"Why are you so late?" Sinalubong kami nang nakapamewang na si Blow sa harap ng pinto. Kakauwi lang namin galing sa pag-stroll, ginabi na kami at halos mag aalas-otso na rin dahil nakakita ako ng night market kanina. Hindi ko kayang hindi subukan ang mga pagkain nila doon dahil amoy pa lang ay nakakatakam na. Dahil wala naman silang magawa ay hinayaan nalang nila akong bumili at magturo turo nang mga gusto ko. Para akong bumalik sa pagiging bata. Kaya ayon, ginabi nga kami. "It's her fault, bro," sisi sa akin ni Jolo habang nakaturo pa ang isang daliri sa akin. Aba't! Nagsumbong pa. Akala mo naman matatakot ako sa amo niya. Pag-untugin ko pa sila. "Nawili ako sa pamamasyal, bakit ba? Hindi na ako bata para lagyan pa ng curfew, okay? Tabi nga," hinawi ko sila sa harap ko at naun

