Chapter#14

1977 Words
Hindi mapigilan ni Weyn ang mapangiti nang magising sa tabi ng asawa. Akala nya ay umalis ito nung nakatulog sya pero hindi dahil mahimbing pa ang tulog nitong nakayakap sa kanya. Hinawi nya ang iilang hibla ng buhok nitong tumatakip sa maganda nitong mukha. He can't explain how happy he is right now while just staring at his wife peacefully sleeping. This is not the first time he woke up with the woman sleeping beside him but this is the first time he enjoyed it. Ilang ulit nyang sinubukang iiwas ang tingin pero hindi nya magawa, pakiramdam nya ay kapag pinalampas nya ang pagkakataong matitigan ito ng ganto kalapit ay hindi na ulit ito mauulit. He's just enjoying watching his sleeping wife when his eyes landed to her lips, another first time of him. Ito ang unang pagkakataon na natutukso syang halikan ang labing tinututukan ng mga mata nya. Binasa nya ang nanunuyog labi gamit ang dila, he cant control it anymore, maslalo syang nalalasing sa nakikita sa bawat segundong lumilipas. Hindi na sya nagpigil at hinayaan ang sariling angkinin ang mga labi ng asawa. Bahala nang masampal mamaya basta hindi nya sasayangin ang pagkakataon. Nagulat nalang sya nang maramdaman ang pagtugon nito sa halik nya. Tulog pa rin ba ito?. Gusto nyang tignan kung tulog ba ito pero hindi nya ginawa. Masyado syang nalulunod sa tamis ng halik nito. Naramdaman nyang bumuka ang bibig nito kaya wala syang sinayang na pagkakataon, sinunggaban nya ang pagkakataong iyun para ipasok ang dila sa makipot nitong bibig, he heard her moaned and it made him happy. "Ate Amy" mabilis nyang pinutol ang halik na iyun nang bumukas ang pinto. Nakita kaya nito?. Napalunok sya nang makitang gumalaw si Amy pero nakahinga rin sya ng maluwag dahil hindi ito nagising. Humigpit ang yakap nito sa kanya at isinubsob ang mukha sa dibdib nyang malakas ang pagkabog dahil sa puso nya. "Ay, tulog pa?" Mahinang sabi ng bunsong kapatid na babae ni Amy. He knows her because she was the first person he talked to when he arrived. "Yeah, mahimbing pa tulog nya" kinakabahan sya sa isiping baka nakita nito ang ginawa nya sa kapatid nito. "Ok, ikaw kuya matulog ka pa kung pagod ka. Pag-gutom na kayo baba nalang kayo" paalala nito saka sinara ulit ang pinto. Sa tingin nya hindi nito nakita, mabuti nalang. Natatawa syang napailing, what's that?. Nananaginip ba ang asawa nya?. Hindi manlang ito nagising? Halikan kaya nya ito ulit?. Pati sya ay hindi maintindihan ang sarili, kailan pa sya naging excited humalik ng paulit-ulit?. Kasalanan ito ng babaeng nasa harap nya, wala naman itong ginagawa pero bakit parang sobrang ganda nito sa paningin nya?. Pinisil nya ang tungki ng ilong nito. "Ang cute mo" nakangiting turan nya't pumikit na. Baka matukso nanaman syang halikan ito kapag hindi pa sya tumigil sa pagtitig rito. "Ijoh, buti at gising ka na. Si Amy, nasaan?" Tanong ng ina ni Amy pagkababa palang nya ng hagdan. Tinulungan nya ito sa pagbubuhat ng mga pagkaing dadalhin nito sa labas. Madilim na dahil mag-aalasyete na ng gabi. "Natutulog pa po, ayaw ko gisingin mahimbing kasi yung tulog" sagot nyang tinanguan ng ginang. "Ikaw, nakatulog ka ba?" tanong nito sa kanya at sinenyasan sya kung saan ilalapag ang dala nya. "Opo" magalang nyang sagot at inilapag na ang pagkain sa grupo ng mga lalaking may edad na. Kasing edad ng magulang ng asawa nya. "Dun mo nalang sa anak ko ipaasawa yung anak mo" hindi nya sinasadyang marinig ang sinabi ng kainuman ng ama ng asawa nya. "Kesa naman tumandang dalaga ang anak mo" dagdag pa nito. "Hindi tatandang dalaga ang anak ko. Maganda kaya ang anak ko" sabi naman ng ama ng asawa nya. "Pre, kahit maganda anak mo paniguradong marami nang nakakama dyan kaya sino pang gugustuhing pakasalan sya?" malakas nyang inilapag ang isang bote ng alak na muntik pang mabasag dahil sa ginawa nya. Mabibigat ang paghinga nya dahil sa sobrang galit at galit na nagwawala ang loob nya. How dare this stupid ugly old ass say such nonsense insult to her wife!?. "Shut the f**k up before I reaped out that dirty fukin mouth of yours, Mr stupid ugly old asshole!" Sigaw nya sa matanda na halos lahat ng taong naruon ay nakarinig. Base sa nakikita nya ay hindi nito naintindihan ang sinabi nya dahil gulat lang ang makikita sa mukha nito. Ang mga tao namang nakarinig ay pinag-uusapan kung ano ang sinabi nya pero ang grupo ng mga bisitang mga nasa kasing edaran nya ay nagtatawanan. Ito lang siguro ang nakaintindi ng sinabi nya. "Anong sinabi mo!?" Matapang na tanong ng hayop na matandang natauhan