Contract Thirteen: Alam ko na!

1959 Words
Sebastian “Uy, gising na. Andito na daw tayo.” Unti-unti kong dinilat ‘yung mga mata ko. “Bumangon ka na, kukunin mo pa ‘yung mga gamit natin sa compartment nitong bus.” “Anong akala mo sa’kin? Alila mo?” Kunot noong tanong ko kay Jai. “Bakit? Ikaw naman ‘yung lalaki eh? Nasa’kin na pala ‘yung susi ng kwarto natin room 208. Hintayin na lang kita do’n.” Bumaba na siya ng bus. Tignan mo ‘yung babae na ‘yun. Hindi man lang ako tutulungan, samantalang ‘yung gamit niya napakarami akala mo naglayas. Tsk. Pagbaba ko ng bus didiretso na sana ako sa compartment para kunin ‘yung gamit namin ng mapansin kong hotel pala namin ‘tong pag istayan namin. Pumasok na ako sa loob tapos kinausap ko ‘yung receptionist. “Ahm. Miss?” Napatingin sa’kin ‘yung babae tapos parang kinilig na ewan. “Sir Sebastian?” “SJ will do. Can you lend me one of our bellboys here to get our stuffs on the bus?” “Yes, Sir. Your room number, Sir?” “Room 208.” May chineck siya sa computer. “Sir, may babae na po na nagroroom do’n. Are you sure that is your room?” “Yeah, that’s my fiancée.” Nagsmile ako tapos nag paalam na. Baka mag tanong pa ‘yun ng kung anu-ano. Nagpunta na ako sa room namin, nakita ko si Jai may kausap sa loob. Sino naman kaya ‘to? Kadarating lang namin may friendship na kaagad siya? Lalaki pa ah! Niyakap niya ‘yung lalaki. “I miss you, too.” Si Arryl ba ‘yun? “Jai! Sino yang kayakap mo!?” Naghiwalay sila. Nakita ko ‘yung lalaki si… “Papa?” “I think… You got jealous didn’t you?” Kinindatan pa ako ni papa. Tsk. “What are you doing here?” Walang ganang tanong ko. “Is that the way you welcome your father?” “Tito, kulang pa po ‘yan sa tulog kaya po siguro ganyan yan.” Natatawang sabi ni Jai. Tss. “I see. I see.” Ano kayang nakakatawa? Sa akala ko ibang tao si Papa eh. Kainis. Tsk. Naglabas siya ng papel. “This will be your schedule here.” Tinignan ko. “Pa, bakit iba ‘yung sched naming do’n sa unang binigay?” “Because you two are special.” Special daw, sabihin mo may pinaplano ka. Tinignan ko ulit ‘yung schedule namin. Mukha namang masaya. First Day: 3:00 – 5:00pm : Special Presentation from the theater Actress/Actors of the hotel. 5:00 – 6:00pm : Rest 6:00 – 8:00pm : Dinner at the ________________________ Second Day: 6:00 - 12nn : Island Hopping 12:00 - 1:00 pm : Lunch Date 1:00 - 2:00pm : Rest 2:00 - 3:00pm : Kayaking Adventure 3:00 - 4:00pm : Go back to hotel 4:00 - 6:00pm : Rest 6:00 – 8:00pm : Dinner at _______________________ 8:00 – 10:00pm : Star Gazing Third Day: FAMILY GATHERING! “Pa, bakit walang nakalagay kung saan kami magdidinner?” Lumapit siya sa’kin tapos bumulong. “Make your move, son.” At lumabas na siya. “Ano ‘yung binulong ni tito?” “Wala naman. Enjoyin daw natin ‘yung stay natin dito.” “Ows?” “Oo nga. Magpahinga ka muna, mamaya pang 3pm ‘yung start ng schedule natin.” Nag nod lang siya tapos humiga na sa kama. Hindi man lang nag palit ng damit. Tsk. Make my move. Ano kaya pwede kong gawin para sa dinner mamaya? ALAM KO NA! “Uncle Ethan, ako na lang ang magluluto ng dinner namin ni Jai? Please?” Okay, I’m planning to make special dinner at the rooftop later. Hindi ko pa masyadong alam kung ano talaga gagawin ko. Kaya goodluck sa’kin. Hehehe. Si Uncle Ethan pala bunsong kapatid ni Mama, mas matanda lang siya sa’kin ng four years pero magaling na Chef yan. “Ano meron? Bakit ikaw? At sino si Jai?” Nakataas na kilay na tanong niya. “Ang daming tanong. Si Jai, Jaimee Cruz, ‘yung fiancée ko. Remember?” “Ah... Anong ginagawa niyo dito? Pre-honeymoon?” Nakangising tanong niya. “Pre-honeymoon ka d’yan! Tsk. May school tour kami ngayon dito sa Pangasinan. Si Papa iniba ‘yung sched namin sa mga kaklase namin.” “Oh, anong kinalaman d’yan ng kusina ko?” “Ang damot mo! Isusumbong kita kay ate Amber!” “‘Wag naman ganyan, sige na gamitin mo na ‘tong kusina ko. Kung gusto mo tulungan pa kita.” “Ang yabang mo, kaya ko na ‘yun. Gagamit ako mamayang 3pm ah? Sige alis na ako. Madami pa akong aayusin. Bye!” Umalis na ako sa kusina, pumunta naman ako sa office ng caterer ng hotel. Hindi naman siguro niya ako matatanggihan ‘no? “Mr. Cheng?” I knocked. “It’s me Sebastian.” “Oh, come in. Come in.” Pumasok na ako. “What can I do for you?” “Ahm, can you prepare one table and two chairs at the rooftop? I’m going to have a dinner there with my fiancée.” “Oh, I see. Your father already told me that. I’ll prepare everything don’t worry. Can you tell me what you want us to do?” Sinabi ko sa kanya ‘yung gusto kong maging setting ng buong place. “Aw~ How romantic! I’m sure she’ll like it.” “Xie xie. I better go now. Ciao.” Next to go... Flowershop! Okay, san nga ba ang flowershop dito? Ah, a’yun! Teka, bakit ba ang daming tao dito? Ano meron? Hindi ba nila alam na dadaan ako? Ako ‘yung anak no’ng may ari nitong hotel. “Ah, excuse me.” Hindi nila ako pinapansin! “I said can you excuse me?!” Nahawi din sila. Sino ba kasi ‘tong pinagkakaguluhan nila? Hindi ba nila alam na importante ‘tong kailangan kong gawin? “Ahm... Miss Can you give me a bouquet of roses?” “Yes, Sir. Is that all what you need?” “No, I also want a florist that will decorate the whole rooftop. I want it to be perfect, okay?” “Yes, sir. I will assign someone right now.” “Thank you.” Okay, si ate parang kinilig. Nginitian lang eh. Tsk. Iba talaga charisma ko. “SJ-kun?” Sino naman ‘to? Japanese ba ‘to? “Hai, anata wa dare desu ka?” Bakit parang familiar sa’kin ‘yung itsura niya. Sino nga ba ‘yung kamukha niya? [Yes, who are you?] “Ore wa Erika-nee otouto da.” WTH! Anong ginagawa nito dito? Bakit nandito ‘tong kapatid ni Erika? [I’m Erika’s little brother.] “Ryo-chan ne?” He nods. “What are you doing here?” Hindi na ako magtataka kung bakit ang daming tao dito kanina. May kalahi pala akong nandito. “Ah, we’re going to have photo shoot here. Onee-chan will be here later.” Erika will be here later?! I’m dead. “Ne, SJ-kun. What are you doing here? And why do you need so many flowers?” “Ah, we have a school tour here and I’m preparing a special dinner for my fiancée.” Ini-emphasize ko talaga ‘yung fiancée. “Fiancée? You already have fiancée?” “Yes.” Tinignan ko ‘yung watch ko. 2:30 na pala. Baka gising na si Jai. “Ryo-chan, I need to go. I still have something to do.” “Ah, matte ne?” I just nod at tumakbo na ko papunta sa elevator. May kailangan pa akong gawin. [See you.] Pumasok kaagad ako sa kwarto namin. Sakto tulog pa si Jai. Humiga ako do’n sa kabilang kama, tapos inalarm ko ‘yung alarm clock sa night stand ng 2:37 since 2:36 na. *tunog ng alarm clock* *PAK* Aw~ Mukhang nasira pa ‘yung walang muang na alarm clock. Naramdaman ko na bumangon na si Jai. Galingan ang pag arte SJ. Kaya mo ‘yan! Lumapit siya sa’kin, tapos kinalabit kalabit ako. “Seb, gising ka na. May papanuorin tayong cultural show ‘di ba?” Umugol ako. ‘Yung parang naalipungatan. “Bangon na.” “Jai, masama ‘yung pakiramdam ko. Ikaw na lang ‘yung manuod no’ng show. Sunod na lang ako pag okay na ‘yung pakiramdam ko.” Umubo ubo pa ako. “Sure ka? Pwede naman kita samahan dito.” “Okay lang ako dito. Itutulog ko na lang ‘to. Sige na pumunta ka na sa auditorium.” “Sure ka talaga?” I nod. “Sige, iwan na kita ah? Magpapapunta na lang ako ng nurse dito.” Lumabas na siya ng kwarto. 1... 2... 3... 4... 5... Babangon na sana ako ng biglang. “Seb okay ka lang ba talaga?” Umayos ako ng pagkakahiga. “Oo nga. Ang kulit mo din ‘no?” “Concern lang naman ako eh.” Nag pout siya. Ang cute. “‘Wag ka ngang mag pout d’yan. Baka mahalikan kita ng wala sa oras.” Pabulong na sabi ko. “Tss. Sige alis na ako.” After 5 minutes, hindi na siya bumalik kaya bumango na ako, at dumiretso sa kusina ni Manong Ethan, ay Uncle Ethan pala. Iluluto ko ‘yung mga paborito niya. Luto. Luto. Luto. “Hmm. Mukhang masarap ‘yan ah? Patikim nga!” Napatingin ako sa left side ko. Muntik ko ng mahalikan si Ate Amber buti na lang nahatak siya ni Uncle Ethan. “Ano ka ba naman Logan, makikiss na ako ni Sebastian eh!” Baka magtaka kayo, Ethan Logan ang pangalan ng aking uncle. “Amber Ysabelle, ako na lang ang hahalik sa’yo. Unlimited pa. Tsaka ‘‘wag mo na pagnasaan yang si Sebastian, may fiancée na yan.” “So totoo ang tsismis na ikakasal ka na next year?” Anong tsismis ‘yun? Bakit hindi ko alam? “Wala pa namang date ah! Advance ‘yang source mo ah.” “Syempre papa mo nagsabi eh.” “Ewan ko sa’yo. Uncle ipahanda mo na yan sa rooftop ah? Pati ‘yung plano natin okay?” “Oo na, iba na talaga ang in love ‘no? Kung anu-ano naiisip.” Nginitian ko lang si Uncle. “Alam mo ba Amber ang ginawa niyang bata na iyan...” “Ang daldal mo talaga! Bakla ka talaga! Alis na ako!” “Graduate na ako sa pagiging bakla! Mag pagwapo ka ah!” “Oo naman!” Yosh! 4:30 na, maliligo na ako at magpapagwapo. Since may gagawin si Uncle Ethan hindi pupunta dito sa room si Jai para mag pahinga. Tapos na akong maligo. Ano kaya isusuot ko? Eto kaya o ito? Kasi naman si Papa hindi naman sinabi sa’kin ‘tong plano niya, hindi tuloy ako nakapagdala ng magandang damit. Kainis. Tiwala lang SJ. Kaya mo ‘yan daanin sa looks . 5:30 na, okay na ako. Kinamusta ko si Uncle Ethan maayos naman daw ‘yung pinagawa ko sa kanila. Kailangan ko ng pumunta sa rooftop. Pagpunta ko do’n, everything is perfect. “Wow!” And’yan na siya? “Seb?” Humarap ako sa kanya. “Surprise?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD