CHAPTER 3

1794 Words
Ilang ikot rin ang ginawa ko sa race track bago napagpasyahang bumalik na sa team ko. Binilisan ko ang pagpapatakbo ng sasakyan ko nang makarinig ako ng malakas na hiyawan. Naniningkit ang matang tinignan ko ang pinagkakaguluhan ng ibang racers. Mga nakapulang race jackets at may bandera pa sa bawat harap ng kanilang sports car. Hindi ko gaanong makita ang mga mukha nila dahil natatakpan sila ng ibang racers. Nasa gitna sila ng kalsada. Napangisi ako. I think it's them. Binilisan ko pa ang patakbo ko at malakas na bumisina na siyang nakapagpa-gulat sa mga nand'on kaya't nagsi-tinginan sila sa kotse ko. Imbis na pabagalin ang takbo ng sasakyan ko ay mas binilisan ko pa ito. Nang malapit na ako sakanila ay hindi pa rin talaga bumabagal ang patakbo ko. Kita ko ang takot sa kanilang mga mata ng makitang malapit na ako at mukhang babangga na sakanila. Agad silang nagsi-alisan sa kanilang pwesto at nagsi-takbuhan sa gilid ng kalsada, ang iba ay nagsigawan pa. Ang tanging natira nalang sa gitna ng daan ay ang isang lalakeng naka helmet at nakasandal lang sa hood ng kotse niya. Nakatingin sa direksyon ko at mukhang walang balak umalis doon. Nangingiting inapakan ko ang preno ko na halos lumangitngit ang mga gulong ko sa sementong daan at huminto sa mismong harap niya. Ilang dangkal nalang ang pagitan at mabubunggo ko na siya. Singhap ng ibang racers ang narinig ko bago ko binuksan ang pinto ng sasakyan ko. Dahan dahan akong lumabas. A smile plastered on my face when I saw them trembling in fear. Nakita ko ang tawanan ng mga ka-grupo ko sa pwesto namin 'di kalayuan. Alam na nila ang ugali ko, mahilig talaga akong magpakaba at syempre, magpasikat na rin. Lalo na't may mga bagong salta rito. Dapat nilang maranasan ang kabahan. Pero mukhang matibay ang isang 'to. Ni hindi man lang natakot. Pero hindi naman ako tanga para bumangga at magpakamatay, gusto ko lang talagang makuha ang atensyon nila. Call me attention seeker or what, wala akong pake. Naglakad ako palapit sa lalaking nasa harap lang ng kotse ko. Nakita ko ang paghawak nito sa helmet niya at dahan dahan itong inalis. Huminto ako sa harap niya at pinagkrus ko ang mga braso ko. Hinihintay na maalis niya ang kanyang helmet at makita ang mukha ng makakalaban namin mamaya. Hindi pa naman ito ang championship pero excited na akong makilala sila. I need to know our enemies. Gano'n nalang ang pagpigil kong mapasinghap nang makita kung sino ang lalakeng naghubad ng helmet sa harap ko. Woah. "You're so hot, Ms. Jehanna. I didn't know that aside from being a businesswoman, you are a racer too." Blow Zairus Gautier... Sa dami ng pwedeng makalaban, ang makakasama ko pa talaga sa project ng kumpanya. Kung sinusuwerte ka nga naman. Hindi lang mukhang bigatin ang kalaban, bigatin nga talaga. "Now you know. Nice car, Mr. Gautier," puri ko sa sasakyan niya. Hindi ko na pinagtuunan ng pansin ang isiping siya ang makakalaban namin mamaya. Life is full of surprises though. Talaga nga namang hindi siya basta basta. Mukhang aabot na sa bilyon ang presyo ng sasakyan niya. Astig. Nginitian niya ako, tumayo siya ng maayos at lumapit sa akin. Ramdam ko ang tinginan ng mga taong nasa paligid namin. "Thank you, you have a nice car too. I wonder if may kaya ka pang ibang sakyan?" Natawa ako, "Wanna bet?" Double meaning 'yon para sa akin. Pero dahil sanay na ako sa mga katulad niyang manyak, hindi na uubra sa akin 'yan. Umiiling na tumawa lang ito. Nakita ko ang paglapit sakanya ng kanyang mga kagrupo. Apat rin na babae at apat na lalake. Bawat team ay binubuo ng walong miyembro. Pinulupot agad ng isang babae ang kanyang braso sa bewang nitong kaharap ko. Tila ba binabakuran at kung makakapit ay parang linta. She looks like a clown slut. Mukhang putcho putcho lang naman ang mga babaeng kasama niya, ang mga lalake lang ay mukha talagang pro sa racing dahil sa tindig nila. "Let me introduce you to my team–" "No thanks, gotta go. See you later, CXTREAM," pagdiin ko sa pangalan ng kanilang grupo. Nakangiting kinindatan ko lang siya at kinawayan. Iba ang ugali ko kapag nasa kumpanya at iba rin naman dito. Mahilig akong makipaglaro sa mga tulad niya. Sumakay uli ako sa sasakyan ko at pinuntahan na ang mga teammates ko. Inasar nila ako ng inasar dahil sa ginawa ko. Tinatawa ko nalang ang mga pinagsasabi nila. Hindi rin naman nagtagal at nagsimula na ang tournament. Nauna ang ibang grupo, kami ang huling batch. Sigawan at bardagulan ang maririnig mo dito sa loob ng Circuit. Halos lahat ay ayaw magpatalo, may mga naka stand by namang ambulansya kung sakaling may madisgrasya, kahit pa practice lang naman. "Ready na kayo?" Tanong ko sa mga kasama ko nang makitang tapos na lahat ng laban. Naghahanda na ang team ni Gautier. Hinarap ko ang mga kagrupo ko. "Mukhang mabigat kalaban ngayon, Sha." "They kinda look scary," ani Missy. "Mas mukha ka pang nakakatakot, babe," pang aasar ni Harver sakanya. Sumimangot naman ito. "Let's go, mag-ingat nalang kayo, huwag kayong aalis sa linya niyo." "Copy that, boss!" Sinaluduhan pa ako ni Yuhen. Sinulyapan ko muna ng isang beses ang grupo sa kabila bago sumakay sa kotse ko. Alright, let's get this done, Shalini. Kailangan nating magseryoso ngayon. Hinawakan ko na ang manibela ko at naunang magpaandar papunta sa starting line ng kalsada. Nakita ko ang paghinto ng kotse ni Gautier sa kaliwa ko. Nakabukas ang windshield niya at nakapatong pa ang balikat doon. "Goodluck, gorgeous!" Sambit niya. Pinakitaan ko lang siya ng middle finger at hindi nagsalita. Pumwesto naman ang iba ko pang kagrupo sa kanan ko at ang iba ay sa likod. "Drive safe, okay?" Pahabol pa nito at tila hindi pinansin ang pagtaas ko ng middle finger ko. Hindi ko alam na may concern pa pala 'to sa kalaban. Mukhang tangang kanina pa ngiti ng ngiti, nakakaburyo na. Humawak na ako ng mahigpit sa manibela ng sasakyan ko nang makita ang pagpwesto ng isang babae sa gitna ng kalsada. Siya ang may hawak ng flag, once na ibaba niya 'yon, doon na kami magsisimula. Binigyan ko ulit ng isang sulyap ang kalaban namin at nginisian. Dahan dahan kong tinaas ang windshield ko habang hindi inaalis ang tingin sakanya. Time to impress them, baby. Wala akong inaksayang oras at agad na pinaharurot ang kotse ko pagkatapos ibaba ng babae ang hawak niyang flag. Full speed at focus na focus ako sa pagd-drive. Nakita ko sa peripheral vision ko na nasa gilid ko na ang kotse ni Gautier. Mas binilisan ko pa ang pagpapatakbo. Sinubukan kong kainin ang linya niya at nagawa ko naman. Nasa linya na ako ng unahan ng kotse niya nang siya naman ang lumiko papunta sa dati kong pwesto. Nagpalit lang kami ng linya. Nasa gilid at likod ko na ang iba niyang mga ka-grupo. Halos pantay lang kami. Ang iba naming mga kagrupo ay gano'n rin. Pinapalibutan naman ng mga kagrupo ko ang kaniyang sasakyan. Sh*t, nangunguna na siya ngayon. Nakita ko ang mas pagbilis ng takbo niya. That's impossible! Dahil hindi ako mahilig magpatalo, sinubukan kong banggain ang likod ng sasakyan niya. Mukhang nahalata niya 'yon kaya mas bumilis pa siya. Nagsisimula na akong mainis. May sumulpot na isang kotse sa gilid ko at nakita ko ang pagsenyas sa akin ni Yuhen na ibaba ko ang windshield ko kaya ginawa ko naman. "Turn left, Sha!" Sigaw niya. "Turn left and bump him, the next road is the V lane! Go west!" Naintindihan ko naman ang sinasabi niya. Binilisan ko uli ang patakbo ko hanggang sa makahabol sa likod ng kotse ni Gautier. Lumipat uli ako sa gilid niya at binangga ang babang parte ng sasakyan niya. Nakita ko ang kaunting pag gewang nito kaya naman natuwa ako. I took that as advantage at nanguna na sakanya. Ang tinutukoy na lane ni Yuhen ay ang V shape lane, dalawang daan ito pero iisa lang ang pasalubong na daan sa labas, this is also a cave kaya madilim. Sinindi ko ang ilaw ng sasakyan ko kahit wala pa ako doon. Binangga ko uli siya, nakita ko ang pagbaba niya ng kanyang bintana sabay sulyap sa sasakyan ko. "Nice try, Mademoiselle!" Nakangising asar niya. Dahil doon ay binangga ko ulit siya. Narinig ko ang malutong niyang pagmumura. A wide smirk plastered on my face. That's right, Gautier, magmura ka sa inis. You shouldn't do that, mabilis pa naman akong mainis. Pinasok ko na ang isa sa daan nitong V lane at tuloy tuloy na pinaharurot ang sasakyan. Bahala na kung sino ang mga sumunod sa akin. Malapit na kami sa finish line. Nakita ko na ang ilaw sa dulo nitong daan. Rinig ko na rin ang sigawan ng mga nag-aabang. Malapit na... Kaunting bilis pa, Shalini.. Huminga ako ng malalim nang makalabas na sa kwebang daan na 'yon. Nakita ko ang paglabas rin ng sasakyan niya sa kabila. Pigil ang hiningang sinabayan ko ang bilis niya hanggang ilang metro nalang ay lalagpas na kami sa finish line. Desperate to win, I bumped his car twice. Hindi niya siguro inaasahang gagawin ko 'yon kaya nagpagewang gewang ang sasakyan niya. Umikot ito hanggang sa lumangitngit ang tunog ng mga gulong niya dahil sa sapilitang pagpreno niya. Ngiting tagumpay na nilagpasan ko ang finish line at pumreno mismo sa harap ng mga nag-aabang na organizer. Weaklings. Bumaba ako ng kotse ko at agad na naglakad palapit sakanya. Nakita ko ang pagbaba niya ng sasakyan at pagtanggal sakanyang gloves bago bato nito sa loob ng sasakyan. "You tried to kill me, huh?" Ramdam ko ang gigil sa boses niya. I chuckled, "Natakot ka ba?" Nagpakawala ito ng malalim na hininga at seryoso akong tinignan. "Next time, try to think the safest way to win. Pwede kang madisgrasya sa ginawa mo, Ivory." Nagulat ako nang tawagin niya ako sa second name ko. "This is a car racing tournament, don't be so friendly, Mr. Gautier." Tumango tango siya. "Right, congratulations then. See you in the office," sambit niya at tinalikuran na ako. Taas noo ko siyang tinalikuran din at tuwang tuwa na sinalubong ang mga kagrupo ko. Nakita ko ang pag-iling ng ibang grupo ni Gautier at ang iba ay nakangising tinignan lang ang kanilang kasama. Mukhang hindi naman sila triggered sa pagkatalo. Ang mga lalake na kasama niya ay natatawang nagsi-sakay lang sa kanilang mga sasakyan at sumunod na sakanya. "Iba ka talaga, Sha!" "Muntik nang makipag meet-up kay Lucifer 'yun, ha?" "Masiyado kang mainit ngayon, wala pa tayo sa championship, chill ka lang." Hindi ko nalang pinansin ang mga sinasabi nila at nagpaalam ng uuwi na. Maganda ang mood ko ngayong gabi, paniguradong makakatulog ako ng mahimbing.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD