Sebastian
Dapat nag cecelebrate ako ngayon, kasi nagbreak na si Jai at Arryl kanina, pero no’ng nakita ko na nasasaktan si Jai. Feeling ko nasaktan na din ako. Alam niyo ba ‘yung feeling na gano’n? Naiintindihan niyo ako hindi ba?
Pag kauwi namin, hindi na niya ako pinansin. Ang tahimik ng bahay. Nagluto ako ng dinner pero hindi siya kumain. Parang nawalan na din tuloy ako ng ganang kumain. Sinubukan ko siyang katukin sa kwarto pero hindi siya sumasagot.
Natakot ako, kaya kinuha ko ‘yung duplicate ng susi sa kusina, agad agad kong binuksan ‘yung pintuan. Nakahinga ako ng maluwag no’ng nakita ko siyang natutulog na sa kama. Nilapitan ko siya, inayos ‘yung kumot. Tinitigan ko ‘yung mukha niya, halatang napagod siya ngayong araw, pati ‘yung mata niya, halatang umiyak. Hinaplos ko ‘yung buhok niya.
“Huwag kang mag alala nandito naman ako eh.” Kiniss ko siya sa forehead at lumabas na ng kwarto.
Pumunta ako sa computer room namin. Binuksan ko ‘yung blog ko. Nakita ko ang daming comment sa blog post ko na “Ako si Seb.” Tinignan ko lahat. Karamihan ang sinasabi ay...
“Kaya mo yan!”
“Tutulungan ka namin.”
Pero may isang naiba, ‘yung comment ni sweetmit08. Ang sabi niya. “the best way para ma-fall siya sa'yo.. be yourself.”
Tama siya, kailangan, kung magugustuhan man ako ni Jai, ‘yung totoong ako. Hindi ‘yung nerd, hindi dahil sa hot at gwapo ako. Kundi dahil sa totoong ako.
Pero teka, ano nga ba ang totoong ako?
Noong nasa America ako, suplado ako. Hindi ako tumitingin sa mga babae, baka kasi mainlove ako sa kanila. Anyway, iilan lang ang babae na kinakausap ko do’n, mga kaclub member at si... Kamusta ka kaya siya? Galit siguro sa’kin ‘yun dahil hindi ako nag paalam na babalik na ako sa Pilipinas.
After kong mabasa lahat ng comment natulog na ako. May pasok pa pala kami bukas.
“Seb, gising ka na. Nagugutom na ako.” Unti-unti kong binuksan ‘yung mata ko. Napangiti ako no’ng makita ko ‘yung cute na mukha ni Jai na nakatingin sa’kin.
“Morning.” Hinatak niya ‘yung braso ko at pilit na itinatayo ako.
“Bangon ka na dali, nagrereklamo na ‘yung mga alaga ko sa tiyan.” Pagkatayo ko pininched ko ‘yung ilong niya.
“Ikaw talaga, naaalala mo lang ako pag nagugutom ka, samantalang kahapon salita ako ng salita hindi mo ako pinapansin.”
“Dapat intindihin mo na lang ako, kahapon lang ako nakipagbreak sa boyfriend ko ‘no!” Para siyang batang nag mumukmok.
“Naiintindihan ko naman ah?”
“Sige na, sige na.” Hinatak niya ulit ‘yung braso ko. “Mag luto ka na, maaga akong aalis. Tinawagan kasi ako ni Ate Lynette eh, mag uusap daw kami.”
“Hindi ka sasabay sa’kin?” Umiling siya. “Paano ka papasok sa school?”
“Tinawagan ko na si Manong Daniel, papunta na siya dito.” Tumango tango na lang ako.
Nag punta sa banyo, nag sipilyo at nag hilamos at dumiretso sa kusina. Buti na lang marunong ako magluto, paano kaya kami makakasurvive kung parehas kaming hindi marunong magluto ngayong wala kaming mga katulong? Hay.
“Jai, kain ka na, nakaluto na ako.” Tawag ko sa kanya.
“Sige punta na ako d’yan.” After ng mga ilang minuto dumating na siya. “Seb, okay lang ba ‘yung suot ko?” Tinignan ko siya, nakaskirt siya tapos tee na may kapartner na bolero ata ang tawag do’n at nakaboots siya, nakalugay lang ‘yung mahabang buhok niya. Ang ganda niya. Simple lang pero, siguradong mapapatingin ka sa kanya pag nadaan mo siya. “Uy, Seb. Okay lang ba ‘yung suot ko?”
“Ah, oo. Ang ganda nga eh.” Ngumiti siya, napangiti na lang din ako.
“Thank you. Kain na tayo?” Nag nod lang ako tapos nag simula ng kumain. After naming kumain, iniligpit ko na ‘yung mga pinag kainan namin. “Seb, sabi pala ni Lolo Felipe, babalik na ‘yung mga katulong natin, iwan mo na lang d’yan ‘yan. Alis na ako ha?”
Nag nod lang ako at hinugasan ko na ‘yung mga ginamit namin, nakakahiya naman kasi sa mga katulong namin, kung mag iiwan ako ng kalat. Ngayon, ano kayang gagawin ko? Mamaya pa klase namin.
Nagbukas ako ng TV MYX ata ‘yung palabas, ‘yung may daily top ten ba ‘yun? Tutal mahilig naman ako sa music pinanuod ko muna. May napakinggan ako na magandang kanta, may naisip tuloy akong gawin. Nag search ako sa internet ng piano sheet at lyrics no’ng kanta tapos pinraktis ko sa music room namin. After kong maperfect nagayos na kaagad ako, papasok ako ng maaga ngayon, susurpresahin ko si Jai. Pagdating ko sa school napapatingin sa’kin ‘yung mga tao, bakit kaya?
“SJ ikaw ba yan?” Anong klaseng tanong yan, malamang ako ‘to.
“Oo, bakit?” Nagtatakang tanong ko.
“Oh my gosh! You’re hot!” Hindi nga pala ako ‘yung nerd ngayon, be yourself ‘di ba? So kailangan ‘yung totoong ako na ‘yung laging makakasama ni Jai.
“Ah, bagay ba?”
“Oh my! SJ is that you?”
Nasundan pa ng nasundan ng madami pang mga babae. Parang napasama pa ‘yung ganito kong look. Nang makawala na din ako sa wakas sa mga babae na ‘yun, nakita ko sa cafeteria sila Jai, bakit parang nadagdagan sila? Si Monique, Michelle, Lynette... Sino ‘yung isa? Lumapit na ako sakanila.
“Jai!” Nagulat ko ata siya, bigla kasi siyang nag stiff.
“Seb, ‘di ba sabi ko ‘‘wag mo na akong gugulatin.” Pinalo niya ako sa balikat.
“Namiss lang naman kita.” Kiniss ko siya sa cheeks. Napatingin ako do’n sa isa pa nilang kasama. Nagulat ako si... “Alyanna?”
“Yo~! Long time no see. So you’re here. We’ve been looking for you after the graduation.”
“Really? I’m sorry I didn’t tell you that I’m going back here. What are you doing here?”
“Secret.” Tumawa siya ng nakakaloko. “By the way, Erika is looking for you.”
“Sino si Erika?” Bigla akong na stiff, si Erika hinahanap ako. Si Erika, panigurado galit ‘yun sa’kin. Hindi kasi ako nag paparamdam. “Seb, sino si Erika?”
“Ah, si Erika. Ano... Best friend ko.” Tinignan ako ni Jai, ‘yung tingin na parang hindi siya naniniwala sa sinasabi ko. “Promise, best friend ko lang talaga si Erika, ‘di ba Alyanna?”
“Best friend nga lang ba?” Tumawa na naman siya nang nakakaloko. Hobby niya kasi na ipares ako kay Erika, hindi ko naman gusto ‘yun. Mali, gusto ko siya pero hanggang kaibigan lang.
“Teka, mag kakilala kayo?” Tumango lang si Jai.
“Yeah, naging classmate ko siya nung highschool.” Tumango na lang din ako sa kanya at tinignan si Jai.
“Jai, may papakita pala ako sa’yo.” Hinila ko siya patayo.
“Hmm. Ano ‘yun?” Hinatak ko na siya palabas. “Saan tayo pupunta?”
“Sa music room.” Nag punta na kami sa music room. Sakto walang tao, pinaupo ko siya sa upuan malapit sa piano. Ako naman pumwesto na do’n sa piano. “Makinig ka ah?” Tumango na lang siya. Nag simula na akong kumanta.
“When I see your face
There's not a thing that I would change
Cause you're amazing
Just the way you are
And when you smile,
The whole world stops and stares for awhile
Cause girl you're amazing
Just the way you are…”
“May itinatago ka pa lang talent. Itago mo na lang yan ha?” Napangiti ako no’ng pumalakpak siya.
“Nagustuhan mo ba?” Medyo nahihiyang tanong ko. First time ko lang kasi ‘tong gawin.
“Oo, ang galing mo palang kumanta. Bakit dati hindi kita napapakanta?” Na tawa ako bigla, hindi nga pala ako kumakanta no’ng mga bata pa kami, na discover ko lang naman ‘yung talent ko sa pagkanta no’ng pinilit akong kumanta sa school sa US.
“Nagbabago lahat ng tao, Jai.” Nilapitan ko siya, tapos napatitig kami sa isa’t isa. Hindi ko maalis ‘yung tingin ko sa kanya. Nakangiti lang siya sa’kin, namalayan ko na lang ‘yung kamay ko nasa mukha na niya. Hinahaplos ‘yung maganda niyang mukha. Hinawakan niya ‘yung kamay ko na nakahawak sa mukha niya. Nakatingin siya sa kamay ko, pero iniayos ko ‘yung mukha niya. Tinapat ko ulit sa mukha ko. At bigla ko na lang siyang… Hinalikan.
Hindi naman siya nag reklamo, kaya tuloy pa din kami. Nagkahiwalay lang kami ng may...
*BAG!*