CHAPTER 2

1800 Words
"Ms. Ivory, it's time." Napaangat ako ng tingin nang pumasok ang secretary ko. Napatingin ako sa oras, alas diyes na pala. "Thank you, Brix. Susunod na ako," sambit ko. Pinirmahan ko na ang tatlong natitira pang papeles na hawak ko bago inayos ang mga gamit na dadalhin ko. May malaki kasing project na binubuo sila Daddy, it's a collaboration project with one of the most famous and successful company in South East Asia. It's the Gautier's Empire. They're manufacturing high quality products and exporting various equipments in many countries, they owned a lot of hotel and restaurant, firms, an airport and many more businesses that made them ranked as the richest family in Asia. Bilib din ako sa magkakapatid na 'yon, ang balita ko wala na silang magulang. Pero tignan mo nga naman, they still manage to maintain their rank. Hindi ko pa nakikita ang tatlong Gautier bukod sa nag-iisang babae at bunso nila. Wala rin naman akong interest na pagtuunan pa sila ng pansin. Napabuntong hininga nalang ako at tumayo na. Isang oras lang ang meeting ko sa pinadala nilang managing director at team nito, ayokong magsayang ng oras. Sumakay na ako sa elevator at pinindot ang 18th floor ng building kung nasaan ang conference room. Naabutan ko ang secretary kong nakatayo sa harap ng pinto ng conference room. Mukhang hinihintay ako. "The managing director is not yet here, Ms. Ivory. But his team is already inside." Napataas ako ng kilay. "Call their managing director, Brix. Tell him to come here asap, how can I discuss our plans about the project if he's not here? Hindi ang team niya ang kailangan ko." "Copy, Ms." Nakasimangot na tinanguan ko nalang siya at pumasok na sa loob. Mabilis pa naman uminit ang ulo ko kapag ganitong may nale-late sa meeting. Hindi ako kasing bait nila Daddy, mababaw lang ang pasensya ko. Nagsi-tayuan ang mga nasa loob nitong room at sabay sabay silang bumati. Binigyan ko lang sila ng pilit na ngiti bago umupo sa dulo ng mahabang mesa. Ready na ang lahat, kahit projectors nila, laptop, mga papeles, drawings, all set na. Isang tao na lang ang hinihintay. Tinignan ko ang oras, lagpas sampung minuto na at wala pa rin ang kanilang director. Naiinip na ako sa kakahintay. Huminga ako ng malalim bago tumayo na mula sa kinauupuan ko. "Just schedule again this meeting tomorrow, tell your boss that I will not wait for him because I still have a lot of things to do, he should–" Naputol ang pagsasalita ko nang bumukas ang pinto ng conference room at pumasok doon ang isang lalakeng naka three piece royal blue suit at semi kalbong buhok na kulay abo. May tattoo sa leeg na hindi ko alam kung symbol ba o ano. Nakahawak ito sa isang attache case at seryosong naglakad papunta sa pwesto ko. Salubong ang kilay na tinignan ko siya. "Forgive me, Ms. Jehanna, for being late. Traffic sucks," sambit nito at ngumisi sa harap ko. Sinuri ko ang mukha niya. Isa ba 'to sa Gautier Siblings? I remember hearing a news about them saying that they all have blue eyes. "Oh, my bad. I forgot to introduce myself." Natatawang utas nito. "I'm Blow Zairus Gautier, my brother gave me this project, didn't know that it'll be also manage by a gorgeous wom–" "Shall we start?" Putol ko sakanya, salubong pa rin ang kilay na nakatitig sa mukha niya. I think I've seen him somewhere. "Sure, of course, let's start." Iniwas ko ang tingin ko sakanya. Masiyado na kaming nagsasayang ng oras. Pinilig ko nalang ang ulo at nag focus na sa harap. Nakita ko ang paghahanda ng team niya habang siya ay nakatukod lang ang dalawang braso sa mahabang mesa at nakatutok ang mata sa akin. Tinaasan ko lang siya ng kilay. I saw him smirked before shaking his head. Mukhang siraulo. Naging maganda naman ang presentation ng team niya, he also added some information that made me satisfied in the end. "I think we can use your influence to get more high valuable clients, we need to start a new strategy that will outmatched our potential enemies, the earlier the better." He smiled, showing his perfectly white teeth. "Such a beautiful suggestion, Ms. Jehanna. But the strategy the we proposed will remain unchanged, we need to stick with it because it's the most beneficial for both companies. Maybe we can add some of your suggested strategy, but we can't honestly jump into that." He's a pro to this, I can see it. "Fine, just tell your assistant or secretary to send me the papers once you're done finalizing it." Tumayo na siya sa upuan niya at inayos ang kanyang necktie bago nakapamulsang naglakad papunta sa akin. Yumuko siya sa harap ko kaya hindi ko naiwasang mapatingala sakanya. His adams apple are proudly moving on his neck. "I'll surely deliver it myself, Mademoiselle," mahinang sambit niya. Ako lang ata ang nakarinig, nakita ko ang pag-iwas ng tingin ng mga kasama niya nang tignan ko sila. Nagtatakang sinundan ko nalang ng tingin ang likod niyang naglakad na palabas. Sumunod sakanya ang iba pang nandito at natira nalang ako sa loob. Napahilamos nalang ako sa mukha ko bago inis na tumayo at lumabas na rin. What was that? Is he trying to flirt with me? Asshole. Ewan ko ba pero bigla akong nagka interest sa magkakapatid na Gautier. Bigla akong naging curious nang makita ang isa sa tatlong lalake ng pamilyang 'yon. Hindi rin pala talaga sila basta basta, itsura pa lang. Minsan lang ako humanga sa kagwapuhan ng isang lalake, kaya naman nakuha niya ang interest ko. Might do some background research later. Sinuot ko muna ang dala kong aviators at pumasok na rin sa elevator. Nakasunod sa akin ang secretary ko. Ito lang ata ang empleyado namin sa kumpanya na hindi takot sa akin. "How are you, Shalini?" Nginitian ko si Mr. Belbez na ka-meeting ko naman ngayon. Nandito kami sa isang restaurant para kumain at mag-usap na rin para sa mga kailangang baguhin ngayong taon sa kumpanya. Mula sa pamamalakad hanggang sa pinaka maliit na problema. He's my adviser, trainor, councilor, my guide.. and my uncle. Pinsang buo ni Daddy, isa sa mga pinaka paborito kong kamag-anak niya. Pinagkatiwala ako ni Daddy sakanya dahil alam daw niyang marami akong matututunan pag siya ang gumabay sa akin. "I'm always good, Uncle. Kayo po?" "Ayos lang din naman, handa nang lumipad papuntang Europe mamaya," natatawang sambit nito. Agad naman akong nakaramdam ng lungkot. Aalis na siya ng Pinas, he needs to be there for his wife, for good. Ito na ang huli naming pagkikita, depende nalang kung makakapunta ako sa Europe. Pinaki-usapan siya ni Daddy na i-discuss muna sa akin lahat ng mga kailangan ko bago siya umalis. "I will miss you, Uncle Bez." "I will miss you too, Shalini. Let's eat first, mamaya na natin pag-usapan ang mga dapat mong gawin sa kumpanya niyo. I'm starving," tumatawang saad niya. Kahit hindi pa gutom ay sinabayan ko nalang siya sa pagkain. Nang matapos ay nagsimula naman na kami sa pinaka rason kung bakit kami nagkita. Malungkot na kinawayan ko siya nang sumakay na siya sa kanyang sasakyan at di-diretso na sa airport. Pagod mula sa katatapos lang na meeting sa JBC Holdings, sinalampak ko ang katawan ko sa sofa ng living room nitong mansyon. Pagod na pagod ako ngayon, ang dami kasing mali sa reportings at sa mga prinoposed na budget ng kumpanyang 'yon sa isa pang project na kasama kami. Tinuruan ko pa sila ng tamang pagba-budget, even their plans is quite stupid, sinong investor naman ang gaganahang mag invest sa gano'ng klaseng proyekto? Nakaka-badtrip sila. Dumapa ako sa sofa namin at pilit na pinapalamig ang ulo. "Shalini, nandito kana pala, gumawa ako ng donuts sa kusina, gusto mo ba?" Tanong ni Manang Lucia. "Just one, Manang. I'm on diet." "O, sige." Nanlalantang umayos ako ng upo at kinuha ang cellphone ko na kanina pa pala nagv-vibrate. Nakita ko ang pangalan ng kaibigan ko sa screen. Agad ko itong sinagot. "Bring me some good news, Caia." "Bad news nga, eh." Napasandal ako sa sofa at pinatong ang batok ko doon. "What is it?" "May mga bagong saltang grupo, isa sakanila ang CXTREAM, familiar ka?" "No, haven't heard that team before." "Team ng mga magagaling sa lahat ng category, elites. High profiled pros, Sha, tigok tayo nito." I chuckled, "Tigok my ass, ilang team na ba ang sinabi mong magaling pero kulelat naman kapag nasa track na?" "Madami dami na. Pero iba 'to, lumalaban sila sa mga international competitions, and the fact na sila lagi ang champion, dapat na tayong kabahan." "Ahh, interesting." Tumawa lang siya at nagpaalam nang ibababa na ang tawag. Napahinga ako ng malalim. Atleast may thrill naman ang makakalaban namin ngayon, mas gaganahan akong magpaharurot ng sasakyan. Nakangising tumayo na ako at pumunta sa kusina. Ang tagal kasi ni Manang Lucia, kakain lang ako saglit at maghahanda na. "Manang, pakisabi nalang mamaya kina Mommy na may laban kami ngayon, aalis na ako." "Oo, sige. Mag-iingat ka, ha?" Tumango ako. Suot ang paborito kong leather black jacket na may simbolo ng binuo kong team at abot hanggang pwet-an ko, black sports bra, black leather highwaisted short at black boots. Trip kong mag all black ngayon, sumakay na ako sa sasakyang gagamitin ko ngayong gabi. Isa itong Lamborghini Huracan, kulay pula at ang pinaka paborito ko sa lahat, maganda itong panlaban sa ibang magagaling kuno na team. Nang makarating sa Circuit Grand Prix, nakita ko agad ang sasakyan ng mga kagrupo ko. Si Caia, Missy, Farren, Harver, Daylan, Rio at si Yuhen. Bale walo kami sa isang team, apat na babae, apat din na lalake. Nakilala ko sila sa isang solo competition noon sa Cebu, magagaling din ang mga 'to. Pinarada ko ang sasakyan ko sa harap nila, pinatunog ko pa ang tambutso ko na lumikha ng ingay, agad silang napabaling sa akin. Kahit ang ibang team ay nakuha ko ang atensyon. "Here comes the devil!" Rinig kong sambit ni Yuhen bago ako nginisian. "Gusto mong sunugin kita ng buhay, Yuhen?" He chuckled before giving me a fist bump. "Tsaka na, mahal ko pa ang buhay ko." Sunod na nakipag fist bump sa akin ang iba ko pang kagrupo. Lahat kami ay naka itim, inabutan na ako ni Missy ng gloves na may simbolo rin ng grupo namin. "Nasaan na sila?" Tanong ko kay Caia. "Wala pa, maaga pa naman. Baka mamaya pa dumating ang mga 'yon." "I see, practice muna ako, sama kayo?" "Nakapag ikot-ikot na kami kanina, Sha." "Alright, I'll be quick. May 30 minutes pa naman, 'di ba?" Tumango naman sila. Sumakay na ako sa kotse ko at pinaharurot ito sa race track. Kailangan ko munang i-kondisyon ang sasakyan ko bago sumabak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD