Chapter#13

2585 Words
One week had passed when his wife leave their mansion to go to the province. It's just a week but it feels like a decades long for Weyn. Every corner of the mansion, he can see his wife laughing, angry with her red face, and shouting his surname. Hindi na nya magawang makapag focus sa trabaho dahil sanay syang nakikita ang asawa na tumitingin sa kanya habang nakaharap sya sa laptop nya. Bumuntong hininga sya't ibinaling ang pansin sa ama na nakaupo sa couch habang nagbabasa ng newspaper. Gusto nya itong tawanan dahil hanggang ngayon ay newspaper pa rin ang gustong-gusto nitong basahin, hindi ba nito alam na may smartphone na at hindi na uso ang pagbabasa ng dyaryo pero umiling nalang sya't hinayaan ito sa ginagawa. "You want me to prepare your annulment paper?" Nagpantay ang kilay nya nang tignan ito dahil hindi nya alam kung bakit bigla nitong naisip ang annulment paper. Tumingin rin ito sa kanya at tiniklop ang binabasang dyaryo. "I'm worried nakalimutan mong asikasuhin ang annulment nyo. Meron ka pang mahigit isang taon para mamili ng mapapangasawa, you're just 31 son, nakalimutan mo na ba?" Napacross arm sya at nanatiling nakaupong hinarap ang ama. "Hindi mo na kailangang mag-abala pa, Dad. Ayos na saakin ang asawa ko" seryoso ang tonong sabi nya. Well, hindi nga mayaman at magaling sa negosyo ang asawa nya pero kumportable sya rito and that reason is more than enough to him. Tumango - tango ito at inayos ang suot na salamin bago muling nagsalita. "Kung ganun, bakit hindi mo sundan ang asawa mo? You said, she's there for a family reunion then why don't you go with her?" his father said made him realize what he have to do. Tama, asawa sya nito kaya dapat ay naruon rin sya sa reunion. "You're right Dad, I'll go there" walang pagdadalawang isip syang tumayo at nag-ayos ng gamit. Wala naman sa trabaho ang isip nya kaya ngayon na sya aalis. "Ikaw na ang bahala sa business, Dad" bilin nya rito na sinagot nito ng pagtawa. Chini-cheer pa sya nito, habang may kausap sya sa kabilang linya at pinapacancel ang lahat ng appointment nya sa loob ng isang buwan. Hindi nabilang ni Weyn kung ilang oras syang nakasakay sa eroplano bago sya nakarating sa Legazpi. Hindi nya alam kung saan ang probinsya ng asawa nya, basta ang alam nya ay taga Bicol ito at sa albay yun. Tinawagan nya si Kiel na mabilis namang sumagot at nakarating sa kinaroroonan nya. In just 30 munites at sa bilis magmaneho ni Kiel ay narating nya ang bahay ng asawa nya. Kumunot ang noo nya nang maabutan ang dalawang lalaking nag-uusap, yung isa ay may edad na at ang isa naman ay mukhang mas bata sa kanya. Iginigiya sya ni Kiel papunta sa bahay nang mapansin ng dalawa ang presensya nya. Ngumiti lang sya sa mga ito pagkatapos ay nagpatuloy na sa paglalakad. Malapit na sila sa pinto nang isang babae ang nakasalubong nila. Binati nito si Kiel at nagtanong kung sino sya. "She's madam Amy's younger sister" bulong sa kanya ni Kiel kaya ngumiti sya't nakipagkamay sa babae. "I'm Zefrouweyn Voulger" pagpapakilala nya. Nagtatanong ang mga tingin nito pero tinanggap nito ang kamay nya't nagpakilala rin. "I'm Aenah Rivera" pagpapakilala nito na ngumiti rin. "Ano pong ginagawa nyo rito?" Tanong nito nang maghiwalay ang kamay nila. "I'm here to see my wife" diretsang sagot nya na ikinagulat ng babae. "Wife? You mean asawa mo?. Saan?. Dito?". Kumunot ang noo nya sa sunod-sunod at gulat na tanong nito. Kung ganun hindi pa rin talaga sya pinapakilala ng asawa nya sa pamilya nito. "Yes, I'm looking for my wife here, she's your sister, Amy Rivera" kinumpleto nya na. Parang tinakasan ng kaluluwa ang babae dahil sa gulat at hindi makapaniwala. Umiling ito at nagsimulang naglakad papasok. "Talagang asawa ka ni Ate?" Tanong ulit nito na tinanguan nya. "Tell her, Her husband is here" nakangiting sabi nya na naiiling nitong tinanguan. Ilang minuto lang syang nakaupo ay nakita nya ang asawang naglalakad palabas ng kusina kaya lumapad ang ngiti nya. Gusto nya itong asarin dahil sa gulat na reaction nito pero saka na, dahil pati pamilya nito ay nagulat sa nakita. "Hi Wife" nakangiting bati nya rito. He's about to reach her when she uttered his name. Hindi nya akalaing maririnig nyang tawagin sya nito sa nickname. Ito ang unang natauhan sa kanilang dalawa kaya mabilis itong lumapit ito sa kanya. "Anong ginagawa mo rito?" pabulong na tanong nito sa kanya at ang masasabi nya ay hindi ito natutuwa. Ngumiti lang sya't hinawakan ito sa magkabilang balikat. "I missed you so, I followed you here" nakangiting aniya. Tinaasan sya nito ng kilay, ang sungit talaga. "Teka teka!" Pang-aagaw ng babaeng may edad na. "Asawa? Asawa ka ni Amy?" Hindi pa rin ito makapaniwalang nagtanong. "Opo, ako po ang asawa nya" "Asawa? Sinong asawa?" Ang lalaking kanina na nasa labas ay nakapasok na. Naramdaman nyang hindi mapakali ang asawa nya kaya hinila nya ito papalapit sa kanya. Nagaalalang tinignan sya nito sa mga mata kaya hanalikan nya ito sa noo. "Asawa ako ni Amy" sya na ang sumagot. Hinanda na nya ang sarili nya sa mga susunod pa nitong tanong pero napako ang paningin nya sa lalaking mukhang mas bata sa kanya. "Uncle, akala ko ba wala pang boyfriend si Amy?. I'm ready to marry her uncle" nagdilim ang paningin nya sa sinabi nito. Pakakasalan nito ang asawa nya? E kung kitlan nya na kaya ito ng buhay ngayon?. Napansin ng lalaking medyo may edad na ang galit sa ekspresyon nya kaya kinausap nito ang batang lalaki at nakiusap na lumabas na muna. Pagbalik ng matandang lalaki ay lumapit ito sa kanila. "Paano kami maniniwalang asawa ka nga talaga ng anak ko?" Tanong ng matandang lalaki, kung ganun ito yung ama ng asawa nya at ang medyo may edad na babae ay mama ng asawa nya. Sinenyasan nya si Kiel na nakatayo hindi kalayuan sa kanya. Tumango ito at may iniabot sa kanya. "Ito ang marriage contract namin" sagot nya't ipinakita ang papel na hawak. "You can keep it, I have 99 copies and of course the original" nakangiti nya pang dagdag. "Gumawa ka ng copy?" Hindi makapaniwalang tanong ng asawa nya. Proud lang syang tumango at tumingin ulit sa pamilya ng asawa. "Amy, bakit hindi mo sinabing may asawa ka na?" Madiing tanong ng mama ng asawa nya. "Ah, ano kase biglaan" kabadong sagot ng asawa nya kaya sinenyasan nya ito sya na lang ang magpapaliwanag pero umiling ito. "Kailangan nya kasing magkaroon na ng asawa kaya nagpakasal kami agad-agad. Sasabihin namin sainyo kapag nagkaroon na kami ng time na magkaroon ng wedding ceremony" gusto nyang isigaw sa lahat na asawa nya ito dahil sa husay nito sumagot. Hindi mo aakalaing hindi totoo ang sinabi nito. "Pero kahit na, bakit hindi mo manlang samin sya pinakilala kahit bilang boyfriend mo manlang!?. Gaano na kayo katagal kasal?" Humahangos na sabi ng ina ni Amy. "2 months na" sya ang sumagot. "2 months?" tanong nito nang hindi nanaman nito inasahan ang sagot nya. "Ijo, asawa ni Amy" tawag sa kanya ng ama ng asawa. "Halika, kakausapin kita" sabi nito, susunod na sana sya rito pero pinigilan sya ni Amy. "Anak, kakausapin ko lang sya" sabi ng ama nito pero umiling lang ito. "Dito nyo na sya kausapin" madiing sabi ni Amy kaya walang nagawa ang ama nito. "Ijo, mayaman ka ba?" Tanong ng ama ni Amy. Nagkatinginan sila ni Amy saka sya naiilang na tumango. "Sinasabi ko na nga ba" kumunot ang noo nya sa pahabol nito. "May magulang ka pa?" Tanong naman ng ina ng asawa nya kaya tumango ulit sya. "Naiintindihan namin kayo, lalo na ikaw Amy" pareho silang naguguluhan na nagkatinginang mag-asawa. "May pinag-aralan ka naman siguro, Ijo" tumaas ang kilay ni Amy sa sinabi ng ina. Anong iniisip nito?, syempre may pinag-aralan ang asawa nya he's a freakin billionaire. "Yung kasama ko kanina engineer yun, yun sana yung gusto kong mapangasawa ng anak ko" mabilis syang napalingon sa ama nya. Kahit kailan talaga ang Papa nya!?. "I also have a profession" ang asawa naman nya ang nakaagaw ng atensyon nya. "I'm a licensed attorney" hindi nya yun alam ah. Kinalabit nya ito kaya naagaw nya ang atensyon nito. "Attorney ka?" Tanong nya. Tumango ito kaya lalo syang napanganga. Bakit ba anlakas ng dating nya sa mga attorney?. "Ah, kung ganun may trabaho ka?" Tanong ng ama nya. Ano ba naman ang papa nya!?. "Pero hindi ako tumatanggap ng mga kaso. Hindi ako humaharap sa trials" paliwanag nito. Kasi nga negosyante ito!. "Simula nang makagraduate ako sumunod ako kay Dad" paliwanag nito. "Naku, patay tayo dyan!" Ang mama naman nya. "Tutulungan ka naming makahanap ng trabaho wag kang mag-alala." Napapikit na sya sa frustration. Mababaoiw na sya at hindi na nya ito kaya. "Ma, ano bang pinagsasasabi nyo?" Naagaw nya ang atensyon ng mga magulang nya nang magtaas sya ng boses. "Anak, alam namin na kaya hindi mo sya magawang ipakilala samin ay dahil wala syang trabaho" ano? San naman kaya nakuha ng mga ito ang ganuong conclusion?. "Ayaw sayo ng mayayaman nyang magulang kaya nagkapasal kayong dalawa ng biglaan. Pagkatapos nun itinakwil sya ng magulang nya kaya wala na syang trabaho ngayon" napanganga sya sa naging tugon nito, kaka-korean nobela ito ng mama nya eh! "Ma, nagkakamali-" "Sige na, pagpahingahin mo na yang asawa mo at pagod na yata yan. Halika rito Aerha at magpatuloy na tayo sa pagluluto" tinalikuran na sya ng ina. "Pa-" "Titigil lang ako sa paghahanap ng mapapangasawa ng anak ko kapag may trabaho ka na" pati si Weyn ay hindi na nakapagsalita dahil umalis na agad ang ama nya. Mga tao talaga sa bahay nila sakit sa ulo!. "They don't want to listen" inosenteng sabi ni Weyn. Bumuga sya ng hangin at walang ibang nagawa. Pagpapahingahin nya muna ito, baka nga napagod ito sa byahe. "Lika, magpahinga ka muna" sabi nalang nya't hinila ito papunta sa kwarto. Napahinto sya sa tapat ng kwarto nya, tama, alam ng mga magulang nyang asawa nya ito at wala ng sobrang kwarto. Napalunok sya bago balingan ang asawa. "D-dito ka sa kwarto ko" utal nyang sabi. Kumunot ang noo nitong parang hindi mahulaan ang nasa isip nya. Mabuti naman kung ganun. "Sige na magpahinga ka na" tinulak nya ito papasok pero nahawakan sya nito kaya dalawa silang nakapasok. "Samahan mo ako" sabi nito pagkatapos ay isinara ang pinto at hinila sya pahiga. "Hindi ako nakakatulog agad sa ibang bahay kaya kailangan ko nang kasamang kumportable ako" nakangiti pa nitong turan bago ito pumikit at ipulupot ang kamay sa tyan nya. Halos hindi sya huminga, naririnig rin nya ang malakas na t***k ng puso nya. Sana lang talaga ay hindi iyun naririnig ng lalaking nakayakap sa kanya. Hindi ito nakuntento, mas hinigit sya nito at isinubsob ang mukha sa leeg nya. Nakakailang, pakiramdam nya may libo-libong bultahe ng kuryente ang dumadaloy sa katawan nyang nagmumula sa labi nitong nakadikit sa leeg nya. Kalma ka lang Amy, ayos lang yan. Pagpapakalma nya sa puso nyang mabilis ang pagtibok. Kailangan nyang kumalma bago pa sya isugod sa hospital dahil sa heart attack. Matutulog nalang rin sya para hindi na makaramdam ng kung ano-ano pa. She tried to relax her mind when she heard her husband whispered, "I'm home". Ang pusong dahan dahan nang kumakalma ay muli nanamang nagwala. Ano ba ang lalaking ito? Bakit ang lakas ng epekto sa kanya?. Pumikit nalang rin sya't para kumalma ang puso ay hinaplos nya ang braso nitong nasa tyan nya. Ang tigas ng braso nito, puro muscle. Napangiti sya't sinuklay ang buhok nito. Napakasarap sa pakiramdam ang kiliting hatid ng labi nitong nakalapat sa balat nya. She likes it, and she want more. She wants him to do more on her neck, it feels like coming nearer to heaven. Nang dahil sa lalaking ito pakiramdam nya nababaliw na sya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD