CHAPTER 1
"Let's all give around of applause for Mr. and Mrs. Jehanna!"
Palakpakan ng mga bisita ang sumalubong sa akin pagdating ko sa gate ng aming mansyon. Kakaparada ko lang ng kawasaki ninja 300 motorcycle ko nang marinig iyon.
Anniversary pala nila Mommy at Daddy ngayon, kaya siguro ang daming magagarang sasakyan ang nandito sa parking area ng mansyon.
Mukhang kanina pa sila nagsimula.
Hinubad ko ang helmet ko at sinukbit ito sa kabila kong kamay bago naglakad na papasok. Wala ako sa mood ngayon dahil talo ako sa pustahan kanina. May bagong saltang pasikat kase at naghamon ng karera, sino ba ako para tumanggi?
Ito ang kauna-unahang natalo ako. Kaya wala ako sa timpla ngayon, mukhang mapapainom ako mamaya.
Habang naglalakad papasok ay binaba ko na ang zipper ng suot kong jacket at hinubad 'yon. Natira nalang ang isang puting fitted sando na naka tuck-in sa suot kong leather black na pantalon.
Napahinto ako sa paglalakad nang bumungad sa akin ang sobrang daming bisita na nakatutok lahat sa stage kung nasaan sila Mommy.
"Sh*t, I didn't expect it to be this grand," bulong ko sa sarili ko at lumiko na papunta sa short-cut na dinaraanan ko patungo sa back door ng mansyon.
Hindi naman pwedeng doon ako maglakad sa harap nila. Makakaagaw lang ako ng atensyon at baka makasira pa ako ng moment.
I'm not a fan of parties. Itutulog ko nalang 'to kesa makisalamuha sa mga bisita ngayon. Ilang araw na rin akong puyat dahil sa mga event namin at sa pinaghahandaan kong championship car racing.
Bukod sa big bikes ko, meron din akong tatlong sasakyan panlaban sa mga gano'ng competition. Two years na rin akong champion at nananatiling champion sa women category.
Hindi pwedeng maagaw sa akin ang titulong 'yon. Maraming magagaling ngayon kaya hindi ako pwedeng pa petiks petiks lang.
Inakyat ko ang maliit na bakod patawid sa mga halaman dito sa likod at tinungo na ang pinto papasok.
Good thing alam kong manungkit ng lock ng pinto. Hindi dahil sa magnanakaw ako, ha? Natuto ako nito dahil ilang beses na akong sinarhan ng pinto nila Mommy kapag late na umuuwi sa gabi, matulog daw ako sa labas kapag gano'n.
Nang sa wakas ay makapasok na ay agad kong tinungo ang hagdan at pumasok na sa kwarto ko.
Binato ko lang ang helmet ko sa sofa bago tumalon sa aking kama. I need to f*ckin' sleep, I'm so drained today...
Nagising ako sa malakas na pagkatok sa labas ng aking kwarto. Napatingin ako sa orasan na nasa bedside table ko.
10:30 PM. I'm still sleepy!
Mas lumakas ang katok sa pintuan ko kaya naiinis na tumayo ako at tinungo iyon.
Badtrip, kulang pa ako sa tulog, may nang-iistorbo pa.
Tumambad sa akin ang galit na mukha ni Daddy. Still wearing a suit, mukhang katatapos lang ng party nila.
"Shalini! Anong oras ka nanaman dumating? I saw you on the CCTV pulling the lock of our back door using a pin!"
"Dad, you're ruining my sleep. Relax ka lang, okay?"
Tinapik ko siya sa balikat at nginitian.
"I can't use the front door since buong bansa ata ang inimbitahan niyo sa party niyo, you know that I hate people's attention."
Huminga siya ng malalim.
"You didn't even greet us, you supposed to be there but here you are, sleeping! I'm starting to lose my patience with your attitude, Shalini."
Nakaramdam naman ako ng guilt. I've been avoiding them since last week, pinagbawalan kase akong sumali sa mga competition out of town kaya masama pa ang loob ko sakanila. Tsaka hindi pa ba sila sanay? Ganito na talaga ako simula noong ampunin nila ako.
Ampon. Pinaka ayaw nilang marinig mula sa akin. I was 4 years old that time when they adopted me. Akala kase nila hindi na sila magkaka-anak kaya pumunta sila sa isang bahay ampunan at doon nga ako natagpuan.
Sister Eda said that my parents died in a wild fire that burnt our house and my relatives won't take custody of me.
Inampon ako ng mag-asawang Jehanna at binigyan ng bagong pangalan, kahit apelyido nila ay binigay na sa akin. With their wealth and influence as part of the elite society, it's easy for them to process my papers.
Hanggang sa nabuntis naman si Mommy at nagkaroon ako ng dalawa pang kapatid. Si Evolet at si Cimon. They're twins, 4 years lang ang agwat ko sakanila.
Trinato naman ako dito bilang tunay na anak, ang kaso lang, hindi talaga ako gaya ng kambal na masunurin sakanila. May sarili akong mundo, mas gusto kong gawin kung anong gusto ko kesa sa gusto nilang gawin ko.
20 years old na ako, graduated na rin. Hindi ko lang talaga makita ang sarili kong pinamamahalaan ang kanilang kumpanya gaya ng gusto nila. I don't deserve that company, mas gusto kong ipamana nila 'yon sa kambal.
Ngayon ay nagta-trabaho naman ako doon pero mas naka focus ako sa career ko dito sa racing. Napabuntong hininga nalang ako bago pinilig ang ulo, masiyado na akong nalulunod sa pagbabalik-tanaw.
"I'm sorry, Dad. Happy Anniversary, nasaan si Mommy?" bati ko nalang sakanya.
"She doesn't wanna talk to you, nagtatampo. Suyuin mo nalang bukas, I'll go change now. Hindi pa tayo tapos, Shalini Ivory."
Napaikot nalang ang mata ko dahil sa sinabi niya. Nawala tuloy ang antok ko.
Madali lang naman suyuin si Mommy, kaya walang problema doon.
Hinubad ko ang suot kong pantalon at tinira nalang ang underwear ko. Kinuha ko ang isang pack ng sigarilyo sa bulsa no'n at tsaka nagsindi ng isa.
Humihithit-bugang lumabas ako sa glass door ng kwarto ko papunta sa maliit na balkonahe nito.
Gusto kong magpahangin. May aircon ang kwarto ko pero para bang init na init ako, idagdag mo pa ang pagka badtrip dahil sa naistorbong pagtulog. I need to calm myself kaya paninigarilyo nalang ang ginawa ko.
Hindi nila alam na gumagamit ako nito. They will surely scold me again for using cigarettes, or worst is– they'll take all of this and burn them too just like my collection of naked mini statues.
They're too strict, kaya siguro mas lalo akong kumakawala sa higpit nila dahil ayoko talaga ng kinokontrol ako. Sounds ungrateful but, I don't want them to meddle on my decisions in life, utang na loob ko sakanila na nandito ako ngayon pero ayokong may kahati ako sa sarili kong mga desisyon.
I want to be independent. Hope they will understand that.
"Hey, morning. Nasaan sila Mommy?" tanong ko sa kapatid kong nakatutok sa cellphone habang nakaupo sa harap ng lamesa.
Hinablot ko iyon sa kamay niya at seryoso siyang tinignan.
"Ate, give me that!" angil ni Evolet.
"Remember what I told you? No cellphones infront of this table, you're disrespecting the food."
Nakasimangot na tinignan ako nito. Si Cimon ay nagsimula na sa pagkain at tila walang pakialam sa kanyang paligid.
Masiyado silang spoiled, bihira lang pagalitan nila Daddy kaya ako na mismo ang gumagawa. Masunurin naman sila pero kailangan pa rin ng disiplina.
Nakita ko ang paglabas ni Manang Lucia sa kusina at may bitbit na isang tray ng prutas. Halo halo at halos lahat ay nabalatan na.
"Manang, gising na po ba sila Daddy?"
"Maaga silang umalis dahil may ime-meet pa raw silang investors, tsaka ihahatid pa raw nila sa airport ang iba nilang bisita kagabi. Hindi ba nagpaalam sa'yo?"
Umiling ako. Kaya nga ako nagtatanong, hindi pa ba obvious?
Umupo nalang ako at nagsimula nang kumain. Papasok pa ako ng opisina, ang daming kailangan gawin. Problemado pa ako sa utos sa akin ni Daddy na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nagagawa.
Bahala na.
Wearing a black plain tube, a white slacks partnered with a white coat and a three inches stilleto. Kinuha ko na sa bag ko ang susi ng mustang na gagamitin ko sa pagpasok sa opisina.
I need to wear something decent kapag papasok, hindi naman pwedeng naka sando at leather jacket lang ako sa kumpanya namin gaya ng lagi kong suot sa racing namin tuwing gabi. That's unprofessionalism, kaya ko namang magsuot kahit pa mga dress na binibigay ni Mommy na halos kita na ang kasingit-singitan mo sa ikli.
It's exactly 8:30 AM nang makarating ako sa kumpanya. Nakita ko agad ang pag-iwas ng tingin ng mga empleyado namin sa akin.
Napangiti nalang ako. Ewan ko kung bakit ako natutuwa dahil sa mga mukha nilang takot na takot, hindi naman ako nangangain. Ewan ko ba sa mga 'to.
"Goodmorning, Ms. Ivory," bati sa akin ng secretary ko.
"Hello, goodmorning din. Anong schedule ko ngayon?"
"May meeting po kayo mamayang 10 with the new project director and his team. Lunch meeting with Sir Belbez, and a conference meeting on JBC Holdings."
"And?"
"That's all, Ms. Ivory. Your father told me not to accept another appointments for you," sambit niya.
"Alright, you may go."
Tumango naman ito bago nagmadaling lumabas ng opisina ko.
Buti naman at wala ako masiyadong gagawin ngayon, makakapag early out ako. I need to practice more for the upcoming championship competition.
I sighed. I can't risk my title.
Umupo na ako sa swivel chair ko at tinali muna ang buhok ko pataas bago nagsimulang pumirma sa mga papeles na kailangan na ng HR Dept. mamaya. Piles of papers here on my table, nakakairitang tignan pero kailangan ko lahat pirmahan.