mula sa pagkagulat. "I told you to f**k yourself!" Sabi nyang lahat ay natawa. "Minumura mo ba ako!?" Galit na tanong nito. Ang mga katabi nito ay nakikinig lang pati ang ama ng asawa nya ay hindi sya pinipigilan. "Nah, I'm complementing the hell out of you!" Sarkastikong turan nya pero hindi ito naiinis. Just like what the f**k this person is!?. Ganito ba kakapal ang balat nito para hindi makaramdam ng hiya?. "Leave now, before I'll burry you alive old ass!" Banta nya rito pero hindi ito kumilos. "Tagalog bro!" Sigaw ng isa sa lalaking kanina pa tumatawa. Kailangan nya pa bang magtagalog?. "Fine, tatagalugin ko na. Umalis ka sa harap ko bago pa kita mailibing ng buhay putangina kang hayup ka!" "Woah!!!!" Sigawan ng mga tao na natutuwa sa nakikita. Iba-ibang usapan ang narinig nya pero sa matanda lang nakatuon ang atensyon nya. Nagagalit itong tumayo at humarap sa kanya. Hanggang balikat lang nya ito nang tumayo ito kaya nagtawanan ang mga tao. Matapang nitong sinalubong ang tingin at may kinuha mula sa bulsa. "Boss, do you need me?" Rinig nyang tanong ni Kiel. Kararating lang siguro nito dahil naririnig nya ang paghakbang nito papunta sa kanya. Sinenyasan nya itong wag nang lumapit na sinunod naman nito. "Did he call him boss?" "Woah, amo nya yung lalaking yun?" Rinig nyang bulungan ng mga tao. "Akala mo matatakot ako sayo?. Matangkad ka lang putangina ka!" tumaas ang kilay nya sa sinabi nito. Namulsa sya't tinatamad itong hinarap. "Nagkamali ka ng kinalaban bata!" Sabi nito at inilabas ang pistol. Napangisi sya, how sad this day will be? Isang pulis ang mawawalan ng trabaho at makukulong sa kasong attempted murder at iba pang kasong gusto nyang ipataw rito. "Pull the trigger " panghahamon nya pa. Nagsisigawan at natataranta na ang iba pero sya ay nakangisi at nakapamulsa lang. Galit na kinalabit ng lalaki ang gatilyo pero bago pa nito tuluyang makalabit iyun ng husto ay mabilis na nyang nasipa ang kamay nito. Umalingawngaw ang putok ng baril kasabay nun ang pagsigaw ng lalaki. Isang iglap lang ay nasa kamay na nya ang baril, pinaikot sa daliri at nahulog ang laman na magazine. Hindi nya tinatanggal ang kaliwang kamay na nasa bulsa at tanging kanang kamay lang ang gamit ay nagawa nyang kalasin ang baril. Isa-isa nyang inihagis ang kalas na bahagi ng baril atsaka naupo sa harap ng lalaking hawak ang nabaliang kamay dahil sa lakas ng sipa nya. "Sorry old ass, ikaw ang nagkamali ng kinalaban" Aniya at tumayo. "Kung sino man ang magsasalita ng hindi maganda sa asawa ko, I'll put you all behind bars" sigaw nyang parang may inaanunsyo sa lahat. Bulungan nanaman ang narinig nya pero ang taong tumapik sa balikat nya ang nakaagaw ng atensyon nya. "Magaling ang ginawa mo anak, gusto ko ikulong mo yan ah" ngumiti sya't tumango sa ama ng asawa nya. "Nga pala, sya ang asawa ng anak kong si Amy. Attorney Zefrouweyn Voulger" pagpapakilala nito sa kanya. Tanggap na ba sya nito?. "Asawa sya ni Amy?. Akala ko ba single sya?" Rinig nyang tanong ng isang babae sa grupo ng mga nagtatawanan kanina. "Boss, wala kang pinagbago. Magaling ka pa rin" salubong sa kanya ni Kiel. Tinanguan nya lang ito at ilang minuto lang ang lumipas ay nakarating agad ang mga pulis at dinala na ang lalaking nanggulo. "Mr. Voulger" ngumiti sya nang makita ang asawang humahangos na tinawag nya. "Wife" nakangiting bati nya rito pero paglapit nito ay sinampal sya nito. "Bakit?" Naguguluhang tanong nya pero galit itong akmang sasampalin ulit sya. "Teka lang nga—" "Akala ko napahamak ka na!" Sigaw nitong ikinalambot ng puso nya. Nag-aalala ba ito sa kanya?. Nang maisip yun ay ngumiti sya't niyakap ito, wala pa itong suot na sapin sa paa. "Masamang d**o mamatagal mamatay 'di ba?" Natatawang sabi nya dahil ito ang lagi nitong sinasabi sa kanya pero hinampas sya nito sa balikat. "Loko-loko ka, kala ko may holdaper na tapos kinuha ka!. Alam mo bang nag-alala ako ng sobra?!" Umiiyak na sermon nito. Parang sumasayaw sa tuwa ang puso nya habang pinakikinggan ang sinasabi nito. Isipin nya palang na nag-aalala ito ay sobra-sobra na pero umiiyak na ito tapos wala pa itong suot na sapin sa paa. Paniguradong tumakbo ito nung narinig nito ang pagputok ng baril. Napailing sya't pinangko ang asawa. Mahina itong napasigaw sa gulat kaya natawa sya. "Hindi ka nagsuot ng sapin sa paa" aniya habang binubuhat ito papunta sa isang table na may bakante pang upuan. "Alright, sit here and wait for me" aniya at tumayo na para ikuha ng sapin sa paa ang asawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD