Jaimee
Mali ‘to eh, kakabreak ko pa lang kay Arryl pero ano ‘tong ginagawa ko? Nakikipaghalikan ako kay Seb. Ang tagal na, bakit hindi ako pumapalag? Parang nasanay na ako na ganito, parang gusto ko na lang na ganito kami. Wala namang nakakakita ‘di ba?
*BAG!*
Bigla kaming naghiwalay ni Seb, ano kaya ‘yun? May nakakita kaya sa amin? Nakakahiya naman. Tinulak ko si Seb.
"Aray, tumayo ka na nga!" Sigaw no’ng babae, babae? May nakakita nga kaya sa amin?
"Sino ka?!” Sigaw na tanong ni Seb.
"Lagot." Sabi pa no’ng isa.
Hinatak ko si Seb papunta do’n sa fire exit, do’n kasi nanggagaling ‘yung mga ingay.
"Ang likot mo kasi, ayan nabulabog sila."
"Ha? Bakit ako? Ikaw kay..."
"M!? Pati kayo!? Anong ginagawa niyo dito!?" Sila M, L at A pala ‘yun!
"Hi Jai! Hi Seb!" Kumaway pa si M sa’min.
“Promise, wala kaming nakita.” Tinaas ni A ‘yung kanang kamay niya. Tinaasan ko sila ng kilay.
“Hindi namin kayo nakitang naghahalikan.” Biglang natakpan ni L ‘yung bibig niya. “Wala, wala talaga kaming nakita.” Tinignan ko siya ng masama. “Sorry na.”
“Ano bang ginagawa niyo dito? Hindi niyo ba alam na nakakaistorbo kayo?” Medyo inis na tanong ni Seb.
“‘To naman, ang init ng ulo.” Nagpapacute na sabi ni A. Mariing napapikit ako.
“Paano, naistorbo mo. Kung hindi ka kasi nadulas e ‘di sana nag chu chu pa ‘yang dalawa na ‘yan.” Napatakip ako ng mukha sa sinabi ni M.
“Kung hindi ka kasi pumwesto sa likuran ko e ‘di sana hindi ako madudulas.” Argh, nakakarindi sa tenga. Inangilan ko sila.
“Ang ingay niyo alam niyo ba ‘yun?”
“Sorry na, na curious lang naman talaga kami sa ipapakita sa’yo ni Seb, kaya namin kayo sinundan.” Inirapan ko si L.
“Hindi naman namin expected na gano’n ang gagawin niyo eh.” Napanganga ako kay A. Gosh. Nakakahiya ‘to.
“Ganyan ba kayo kasweet pag walang tao sa paligid niyo?” Tinignan ko ng masama si M.
“Wala na kayong paki.” Hinatak na ako ni Seb palabas sa Music Room. Dinala niya ako sa CR ng mga lalaki.
“Hoy! Hindi ako pwede dito! Lalabas na ako.” Pero hinarangan niya ako at nilock niya ‘yung pinto. “’Wag mong sabihing may ipapakita ka rin dito sa CR ng mga boys?” Yumuko siya.
“Sorry.” Para saan ba? Sa halik ba?
“Ah... Ayos lang ‘yun.” Ang awkward ng feeling. Parang hindi si Seb ‘yung kasama ko ngayon.
“Jai, pwede ka namang magalit sa’kin eh. Mali ‘yung ginawa ko kanina, hindi dapat kita hinalikan.” Inangat na niya ‘yung mukha niya, seryoso siya, hindi ko mabasa kung ano ba talagang nasa isip niya.
“Seb, okay lang talaga. Hindi naman ako nag reklamo ‘di ba?” tinapik ko siya sa balikat. “‘‘Wag mo na isipin ‘yun.” Hinawakan niya ‘yung kamay ko.
“Jai...”
“Hmm?” Huminga siya ng malalim.
“Wala, tara na sa labas. Baka malate pa tayo sa klase natin.” Paglabas namin nakita namin si...
“Arryl!”
“Anong ginawa niyo d’yan sa loob?” Nagtatakang tanong niya.
“None of your business.” Hinatak na ako ni Seb, ang sakit na ng braso ko kakahatak niya ah. Feeling ko kailangan ko mag explain kay Arryl.
“Teka lang, Seb. Feeling ko kailangan kong bumalik do’n para mag explain.” Hinatak ko ‘yung braso ko, kaya lang mas malakas si Seb, hindi ko kayang kumawala sa kapit niya.
“Hindi mo kailangang mag paliwanag.”
“Pero...”
“Jai, break na kayo.”
“I know pero...”
“Wala ng pero pero.” Hinatak na niya ulit ako. Kailangan ko talagang mag explain. Hinatak ko ‘yung braso ko with full force.
Sa wakas na tanggal ko din. Tumakbo na ako, hindi ko na pinansin si Seb. Wala akong paki sa kanya. Basta ang alam ko kailangan kong mag explain. Pag dating ko sakto lumabas si Arryl.
“Jaimee?”
“Arryl, I need to explain.”
“Explain what?”
“‘Yung kanina, sa CR na ‘yan.” Tinuro ko ‘yung pinto. “Wala kaming ginagawa ni Seb d’yan kanina, promise. May pinag usapan lang kami. Pero wala talagang nangyari.” Napakunot ‘yung noo ko. Parang nakita ko siyang ngumisi.
“You don’t need to explain anything, Jaimee.”
“Pero...”
“Break na tayo hindi ba? Pwede mo ng gawin lahat ng gusto mo, gano’n din ako. Hindi mo na talaga kailangang magexplain. Kung ano mang ginawa niyo sa loob wala na akong kinalaman doon.” Nilagpasan na niya ako. Gano’n na lang ‘yun? Okay lang sa kanya? ‘Di ba kahapon lang kami nagbreak? Wala na ako sa kanya gano’n?
“Sabi ko naman sa’yo eh, hindi mo kailangang mag explain.” Bigla ko na lang niyakap si Seb.
“Bakit gano’n Seb? Wala na ba ako sa kanya?” Niyakap niya din ako.
“Hindi ko alam, pero sana hindi tayo dito nagyayakapan hindi ba? Gustuhin ko man na yakapin ka buong araw, hindi naman pwedeng dito.” Natawa ako, kumalas ako sa yakap ko sa kanya.
“Ikaw ha? May HD ka sa akin ‘no?” Dinuro ko ‘yung ilong niya. ‘yung parang nang aasar lang.
“Anong HD?”
“Hidden Desire. Aminin ‘‘wag ideny.” Tinusok tusok ko ‘yung tagiliran niya. Nagulat ako no’ng hawakan niya ‘yung kamay ako inilapit niya ‘yung bibig niya sa tenga ko. Mas lalo akong nagulat sa sinabi niyang...
“HD? Mahal kaya kita.” Naitulak ko siya.
“Seb, hindi nakakatuwa yang biro mo.” Sinundan ko ng tawa. Huminga siya ng malalim.
“Kung kailan naman ako seryoso at saka mo ako pinagtatawanan.” Seryoso? Tinignan ko siya,
“Seb, ‘yung totoo? Seryoso ka?”
“Hindi. Tara na!”
“Eh bakit ka nagagalit d’yan?”
“Wala, tara na.” Hinatak na niya ako, ‘yung kamay niya nakahawak sa kamay ko.
Bakit kaya siya nagagalit? Tinatanong ko lang kung seryoso ba siya o hindi eh. Pagdating namin sa room nando’n na ‘yung mga classmates namin, pati ‘yung prof namin.
“SJ and Jaimee, Sir Juanito wants to see you two on his office.” Ano na naman ba?
“But why, Ma’am?”
“I don’t know. Just go! Now!” Natakot ako kay ma’am kaya hinatak ko na kaagad si Seb papunta sa office ni Lolo. Kailan pa pinagbawal ang magtanong? Pagdating namin sa tapat ng office ni Lolo. Nagturuan kami kung sino ang kakatok.
“Ikaw na, Seb.” Tinulak ko siya papunta sa pinto.
“Bakit ako? Ikaw na.” Ako naman ‘yung itinulak niya. “Lolo mo naman ‘yan eh.” Napanganga ako sa sinabi niya.
“Susumbong kita kay Lolo kala mo.” Ako na ‘yung kumatok. “Lo, si Jaimee po ‘to. Pasok na po kami ha?” Nagulat ako. Nanunuod si Lolo ng scandal! “Lo what’s that!? You’re watching something like that here in school?” Bigla akong natahimik. Galit na tumingin si Lolo. May mali ata akong na sabi. Hindi naman talaga scandal eh, naghahalikan lang ‘yung pinapanood ni Lolo.
“Stop talking non-sense Jai! You didn’t recognized this video!?” Tinignan ko ulit ‘yung video. Omy~! “My God SJ and Jai! Bakit dito niyo pa sa school ginawa ‘yan? Pwede namang sa bahay niyo. What if there is someone saw the two of you while kissing? That will be a big scandal!” Natakpan ko ng mga kamay ko ‘yung mukha ko. Nakakahiya. May video pa, saang lupalop ng earth nakuha ‘yun ni Lolo?
“Lo, where did you get that?”
“You don’t have to know. You two, you better watch your moves. Another action like this, you’ll going to have another suspension.” Ayoko na ulit mawalan ng katulong sa bahay!!
“Yes Lolo.” Sabay na sabi namin ni Seb. ‘Yun lang at pinalabas na kami ni Lolo. Nakakahiya talaga, paano kung may iba pang nakakita no’ng video na ‘yun?
“‘‘Wag mo ngang masyadong isipin ‘yun.”
“Anong ‘‘wag isipin? Nakita mo ba ‘yung reaction ni Lolo? He’s angry because of that scene. My God Seb!”
“Jai! We both want that kiss. What are you pussing about? Kahit naman may makakita sa’tin, ano naman? Iisipin lang naman nila na tayo.”
“Argh. Let just stop this non-sense.”
“Now it’s non sense. I really don’t get you, you know.” Inis na sabi niya.
“Let’s go home. I don’t want to go to class.” Naglakad na ako papunta sa parking lot. Hindi ko na kasi maintindihan ‘yung sarili ko eh.
“Major subject natin ngayon, hindi tayo papasok?” Oo nga pala. Tsk. Iniba ko ‘yung direction ko, pumunta na kami sa classroom namin. Pagdating namin do’n, may hawak na mga papel ‘yung mga classmate namin. No’ng nakita kami ni Ma’am binigyan niya din kami no’ng papel. “Pangasinan Tour?”
“Yes, we’ll going to have our first tour. Three days and two nights.”
“I think this will be great.” Napatingin ako kay Seb. Ano kayang iniisip nito?
“What are you thinking?”
“Secret.” Nilapitan ko si M. Wala naman ako mapapala kapag kinulit ko pa si Seb. Tss.
“M, roommate tayo ha?”
“Si Ma’am nag ayos ng room arrangement eh. Si Maricar ‘yung roommate ko. Tanong mo kay Ma’am kung sino sa’yo.”
“Ay, ang gara!” Pinuntahan ko si Ma’am. “Ma’am sino po magiging roommate ko?” Ngumiti si Ma’am ng nakakaloko. “Seriously. Sino nga po Ma’am?”
“Siya.” Sabay turo kay…Seb.
“WHAT?!”