Chapter Fifteen: Island Hopping

1645 Words
Jaimee "Morning, Jai." Unti-unti kong dinilat ‘yung mga mata ko. Napangiti ako, ang cute kasi ng ngiti ni Seb eh. "Ang aga aga, pinaiinlove mo lalo ako sa’yo." Piniched niya ‘yung ilong ko. "Bangon ka na, 5:30am na. Kakain pa tayo ng breakfast bago tayo mag Islang Hopping." Nag pout ako, tinatamad kasi akong bumangon eh. Nag puyat kaya kami kagabi. Ops, ‘‘wag berde ang mga utak. Hindi namin ginawa ‘yung iniisip niyo. Nagsayaw kami at nagkantahan kagibi, dumating kasi bigla sila ate Amber at Uncle Ethan. Kaya a’yun jamming kami. "Mukhang ayaw mo ng food as breakfast." "Ha? Ano ‘yung sinasabi mo?" Nakataas kilay na tanong ko. "Mag pout ka muna." Nag pout ako, at shoot nakahalik na naman siya sa’kin. "Ang sarap naman ng almusal natin." Tinulak ko siya. "Ang aga aga, Seb!" Inis na tumayo ako. "So kung hindi umaga okay lang?" "Tsk, ewan ko sa’yo! D’yan ka na!" Pumasok na ako sa banyo. Ang lalaking ‘yun, ang aga aga nagnanakaw ng halik. Makaligo na nga lang. Kakaiba talaga ‘tong si Seb, tama bang mag lagay ng note sa CR? Pero napangiti ako. Gusto niyo malaman kung bakit? Kasi... Ingat ka d’yan sa CR baka madulas ka, mag bath tab ka na lang para safe. Kung kailangan mo ng magkukuskos sa likuran mo, just call my name. I love you. -Seb. "Jai, hindi mo pa ba ako tatawagin? Naiinip na ako!" "Manyak!" "Manyak nga ba? Aminin mo, kinikilig ka d’yan sa loob ‘no?" hindi ako sumagot, ayoko na pahabain ang usapan namin. Naligo na ako. "Jai, matagal ka pa ba?" "Patapos na." Ay, potek! Nakalimutan ko mag dala ng underwear ko. Ano ka ba naman Jai. "Seb, lumabas ka muna ng kwarto!" "Bakit!?" "Basta, may nakalimutan ako d’yan sa labas.” "Ano ba ‘yun? Ako na lang mag aabot sa’yo d’yan?" Baliw ba siya? Hindi pwede! "Hindi pwede! Lumabas ka na please." Hindi na siya sumagot. Narinig kong bumukas ‘yung pinto, at sumara din. Lumabas na siguro. Sinuot ko ‘yung bath robe ko tapos sumilip ako sa pintuan. Okay, clear walang Seb sa kwarto. Lumabas na ako. Kinuha ko kaagad sa bag ko ‘yung underwear ko. Pabalik na ako sa banyo ng may biglang may nag salita. "Sus! A’yan lang pala kukunin mo, edi sana ako na lang pinakuha mo." Anak ka ng tipaklong. Anong ginagawa nito dito? Akala ko ba lumabas siya? Wala naman akong narinig na nag bukas ng pinto. Napatingin ako sa tinititigan ni Seb, nakita ko ‘yung kamay ko nakahawak sa underwear ko. "SEB LABAS! " Nakakahiya talaga ‘yung kanina. Buwisit ‘yung Seb na ‘yun! Akala ko lumabas na siya, niloko niya ako. Tapos... tapos... tapos... AHHHH!! Feeling ko na kuha na niya ang puri ko. Huhu. Okay, ang drama ko. Feeling ko talaga hindi ko na maeenjoy ‘yung Island hopping namin. Feeling ko minulestya na ako ni Seb. Feeling ko hindi na ako virgin. Feeling ko... Sige na titigil na ako. Off to go na kami papunta sa mga island na pupuntahan namin. Kasama namin si Ate Amber at Uncle Ethan ang sweet nila, nakakaingit. "LQ?" Global silence. Hindi siya sumagot hindi ko din ako sumagot. Tss. "Logan, may LQ ‘yung mga pamangkin mo. Hihih." Kinikilig na sabi ni Ate Amber. "Hayaan mo na ‘yan, magkakaayos din ‘yang mga ‘yan. Pakiss nga." Akmang hahalik na si Uncle nang tumayo si Ate. "Ang damot nito, parang kiss lang eh, hindi mo pa ako mapagbigyan." Nag pout si Uncle. Si ate naman yumuko siya ‘yung abot sa mukha ni uncle ‘yung mukha niya. Napaiwas ako nang tingin. Nag kiss sila. "Kuripot!" "Tse! May mga bata oh!" Humalukipkip si Uncle Ethan na parang bata. "Sus, hindi na bata ‘yang mga ‘yan. I'm sure hindi lang smack ang nagawa ni’yang dalawa na ‘yan." Tumayo si Seb, umalog tuloy ‘yung bangka. "Dahan dahan naman, gan’yan kumilos ‘yung mga guilty eh. Alam mo ba ‘yun Amber? Guilty ‘yung isa d’yan, pati din ‘yung isa. Hindi nagsasalita kasi totoo ‘yung sinabi ko." "Kakasuhan kita ng invasion of private privacy." Umupo na ulit siya. "Sabi ko sa’yo eh. Guilty ‘yan, kakasuhan pa ako oh." "Ang dami mo naman kasing alam eh. Tumahimik ka na d’yan, nagiging bakla ka na naman dahil d’yan sa kadaldalan mo eh." "E ‘di maging tomboy ka na lang ulit." Tinignan nang masama ni Ate Amber si Uncle Ethan. "TAHIMIK!" Walang nagawa si Uncle kung hindi tumahimik. Ang cute talaga nila. Ang tahimik na tuloy dito sa bangka. Haay. Picture dito, picture do’n. Ang addict pala nila sa camera. Hahaha. Bawat island hindi pinatawad nila uncle. Si Seb naman, parang naging nature lover, ‘yung camera niya ang pinipicturan ‘yung paligid. Kahit sarili niya hindi pinipicturan, sayang ang memory ng camera. Tss. Napansin atang tinitignan ko siya, lumalapit na siya sa’kin eh. "Pipicturan daw tayo ni Uncle." "Ah, okay." Umupo siya sa tabi ko. Ang awkward. "Jaimee, ngumiti ka naman." Pilit na nagsmile ako. "One, two, three!" Tinawag niya si Ate Amber. “Tignan mo sila, perfect ‘no?" nag nod si Ate. "Oo, kaya lang si Seb lang ata ang mukhang masaya talaga." Parang may pumana sa’kin do’n, ang sakit. Tumama ba sa’kin ‘yung sinabi ni Ate? Pinakita niya sa’kin ‘yung pic, oo nga, si Seb natural ‘yung ngiti, samantalang ‘yung akin, halatang pilit. Nag aya na si Uncle na pumunta na kami sa Quezon's Island since maglalunch time na din naman, at do’n kami kakain. Pati do’n na din ‘yung huling activity namin na Kayaking. "Ahm, kain ka na." sabay abot ng pinggan na may pagkain na. Puro seafoods. "Thanks." Umupo siya sa tabi ko. "Jai, sorry na. Hindi ko naman sinasadya eh." Hindi ako sumagot. "Hindi mo na ba talaga ako mapapatawad?" Hindi pa din ako sumasagot. "Ano bang gusto mong gawin ko para lang mapatawad mo ako?" "Pag iisipan ko." Umiwas ako sa kanya nang tingin. "Pag ba nagpalunod ako mapapatawad mo na ako?" Napakunot ‘yung noo ko. Saan nang galing ‘yung idea na ‘yun? Ang sama ko naman kung papagawa ko sa kanya ‘yun. Gano’n na ba kasama ang tingin niya sa’kin? Tss. "Siguro." Tumayo siya at ibinababa ‘yung kinakainan niya. Sinundan ko siya nang tingin. Tumakbo siya papunta sa dagat. Lumangoy siya, langoy, langoy. Ang layo na niya. Hindi naman siguro siya malulunod, mukhang magaling naman siya eh. Saka, bakit ba siya lumangoy ng gano’n kalayo, wala naman akong sinabi na gano’n. Kumain na ulit ako. "JAIMEE!!!" Lumapit sa’kin si Ate Amber,hingal na hingal. "Si... Si... Si Seb..." Bigla akong kinabahan. Hindi ko na nakikita si Seb. Wala na siya sa dagat. "Ate anong nangyari kay Seb!?" Nabitawan ko ‘yung hawak kong pagkain. "Si Seb... Na... Lunod... Nan..." Hindi ko na pinatapos si Ate Amber, tumakbo na kaagad ako malapit sa pampang para hanapin si Seb, nakukunsensya ako. Bakit kasi "siguro" ang isinagot ko. Napahamak tuloy siya. Huminto ako sa pampang, luminga linga ako, pero hindi ko siya makita. "SEB!!" Sumigaw ako, ‘yung malakas. Pero walang sumasagot. Paulit ulit ako habang tinatakbo ko ‘yung pampang. Hindi ko talaga siya makita. Nakakita ako ng malaking bato, may nakita akong nakalawit na paa. Tinakbo ko kaagad at tinignan ko kung si Seb na ba ‘yun. "Seb..." "Jaimee..." "Uncle... Ano pong nangyari kay Seb?" Yumuko lang siya. Nilapitan ko siya at niyugyog. "Uncle mag salita ka! Anong nangyari kay Seb?!” Nanghina ‘yung mga tuhod ko. "Nalunod siya, Jaimee." "Kasalanan ko ‘to eh. Kasalanan ko talaga." Unti-unti kong binitawan si Uncle, sinuntok suntok ko ‘yung buhangin. Kasalana ko ‘to. Kasalanan ko talaga. "I-CPR mo kaya? Mouth to mouth, nalunod lang naman siya, hindi pa siya patay." CnPR ko si Seb, minouth to mouth ko din, pero wala. "Seb, promise papatawarin na kita gumising ka lang d’yan." CPR, mouth to mouth. Wala pa rin. "SEEBBB!!!!" CPR, mouth to mouth. Wala pa rin. "Seb, promise. Hindi na ako magagalit sa’yo kahit kailan. Dumilat ka na please." CPR, mouth to... Hinahalikan na ako no’ng minamouth to mouth ko. Gising na si Seb! Humiwalay siya. "Narinig ko ‘yung sinabi mo, promise ‘yun ha?" Hinatak niya ‘yung batok ko at hinalikan ulit ako. Wait. Anong nangyayari? "Sabi ka sa’yo eh, hindi lang smack ‘yang dalawa na ‘yan.” "Oo na, tahimik sa’yang ang moment." Pahinga na kami ngayon dito sa hotel. Masaya naman ‘yung buong activities sa islands, except lang sa iyak factor ko dahil sa buwisit na Seb na iyon. Sa totoo lang kinabahan talaga ako, akala ko mawawala na si Seb. Kung nangyari man ‘yun, sisisihin ko talaga sarili ko. Hindi ko mapapatawad sarili ko. "Jai, pag na baba ko ang mga stars at ang moon mamaya sa dinner natin, sagutin mo na ako." Kunot noong tinignan ko siya. "‘Di ba dapat ako mag sasabi nang kundisyon na gan’yan? Kasi ako ‘yung sasagot." "Para maiba lang. Ano? Deal or no deal?" Tinaasan ko siya ng kilay. Ano na naman kaya ang plano nito? Kanina... Argh naalala ko na naman. Set up lang ‘yung pagkakalunod niya. Kainis. Sige, papayag ako, tutal mahirap naman ang gusto ni’yang mangyari. Napakaimposible nun. "Deal!" Nakangising sabi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD