"SHALINI IVORY! WAKE UP!"
Malakas na sigaw ang nakapagpa-gising sa mahimbing kong pagtulog. Nabuburyong nagmulat ako ng mata at tinignan kung sino ba ang pesteng maingay na 'to sa kwarto ko.
Lagi nalang may nang-iistorbo ng tulog, anak ng pucha naman.
Agad na nawala ang antok ko at dali dali akong bumangon nang makita si Mommy na galit na galit habang hawak ang isang manibela ng sasakyan ko.
"Mom, what did you do?" Gulat kong tanong sakanya.
"You little piece of–" Ihahampas niya sana sa akin ang hawak niya pero hindi niya tinuloy at inis na tinapon nalang ito sa kama ko.
Balak ko pa naman sanang umilag na.
Hindi niya na rin itinuloy ang pagmumura at tinignan nalang ako ng masama.
"How many times do I have to tell you to stop joining that racing competitions? I saw your car, Shalini! Ang daming gasgas, may senyales pa ng pagkabangga! Are you trying to kill yourself?"
Naririnding napakamot ako ng ulo dahil sa sermon ni Mommy. Ang aga aga, nakakainis naman! Pumunta nanaman siguro 'to sa paradahan ko ng mga sasakyan. Mommy is always like that.
"Mom, it's just a car, okay? I'm totally fine, can't you see?" Tumayo ako at umikot ikot sa harap niya.
Napaangil ako ng hampasin niya ako sa braso.
"Don't use that tone on me, Shalini! Pinayagan ka namin sumali sa mga ganiyan noon. You said it is safe, but this is not the first time that I saw your car in that state!"
Ramdam ko ang gigil sa akin ni Mommy. Nakasuot pa siya ng white all-over suit at mukhang kadarating lang ng bahay.
"Mom, can you just let it pass this time? I promise, I won't do it again."
Lumapit ako sakanya at niyakap siya. Lambing lang katapat nito. Naramdaman ko ang mabilis na pagtaas baba ng dibdib niya dahil sa galit.
"I'm sorry, Mom. Huwag ka nang sumigaw, magkaka-wrinkles ka niyan, sige ka," pang-aalo ko sakanya.
"Hay nako, Shalini Ivory. Ang dami mo nang kasalanan sa akin, don't push my button, ikaw rin ang magdudusa sinasabi ko sa iyong bata ka!" Pagbabanta pa niya.
"Okay... Calm down, Mommy."
Huminga siya ng malalim bago ako niyakap pabalik. I smiled because she can't really control her voice when she's mad and worried.
My mom is too cute to handle. Galit galitan lang 'yan sa akin, hindi rin ako nito matitiis.
"Ito na ang huling beses na makikita ko ang sasakyan mong ganiyan, Ivory. Kakaltukan na talaga kita!"
I chuckled.
"Don't laugh, woman! I'm serious!"
Napailing iling nalang ako sa ugali niya. She told me to dress up and go downstairs para sabay sabay na raw kaming mag-breakfast.
Pinagbigyan ko naman ang hiling niya kaya dali dali akong nagsuot ng hoodie at pajama. Nasanay na kase akong matulog na naka underwear at sando lang. I'm much more comfortable wearing those while sleeping.
Daddy told me to wear a pajama and even scolded me about it but I didn't follow him. Hindi talaga ako sanay matulog nang nakapajama man o ano, naiinitan kase ako kahit malakas naman ang aircon.
Bumaba ako nang hagdan at naabutan silang lahat sa dining room na nakaupo na sa kanilang mga pwesto. Ako nalang ang hinihintay.
Hinalikan ko muna sila Daddy sa pisngi bago ako tuluyang umupo.
"How's the project, Shalini?"
Humigop muna ako ng kape bago siya sinagot.
"What project, dad? JBC?" Kunot noo kong tanong.
"No, the collaboration project with GE, have you met their representative?"
Oh... He's referring to that racer guy.
"Yes, dad. We met yesterday, diniscuss na rin namin lahat. We both agreed naman sa mga plano, he's preparing the papers."
Tumango tango si Daddy.
"That's good, I'm hoping to see a little improvement on the site, when will you visit that?"
Napahinto ako sa pagsubo dahil sa sinabi niya. Hindi ko pa naplano ang pagdalaw sa site na tinutukoy niya. Hindi namin naisama sa meeting 'yon.
"I still don't know, dad. I'll take a look on my schedule."
"Alright, honey. It's a good thing that I heard your mom scolding you early this morning, nakita ko rin ang sasakyan mo, Shalini."
Pasimple akong napairap ng mata dahil sa sinabi niya. Hindi nalang ako nagsalita at nagsimula nang kumain. Baka madagdagan pa ang sermon kapag sumagot pa ako. Knowing them, they will not let me explain my side. Tsaka ako rin talo for sure.
Buti naman at hindi na niya dinagdagan ang sermon sa akin ni Mommy. Hindi rin naman uubra sa akin ang mga 'yon. Ikaw ba naman araw araw pagalitan, ewan ko nalang kung hindi ka pa masanay.
Naiiritang binilisan ko ang pagkain ko dahil sa sobrang pagka-cringe ngayon.
Ang corny ng parents ko, nagsusubuan pa kase sila. The twins are too happy to see them like that, habang ako ay sukang suka na sa ka-sweet-an nila.
Ano sila, teenagers?
Nang matapos ay umakyat na rin ako at nagsimula nang mag-ayos. I'm sure male-late ako sa pagpasok ngayon, kung hindi pa siguro ako nagising sa sigaw ni Mommy, baka anong oras pa ako magigising no'n.
"Ate?" Rinig kong tawag sa akin ni Cimon sa labas ng pintuan ko.
Katatapos ko lang maligo nang marinig ang katok niya doon.
"What?" Sigaw ko naman.
"Can I come in?"
"Sure, bukas 'yan."
Pumasok siya sa kwarto ko nang nakapambahay lang. Wala ba 'tong pasok? Mukhang may balak um-absent, ha.
"Why are you still here, Cimon? Wala ba kayong pasok?"
Umiling siya, "May program sa school, Ate."
"Alright, speak," sambit ko.
Nilabas ko muna ang blow-dryer ko at sinimulan nang patuyuin ang buhok ko.
Naupo naman siya sa kama ko at seryoso akong tinignan. Nakikita ko siya sa salamin kaya naman hindi ko na kailangang humarap pa.
"Daddy said I should come to you and let you know that I decided to enter a university in London. Evolet wants to come with me," diretsong sambit niya.
Kunot noo ko siyang sinulyapan. Seriously?
"Are you nuts, Cimon? You're both 16, you can't still live independently."
"Yeah, we know that, Ate. That's why we came to this idea na isama sila Manang Lucia doon."
Tinaasan ko lang siya ng kilay. I can't believe that they already decided to move out. Pinayagan ba talaga sila ni Daddy? I know my Mommy will always agree to their favors or desires, but this? For real?
Bumuntonghininga siya.
"Fine. You know that I can't lie to you, Ate," aniya at lumapit sa akin.
Tumingin ulit ako sa salamin at nagsimula namang ayusin ang palamuti ko sa mukha. Starting from my earings.
"Daddy wants us to go in London, he wants you to live alone in this house. Mom and Dad wants to see if you can live without them, without us–"
"Are they abandoning me?" Putol ko sakanya.
Natawa siya, "Of course not, silly."
I sighed. I look at him with my bored eyes.
"I know what they're doing, Cimon. I already saw your passports, I even heard them talking. Gusto nilang pamahalaan ko nang mag-isa ang kumpanya, you know that I can't and I will not accept it. Kayo ang tunay na anak, sainyo dapat 'yon."
"Ate, don't say that. Alam mong tunay na kapatid ang turing namin sa'yo, you're the best sister–"
"Oh, come on! I hate dramas, lil bro."
He chuckled.
"We will miss you, Ate. Siguro gusto ka lang makita nila Mommy at Daddy na tumayo sa sarili mong paa, you know that they love you so much, right?"
"Of course, I know."
Napabuga ako ng malalim na hininga. I heard them talking, that was 3 days ago. Pupunta ng London ang kambal at doon na mag-aaral, sila Mommy naman ay pupunta rin doon para ihatid ang kambal pero babalik din dito sa Pilipinas, hindi nga lang dito sa mansyon. They want to take a long vacation on Palawan.
Wala namang problema sa akin 'yon. Ang ayoko lang talaga ay ang plano nila na ilipat na sa pangalan ko ang kumpanya. I don't think I deserve it.
Okay sa akin ang tumira rito mag-isa, I can always visit them If I want to. Ayoko lang na nagpa-plano sila nang hindi ko gusto.
But do I have a choice? Mukhang settled na lahat, eh.
Narinig ko rin na sinabi ni Mommy na punishment ko na rin daw ito. Tsaka para raw mas mapunta ang atensyon ko sa kumpanya at hindi na sa pagre-racing.
As if they can make me stop that. Naging addiction ko na 'yon at iyon nalang ang libangan ko.
Nang matapos siyang magpaalam sa akin ay umalis na rin siya ng kwarto ko. Nabuburyong sumakay nalang ako sa kotse ko at pinaharurot na ito papunta sa kumpanya.
I'm already fuckin' late.
Wala sa mood na pumasok ako ng kumpanya at hindi na pinansin ang mga bumati sa akin. I don't feel like talking right now.
Sinalubong ako ng secretary ko pero hindi ko rin siya pinansin at dumiretso na sa opisina ko.
Tinatamad na nilapag ko ang bag ko doon at nilabas ang cellphone kong kanina pa pala tumutunog.
"What is it, Yuhen?" Agad kong tanong sa kaibigan kong tumawag.
"Sha, lalabas kami mamaya. Sama ka?"
"I'm busy, Monks. Saan punta?"
Tumawa siya. "Magb-bar kami, let's celebrate. Nanalo tayo kagabi, 'di ba?"
Naalala ko nanaman ang itsura nung Blow Zairus Gautier na 'yon nang matalo ko siya. Napangiti ako, mukha kase siyang asar talo.
"I'll try, I still have a lot of things to do."
"Okay, see you later," aniya na mukhang sigurado nang pupunta ako.
Napabuntong hininga nalang ako bago pinindot ang intercom ng opisina. Naka-konekta ito sa labas.
"Brixton, come inside."
Wala pang ilang segundo nang pumasok ito at agad na binuksan ang kanyang ipad. Alam na agad niya kung anong tatanungin ko. He's a very efficient and effective secretary, that's why I like him. He's also attentive, hindi gaya nang ibang secretary na dumaan sa akin. They're all stupid, kaya naman natanggal ko agad sila.
Hindi talaga mahaba ang pasensya ko. I hate clumsy and dumb people. Ilang beses na ako pinagalitan nila Mommy dahil sa ugali ko rito sa kumpanya, dapat daw maging considerate ako.
I don't know, siguro sumasakto lang na mainit ang ulo ko tapos magkakamali pa sila sa harap ko, edi ayon, tanggal.
Napahilot nalang ako ng sintido ko habang pinapakinggan ang sinasabi ng secretary ko. Ang daming schedule ngayong araw, this will prolly a long and tiring day.
"Bring me some coffee," utos ko sa intercom ko bago nagpatuloy sa pagbabasa ng mga reports.
It's quarter to 12, I'm not hungry, I just want a cup of coffee so I can finish all of this before 5. I still need to go on Gautier's Empire para sa contract signing ng project namin. It's a private exclusive dinner for the investors, the board of directors and us– the CEOs.
I'm quite excited to enter that huge company. I wonder what it looks like inside since iyon ang pinaka successful company sa buong bansa.
Nang matapos na ako sa mga ginagawa ay hindi na ako nagsayang ng oras at agad nang tumayo para umalis.
"Brixton, go get the papers on my desk, paki-akyat sa HR. Also call Mr. Abid, ask him if he's done with the documents," utos ko sa secretary ko bago sumakay ng elevator.
Hindi ko na siya hinintay na sumagot at kinuha nalang ang cellphone para tawagan ang mga kaibigan ko.
Alanganin akong makasama sakanila mamayang gabi, hindi ko alam kung anong oras matatapos ang contract signing. Since it is a dinner meeting too, paniguradong magtatagal ako roon.