaw pa magsalita nitong mga ‘to.”
“We’re officially engaged. Happy na?” Hindi ko sure kung inis si Seb sa sinabi niyang iyon o ano.
“Seryoso?” Sabay kaming tumango ni Seb, sabay-sabay din kasi silang nagtanong.
“Huwag maniwala kung ayaw.” Nagkibit balikat ako. Nagpagasp silang dalawa. “Ano ba? Kailangang gulat na gulat ang reaction?” Hindi ko alam kung tatawa ba ako o maiinis sa kanila.
“Congratulations!” Sabay-sabay na sabi nila.
“Thank you?” Umiling-iling ako. “Alam niyo, hindi ko talaga gets kung bakit kailangan gan’yan ang reaction niyo. Tss.”
“Congratulations.” Bigla akong nagstiff sa kinauupuan ko. Naramdaman ko din ang pag-akbay sa akin ni Seb.
Dahan-dahan akong lumingon. “A-arryl.” Bakit nauutal ako? “S-salamat.” Ngumiti siya at umalis din kaagad. Tinignan ko kagad sila A. “Kanina pa siya nando’n?” Medyo inis na tanong ko.
“Oo.” Patay malisya nilang sagot.
Naibagsak ko na lang ang ulo ko sa lamesa.
Bakit ganito ang nararamdaman ko? Masakit.