Jaimee
Nakahiga na ako sa kama ko nang may biglang kumatok sa pintuan. Hindi ko sana pagbubuksan kasi akala ko si Seb, pero dahil ilang beses pang na ulit, tumayo na ako at binuksan ang pinto.
“Hi baby!” Nagulat ako nang bigla akong niyakap ni Mommy.
“Mommy! Ano pong ginagawa niyo dito?” Nagtatakang tanong ko.
“Hindi ba sinabi sa’yo ni SJ? May family gathering ngayon.” Umiling ako. “Tara na, nag hihintay na sila Lolo mo sa poolside.” Nagtataka man sumunod na lang ako kay Mommy.
Pag dating naming sa poolside nando’n sila Mommy, Daddy, Tito Ferdinand, Tita Jessica, Lolo Felipe, Lolo Juanito, Uncle Ethan at si Ate Amber. Masayang nag kukwentuhan na sila. Hinanap nang mata ko si Seb, pero hindi ko makita. Saan naman kaya nag punta ang mokong na ‘yun?
“Hi Tita.” Bati ko kay Tita Jessica, nginitian niya lang ako. Nagkibit balikat na lang ako. We used to be close before. Pero ngayon, hindi na masyado. Hindi na naman din kasi ako bata. Hehehe.
“Jaimee!” Nakipagbeso beso ako kay Tito Ferdinand. “Nag enjoy ka bas a stay niyo dito?”
“Opo, medyo madami dami din po kaming pinuntahan.”
“Good boy ba naman si SJ?” Nakangiting tumango tango ako. “Good. Ayoko naman na magalit sa’min ang parents mo dahil sa hindi mabait ang future husband mo.” Alanganing ngumiti ako.
“Mabait naman po si Seb.” Kumuha ako ng juice sa waiter na dumaan at uminom. Napansin kong napangiti si Tito. “Bakit po?”
“That ring… Kay SJ ba galing ‘yan?” Tumango ako. “He already proposed to you?”
“Hindi ko po sure kung propose nga po ba ang matatawag do’n, pero parang gano’n na nga po.” Medyo pilit na ngumiti ako. Ang awkward pala pag ganito ang usapan.
“I heard that you have a boyfriend, hindi mo naman siguro pinaglalaruan ang anak ko?” Nagulat ako sa tanong ni Tita Jessica.
“Break na po kami ni Arryl, wala na po siyang kinalaman sa’min.” Taas kilay niya akong tinitigan.
“Ayoko lang masaktan ang anak ko.” At tinalikuran na niya ako.
“Pagpasensyahan mo na si Tita mo, medyo pagod lang siguro sa byahe.” Tumango na lang ako. “’Wag mo na lang pansinin ‘yung sinabi niya, alam naman naming lahat na kayo talaga ni SJ ang para sa isa’t isa. Bata pa lang kayo nakikita na namin ‘yun sa inyo.” ‘Yung itsura ni Tito para siyang nag dedaydream. Napangiti na lang ako. “We’re sure about it Jai, siguro ngayon hindi mo pa mahal ang anak ko, pero habang tumatagal na magkasama kayo hindi mo mamamalayan mahal mo na din pala siya.”
“Tito, bakit parang siguradong sigurado kayo na mahal nga ako ni Seb?” Ngumiti siya.
“Lumaki man siya malayo sa’min, hindi naman nag bago si SJ. Siya pa din ‘yung SJ na nakasama at nakilala mo no’ng mga bata kayo. Hindi man niya sinasabi halata namang may gusto na siya sa’yo noon pa man.”
“Pa, masama pong pinag-uusapan ang taong wala.” Napatingin ako kay Seb. Ang sungit talaga nitong isang ‘to. Tinignan niya ako nang masama.
“Bakit? Wala naman kaming ginagawa ni Tito eh.” Inirapan ko siya at tinalikuran.
“Saan ka pupunta?” Hindi ko siya pinansin at lumapit kila mommy. “Tss. Hindi habang buhay hahabulin kita.” Tinignan ko siya at tinaasan ng kilay.
“Pinagsasasabi mo d’yan? Ito lang ako oh? Nandito lang ako kila Mommy.” Umiling-iling siya at inakbayan ako, inalis ko naman kaagad. “Hindi tayo close.” Tinulak ko pa siya ng bahagya at umupo ako sa braso ng upuan. “Mommy, are you sure na gusto niyo akong ipakasal kay Seb?” Hindi ko alam, pero alam ko umikot ang mga mata ni Seb sa tanong ko.
“Of course! Kilala na naming siya simula bata pa kayo at magiging panatag ako kung sa kanya ka makakasal.” Pinulupot niya ‘yung kamay niya sa bewang ko at tinignan ako. “Bakit mo na itanong? Nagdadalawang isip ka ba?” Sabay hawak sa kamay ko at tinignan ang singsing.
Tinago ko kaagad ‘yung kamay ko at tumayo, “Hindi naman sa gano’n mommy, kaya lang ‘di ba kaya ka nagpapakasal kasi mahal mo ‘yung isang tao?”
“Mahal naman kita ah?” Inirapan ko lang si Seb at hindi pinansin. “Hoy! Mahal kita, hindi pa ba sapat na dahilan ‘yun para pakasalan mo ako?”
“Hay nako Seb, pwede usapan ‘to ng mga babae.” Tinulak ko siya palayo. “Doon ka muna kila Daddy. Tss.” Iiling-iling siyang umalis.
“If you don’t love my son the don’t give him false hope. Tigilan mo na.” Nagtatakang nilingon ko si Tita Jessica.
“Ano po ‘yun, tita?” Nagtatakang tanong ko.
Umiling siya sabay inom sa hawak niyang wine at sinabing, “Nothing. Just enjoy the night.” Ngumiti siya pero halatang pilit, tinignan ko si Mommy pero sinenyasan lang niya ako na hayaan na lang.
Hindi na ako nagsalita pa at nakiumpok na lang kila lolo. Nakinig na lang ako sa mga usapan nila, kahit hindi ko masyadong maintindihan. Si Seb parang may mga idea sa mga pina-uusapan nila kasi nakikisawsaw rin siya.
Napapansin ko din ang mga tingin sa akin ni Tita Jessica, hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Para bang natatakot ako— hindi. Kinikabahan ako. Hindi ako takot. Oo, hindi ako takot. Kinakabahan lang.
“Honey, sabay ka nang umuwi sa amin or sa school bus niyo na?” Napalingon ako kay Mommy. “Are you okay? You’re idling.”
“Okay lang po. Ano po ba’ng sabi ni Seb?”
“Itanong ko daw sa iyo.” Ngumiti siya sa akin at inakbayan ako. “I miss you, honey. Sa bahay ka muna magstay pag-uwi natin?”
Ngumiti ako at tumango. “Sabihin ko lang po kay Seb.” Iniwan ko muna si Mommy at nilapitan ko na si Seb. “Seb, okay lang ba na sumabay na tayong umuwi sa kanila? And sabi nga pala ni Mommy kung okay lang daw na sa bahay muna ako magstay pag-uwi. Please?”
Pinat niya ako sa ulo. “Tss. Ano pa nga ba ang magagawa ko? Sige na. Sa school bus na ako sasabay.” Tatalikod na sana ako pero bigla niya akong hinatak at niyakap. “Tumawag ka sa akin pagkauwi niyo ha? Kita na lang tayo sa school.”
Sa bilis nang pangyayari hindi ako nakapagreact. Narealize ko na lang noong wala na si Seb sa tabi ko at tinatawag na ako nila Mommy. Hindi ako sigurado pero parang naramdaman kong dumampi ‘yung mga labi niya sa ulo ko. Weird.
DALI-DALI kong binagsak ang katawan ko sa kama ko. Sobrang namiss ko ang sarili kong kwarto. It’s been months since noong huling pumunta ako dito. Sana laging may school tour para pag-uwi dito muna ako.
Nagpaikot-ikot ako sa kama ko. Sa pag-ikot-ikot ko parang may maumbok akong na nadadaganan. Tumayo ako at inangat ang blanket. May isang envelop akong nakita. Sa tagal ko nga sigurong nawala, hindi ko na naalala ang tungkol dito.
Kinuha ko ito at binuksan. Nandito ang lahat ng alaala namin ni Arryl. Lahat ng litrato at mga munting regalo niya sa akin ay dito ko tinatago.
Mas lalong nag sink-in sa akin na wala na talaga. Wala na talaga kami ni Arryl. May kung anong masakit sa dibdib ko. Masakit na wala akong pwedeng gawin para mawala.
Sabi ng utak ko tama na, pero ang puso ko sige lang.
Gusto kong sundin ang utak ko pero ano’ng magagawa ko? Hindi ko alam kung paano. Saan ba ako dapat magsimula?
Kaya nga ba akong tulungan ni Seb?
Sana. Sana.
Nakatulog ako habang walang humapay na tumutulo ang mga luha ko. Ilang gabi pa kaya akong magiging ganito? Ilang buwan pa bago ko tuluyang makalimutan siya?