Contract Fourteen: I love you..

1701 Words
Jaimee *tunog ng alarm clock* *PAK* Ang ingay no’ng alarm clock na ‘yun ah! Ang sarap nang tulog ko eh. Tinignan ko kung anong oras na. Hala! 2:38 na! 3pm manunuod kami ng show ni Seb. Asan na ba ‘yung lalaki na ‘yun? Napatingin ako sa kabilang kama. Ay, ito lang pala siya. Kinalabit ko siya. “Seb, gising ka na. May papanuorin tayong cultural show ‘di ba?” umugol siya. “Bangon na.” “Jai, masama ‘yung pakiramdam ko. Ikaw na lang ‘yung manuod no’ng show. Sunod na lang ako pag okay na ‘yung pakiramdam ko.” Umubo ubo pa siya. “Sure ka? Pwede naman kita samahan dito.” “Okay lang ako dito. Itutulog ko na lang ‘to. Sige na pumunta ka na sa auditorium.” “Sure ka talaga?” Tumango siya, pero parang hindi ako convince eh. “Sige, iwan na kita ah? Magpapapunta na lang ako ng nurse dito.” Lumabas na ako ng kwarto. Kaya lang feeling ko kailangan talaga ni Seb ng makakasama. Bumalik ako sa kwarto, nakita ko siya akmang tatayo. “Seb okay ka lang ba talaga?” Umayos siya ng pagkakahiga. “Oo nga. Ang kulit mo din ‘no?” “Concern lang naman ako eh.” “‘Wag ka ngang mag pout d’yan. Baka mahalikan kita ng wala sa oras.” May sinabi siya pero hindi ko masyadong naintindihan. Baka ayaw niya lang mag paistorbo. “Tss. Sige alis na ako.” Lumabas na ako nang tulu’yan. Ako na nga ‘yung gustong mag alaga sa kanya ayaw niya pa. Teka, asan ba ‘yung auditorium dito? Ang dami namang kwarto rito. Habang nag hahanap, parang may nakita akong familiar na tao. Matagal na din kaming hindi nag kita. Simula kasi nung na realize ko na hindi na babalik si Seb tumigil na din ako sa pag punta sa bahay nila. “Uncle Ethan?” “Jaimee?” I nod. “So it’s true na nandito ka nga kasama ni Seb?” “Yeah, actually it’s school tour. Ay, uncle asan ba ‘yung auditorium dito? Malapit na kasi magstart ‘yung cultural show. Baka malate ako.” May tinuro siya sa dulo ng hallway. May nakapaskil na. “AUDITORIUM” “Ano ba ‘‘yan, ang laki laki ng paskil hindi ko nakita.” “Okay lang ‘yan. Sige na pumasok ka na, baka magsimula na ‘yun.” “Sige, salamat uncle.” Pumasok na ko, walang tao sa loob. Nakakatakot naman, wala ba akong makakasama dito? Loner? “Can I seat here beside you?” Napatingin ako sa nagsalita akala ko si Seb, hindi pala. In fairness gwapo siya. “Sure. No problem.” Umupo naman siya, hindi siguro ‘to Pinoy, chinito kasi eh. Pati kakaiba siya mag English. “I’m Takezawa Ryo.” Inabot niya sa’kin ‘yung kamay niya. So Japanese pala siya. Inabot ko ‘yung kamay niya. “I’m Jaimee Cruz.” “Nice to meet you, Jaimee.” Nakakalusaw naman ‘yung ngiti niya. Ngumiti na lang din ako tapos tumingin na sa stage kasi mag sisimula na daw ‘yung play. Seryoso kami sa panunuod ng play, walang nagsasalita. Ang ganda naman kasi, may mga nagsasayaw at kumakanta. Although hindi naming naiintindihan ‘yung dialect na ginamit nila, enjoy pa din. Pinalakpakan namin ‘yung mga performer after ng show. “I enjoyed the show. You?” Whew~ Kinausap niya ulit ako. “Same here, although I didn’t understand their dialect.” Ngumiti lang siya, inalala’yan niya akong lumabas. Gentleman ang mokong. “Can I invite you for a coffee?” Napakunot ‘yung noo ko. Ang bilis dumamoves ng mokong. “I’m sorry, but I need to go back to my room now. My friend is sick and I need to take care of him.” “Oh, I see. Then see you around?” Tumango na lang ako at pumunta na ako sa elevator. Ang tagal namang bumukas. Okay, sa wakas after 10 years bumukas na din. Pagpasok ko pinindot ko kaagad ‘yung close button. Malapit ng magsara ‘yung pinto ng biglang sumingit na kamay! “AAAAAAHHHHHHHHHH!” Bumukas ulit bigla ‘yung elevator. “Jaimee, it’s me. Ethan.” Pumasok siya sa loob, napalo ko siya. “`Wag mo naman akong gugulatin. Nakakainis ka Uncle.” “Sorry, sorry.” Natatawang sabi niya. “Saan ka pupunta?” “Babalikan ko si Seb, masama kasi pakiramdam niya kanina eh.” Pagbukas no’ng elevator biglang pinindot ulit ni Uncle Ethan ‘yung close. “Oh bakit mo clinlose?” Nagtatakang tanong ko. “`Wag mo nang balikan si Sebastian. May nurse na do’n, pati nilalagnat siya, baka mahawa ka.” Humalukipkip ako. “Ows?” “Oo nga, tara do’n sa music lodge nando’n si Amber my loves.” Napangisi ako. “Amber my loves na nga’yun ah? Samantalang dati…” Tumawa ako nang nakakaloko. “Sabi ko na eh. Sa simabahan din ang tuloy niyo. Arte arte mo pa kasi no’n eh.” “Oo na. Oo na.” Nagtawanan na lang kami. Dumiretso na kami sa music lodge naabutan namin si Ate Amber nag-aayos ng mga musical instrument. “Amber, nandito si Jaimee oh.” Napatingin sa’min si Ate Amber. “Jai!! I miss you, ang tagal na nating hindi nagkita ah?” Tinanguan ko siya. “Oo nga eh, tumutugtog ka pa din?” a’yun, nag kwentuhan na kami ng nag kwentuhan. Nagkantahan din kami, hindi ko na namalayan ‘yung oras. “Jai, 5:30 na, may dinner ka ng six hindi ba?” Oo nga pala. Tumayo na ako at nag paalam. “Sa rooftop ka pumunta ha?” “Bakit?” Nagtatakang tanong ko. “Basta.” Napailing iling na lang ako. Dumiretso kaagad ako sa rooftop. Ano kaya meron dito? Bakit dito ang dinner? Binuksan ko na ‘yung pinto ng rooftop. “Wow.” ‘Yun lang ang masasabi ko. Ang ganda no’ng place, kita ‘yung ilaw sa lighthouse, at ang romantic ng place. May nakalagay ng table sa gitna, may dalawang upuan sa gilid, may candle din sa gitna na nagsisilbing ilaw, tapos may nakapalibot na mga roses sa gilid, ‘yung flooring may mga rose petals na nakakalat, at may lalaking nakatayo sa gitna. “Seb?” Patanong na tawag ko. “Surprise?” Natawa ako, tama ba namang patanong sabihin ‘yung ‘surprise’? “Bakit ka tumatawa? Hindi mo ba nagustuhan?” Para siyang kinakabahan. “Ikaw kasi, dapat exclamation point hindi question mark.” “Ha?” Napakunot ‘yung noo niya. Lumapit ako. “Wala, ang ganda kako dito. Ikaw nag prepare?” Kinakabahang tumango siya. “Ang ganda talaga, super romantic nitong place. Kaya lang parang hindi naman bagay ‘yung suot natin dito? Ako nakashorts at tee at ikaw naman nakajeans at tee.” “Ayos lang ‘yan. Importante nandito ka na.” Napangiti ako, iniabot niya sa’kin ‘yung kamay niya. Syempre inabot ko din, inalalayan niya akong makaupo. “Niluto ko ‘yung mga paborito mo.” Nilagay niya ‘yung carbonara, garlic bread, at ‘yung isa cheese bread dumplings. “Kain na.” Kumain na ako, pati siya. Bigla na lang may tumugtog. May mobile pala dito, hindi ko napansin. Natapos na kaming kumain, nag pakuwento siya no’ng napanood ko sa show kanina. Ikinuwento ko naman, mabait ako eh. Hindi ko alam pero sa tagal naming mag kausap feeling ko, may malalim na iniisip si Seb. “She’s always on my mind... From the time I wake up till I close my eyes...” “Sayaw tayo?” Inabot niya ‘yung kamay niya kaya inabot ko saka ako tumango. Nagsayaw kami ‘yung kamay ko nasa balikat niya tapos ‘yung kamay niya nasa bewang ko. Habang tumatagal feeling ko, nakayap na sa’kin si Seb. “Tignan mo naman ako, Jai.” Tumingin ako sa kanya. “I...” “Hmm?” Mahina kong sagot. Ang sarap lang kasi namnamin no’ng mga nangyayari. “I love you…” Napakurakurap ako. The next thing I know, his lips already touched mine. Mahal niya ako? Seryoso siya. Bakit biglang nakaramdam ako ng…Hindi ko maintindihan. "Seb..." Unti unti niyang hiniwalay ‘yung labi niya sa mga labi ko. Tinignan ko siya. "Sorry." Tinitigan niya ako mata sa mata. "Jai, totoo ‘yung sinabi ko. Mahal talaga kita. Hindi ko naman hinihingi na mahalin mo din ako. Alam ko naman eh, si Arryl pa din ang mahal mo. Pe-pero sana big’yan mo ako ng chance para mapalitan ko siya d’yan sa puso mo." Sa sinabi na ‘yun ni Seb, parang may kung anong tumusok sa puso ko. ‘yun ba ‘yung fact na si Arryl pa din ‘yung mahal ko, at alam kong hindi na pwedeng maging kami? O ang katotohanan na mahal ako ni Seb, pero hindi ko siya kayang paniwalaan? Pero kung titignan naman ngayon, halatang seryoso siya. "Jai..." Huminga siya ng malalim. "Payagan mo akong manligaw para malaman mo na totoo ‘yung sinasabi ko." "Hindi mo naman na kailangang manligaw, Seb. Kahit hindi mo ako ligawan, kaya mong patunayan na mahal mo ako." Kailangan ko ng pakawalan si Arryl. "Tulungan mo akong makalimutan siya." Ngumiti siya. "I will. I promise." And he sealed his promise with a kiss. Sana ikaw na lang Seb, sana talaga. Kung hindi ka siguro umalis noon, baka hindi ko na kailangan pang magmahal ng iba. Nawala ka kasi eh, akala ko hindi ka na babalik. Kaya no’ng nakilala ko si Arryl, nakita kita sa kanya. Kaya siguro na inlove ako sa kanya ng ganito. Hindi naman siguro malabong mainlove din ako sa’yo hindi ba?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD