Jaimee
“So, a’yun pala ang story. I understand now, si Arryl kasi ayaw mag kwento.” Tinap niya ‘yung shoulder ko. “You know, galit nag alit talaga ako sa’yo no’ng sinabi sa akin ni Arryl na break na kayo. Noon ko lang ulit nakitang umiyak ng gano’n ‘yun.” Kumunot ‘yung noo ko.
“Hmm. Ate, ulit? Ibig sabihin umiyak na siya noon ng gano’n?”
“Well, I’m not supposed to say this, pero parang gano’n na nga.” Napakamot siya ng ulo. “Ang daldal ko talaga.”
“Ate, kwento mo naman?”
“Ayoko, kung gusto mong malaman kay Arryl mo itanong. Anyway, na saan si fiancée mo? Alam mo bang crush ko ‘yun, kainis ka.” Ako pa nakakainis ngayon?
“Oh, bakit naman?” Natatawa kong sabi.
“Basta, pinagpalit mo sa nerd na ‘yon si Arryl.”
“Hindi naman gano’n, napilitan lang ako. Teka, kala ko ba crush mo? Tapos ngayon tinatawag mong nerd.”
“Bakit? Por que ba nerd hindi mo na pwede maging crush?” Medyo napaisip ako do’n.
“Hindi naman.”
“Gwapo si SJ, kahit na nerd look siya, may posture pa din ‘yung katawan niya at maganda siyang magdala ng damit.”
“I can only agree.” Ops, ano ‘yung nasabi ko? Napangiti si Ate Lynette ‘yung ngiting nakakaloko.
“Jai, don’t tell me na...”
“No, ate. Mahal ko pa si Arryl. Kahapon lang nangyari ‘yun ‘no.”
“Wala pa akong sinasabi ah, guilty?” Nagtawanan na lang kami, pasaway talaga kahit kailan.
*I wanna be a billionaire so f*cking bad...”
Calling... A...
A? Don’t tell me, she’s back? I click the answer key.
“He-hello?” Kinakabahang sagot ko.
“J?”
“Yeah, A is that you?”
“Yeah, I’m back in country. Where are you?”
“I’m here at school cafeteria with ate Lynette.”
“Lynette? Arryl’s twin? Oh, by the way I heard what happened.” Kahit kailan hindi nahuli sa balita. “I’m on my way there, wait for me, okay? L and M are also on their way.”
“Oh, okay. Then I’ll wait you here.” Then she hanged up. Kahit kailan talaga hindi marunong mag paalam sa telepono. Tsk.
“Sino ‘yun?” Tanong ni Ate Lynette, sabay higop sa frappe niya.
“A.” Bigla siyang namutla. Yes, may past si A at si Ate Lynette. We’re all friends naman kahit na may hindi magandang nangyari sa kanila.
“A? Alyanna is back in country?” I nodded. “Ah, mukhang kailangan ng mag exit ng beauty ko dito.” Biglang may pumasok sa cafeteria, guess who? Si A, L at M. “Oh holy crap, too late.” Nagwave ng hand si L tapos dumiretsyo na sila sa table namin.
“Hi Lynette, long time no see.” Dahan dahang tinignan ni Ate Lynette si A tapos pilit na ngumiti.
“Yeah, Alyanna. Akala ko for good ka na sa America?”
“Bakit parang ayaw mo na akong bumalik? Kung iniisip mo ‘yung nangyari 3 years ago, don’t give a damn, I already forgive you.” Ngumiti si A, pero ‘yung ngiti niya parang may ibang meaning.
“R-really?” Kinakabahang tanong ni Ate Lymette.
“Yeah, ‘yung pag agaw mo sa BF ko, wala na ‘yung sa akin.” Oops. There it goes. Kailangan na ng referee.
“I told you, hindi ko siya inagaw. Hindi ko naman alam na boyfriend mo siya.”
“Ops, tama na.” Tumayo ako at inakbayan si A. “A, bakit bigla kang nagbalik sa mundong ibabaw?” Binatukan niya ako. “Masakit ah.”
“Para naman kasing sinabi mo na sa hell ako nanggaling.” Nginitian ko lang siya. “Baka gusto mo kami paupuin nila M?”
“Sabi ko nga.” Pinaupo ko sila. “Bakit sila L at M ang una mong tinawagan? Ang daya mo.”
“Sabi ni Lolo Juanito ‘wag ko muna daw sabihin sa’yo na umuwi na ako eh.” Tinignan ko siya nang nag tataka. Ano na naman kinalaman nila Lolo dito?
“Ops, bago ka mag init d’yan, let her explain.” Singit ni L.
“Lolo Juanito told me everything and asked me to go back here so I can watch your moves.”
“Hey wait, do I look like a criminal? Bakit kailangan pang bantayan ang mga kilos ko?”
“J, masyado kang in love kay Arryl. Baka gumawa ka ng bagay na hindi makakatulong sa inyo.” Umirap ako. Ano naman ang gagawin ko? Tss.
“Wait, break na nga sila hindi ba?” Medyo inis na sabi ni Ate Lynette.
“Oo, pero ayaw maniwala ni Lolo Juanito. Baka daw act lang ‘yun para hindi sila maghiwalay.” As I expected. Hindi talaga nila ako pinaniwalaan kahapon. Hindi na ako magtataka kung bakit si A ang pinagbantay sa’kin ni Lolo. Simula kasi ng mawala si Seb, si A ang lagi kong kasama.
“Tss. Give me a break. Hindi pa ako nakakarecover sa break up namin.” Napangiti sila M at L. “What? Bakit kayo nakangiti?”
“I think makakarecover ka na.” Tinaasan ko ng kilay si M.
“Ha?”
“Tingin sa stage.” Sabay na sabi ni M at L. Tumingin ako sa stage. Nakita ko si Seb, ‘yung Seb na hot at gwapo. “Si SJ yan hindi ba?” Sabay na sabi ulit nila.
“SJ?” Napatingin din si A sa stage. “Sebastian James Monreal, anong ginagawa niyan dito?”
“You know him?” Nagtatakang tanong ni Ate Lynette. “Yeah, naging schoolmate ko ‘yan, napakasuplado kaya niyan, wala ‘yang pinansin na babae sa school. Pero tignan mo naman ngayon, lahat ata ng bumati sa kanya nginingitian niya.” Napatingin ako kay Seb, sa ngayon hindi nga siya mukhang suplado. Mukha siyang napakafriendly na tao. Ang pagkakataon nga naman kilala pala siya ni A.
“A, close ba kayo ni Seb?” Medyo curious na tanong ko.
“Well, sort of. Parehas kami ng club na sinalihan, nakakapag usap naman kami kahit papaano. Why?” Akala ko ba alam na niya? Bakit parang wala siyang idea na si Seb ‘yung lalaking pakakasalan ko? Jinojoke ba ako nito?
“Akala ko ba alam mo na? Si Seb kaya ‘yung lalaking pakakasalan ko."
“Ha? Anong kasal?” Nagtatakang tanong niya. “Ikakasal ka na?”
“Jai!” Anak ka ng tipaklong.
“Seb, ‘di ba sabi ko ‘‘wag mo na akong gugulatin.” Pinalo ko siya sa balikat.
“Namiss lang naman kita.” Kiniss niya ako sa cheeks. Napatingin siya kay A. “Alyanna?”
“Yo~! Long time no see. So you’re here. We’ve been looking for you after the graduation.”
“Really? I’m sorry I didn’t tell you that I’m going back here. What are you doing here?”
“Secret.” Tumawa si A nang nakakaloko. “By the way, Erika is looking for you.”
“Sino si Erika?” Wala sa sariling tanong ko. Biglang nag stiff si Seb. “Seb, sino si Erika?” Tanong ko ulit.
“Ah, si Erika. Ano... Best friend ko.” Tinitigan ko siya. Parang hindi naman totoong bestfriend lang. “Promise, best friend ko lang talaga si Erika, ‘di ba Alyanna?”
“Best friend nga lang ba?” Tumawa nang nakakaloko si A, lalo akong nanghinala.
“Teka, mag kakilala kayo?” Walang ganang tumango ako.
“Yeah, naging classmate ko siya nung highschool.” Nag nod na lang ako.
“Jai, may papakita pala ako sa’yo.” Hinatak na ako patayo ni Seb.
“Hmm. Ano ‘yun?” Hinatak na niya ako palabas. Tinginan ko sila A, tinatanong din nila ako kung ano meron. Saan naman kaya ako dadalin nito? “Saan tayo pupunta?”
“Sa Music Room.” Hindi na ako nag tanong at nagpahatak na lang sa kanya. Pag pasok namin umupo kagad siya sa piano.“Makinig ka ah?” Tumango ako at ngumiti.
“When I see your face
There's not a thing that I would change
Cause you're amazing
Just the way you are
And when you smile,
The whole world stops and stares for awhile
Cause girl you're amazing
Just the way you are”
“May itinatago ka pa lang talent. Itago mo na lang yan ha?” Pumalakpak ako.
“Nagustuhan mo ba?”
“Oo, ang galing mo palang kumanta. Bakit dati hindi kita napapakanta?” Tumawa siya, napangiti na lang ako.
“Nagbabago lahat ng tao, Jai.”
Lumapit siya sa’kin at nagkatitigan kami. Hindi ko maalis ‘yung tingin ko sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang dapat i-react ko. Ngumiti ako. ‘Yung kamay niya nasa mukha ko na. Hinawakan ko ‘yung kamay niyang nasa mukha ko. Tinignan ko ‘to. Pero tinapat niya ‘yung mukha ko sa mukha niya.
Dahan dahan at hindi ko na namalayan na magkadikit na ang mga labi namin.