CHAPTER 5

1900 Words
Wearing a black ruffled tafetta peplum jacket partnered with a white obi belt and a red 4 inches pointed stilleto, I gracefully walk downstairs. It's already quarter to 7, kanina pa ako naiinip sa loob ng kwarto ko. Bumaba muna ako at dumiretso sa dining room para magpaalam kina Daddy. Naabutan ko silang lahat na kumakain doon kaya naman agad akong napangiti. I will miss this scene, ilang araw nalang aalis na sila. Hindi pa sinasabi sa akin ni Daddy ang tungkol doon pero hindi na siguro kailangan dahil alam ko naman na. A-acting nalang ako na nagulat once na sinabi nila, I know my parents, they will last minute announce it. "Iha, where are you going? You look so pretty in that dress–" "Mom, I hate compliments," pairap na putol ko sakanya. Tumatawang tumayo ito at sinalubong ako. "I love your style, Ate. Where did buy that belt?" tanong naman ni Evolet. "Ninakaw ko, Evo," sarkasmong utas ko sakanya. Naramdaman ko ang pagkurot sa akin ni Mommy sa braso. Tinignan ko lang siya at tinawanan. I'm just trying to joke. "Saan ka nga pupunta? Why are you not joining us for dinner?" Bineso beso ko muna silang lahat bago nagsalita. "I'm going out for a dinner. I mean, an exclusive dinner on Gautier's Empire, we are signing the contract tonight." Agad na lumiwanag ang mukha ni Daddy. He's been waiting for this for such a long time. Siguro hindi niya inaasahan na ganito kabilis. "That's good! You really did a good job, Shalini. Sige na, pumunta ka na, don't make them wait my pretty daughter," nakangising asar pa nito sa akin na siyang kinatirik ng mata ko sa inis. Pretty daughter my ass. "I gotta go, bye." Tinanguan lang nila ako kaya naman dumiretso na ako sa sarili kong parking lot dito sa mansyon. Nandito lahat ng collection kong sasakyan, even my big bikes are here. Pinili ko ang isang simpleng black mustang na sakto rin sa kulay ng damit ko ngayon. Since it is already 7PM, kaunti nalang ang mga sasakyan sa kalsada. Pinaharurot ko ang kotse ko na tila ba nasa Circuit Arena lang ako, nilagpasan ko pa ang ibang mga kotse sa harapan ko. I don't care if someone will report me to the police, as if they will scare me with that penalties. I'm used to it. I can always pay for a ticket. Kailangan ko lang talaga magmadali ngayon at ayokong mahuli sa pupuntahan. Importante pa naman 'yon. Napangiti nalang ako nang wala pang bente minutos bago ako nakarating sa parking lot ng kanilang kumpanya. Bumaba ako at agad na sinuot ang dala kong aviators, I already expected some s**t media reporters here at hindi nga ako nagkamali. Agad na nagkislapan ang kanilang mga ilaw sa camera at tinangka ang paglapit sa akin. Men in black bodyguards quickly stopped them and blocked their way. It's a good thing that this company's security knows how to handle such things. I really hate these people, they are like always hungry for pictures, interviews and etc. Such nosy people who can't understand the word "privacy" May ibang media naman na hindi ganito, pero hindi rin talaga ako makaangal. We are belong to the elites, kapag isa ka sa mga mayayaman na may malagong kumpanya sa bansa, paniguradong nakatutok din sa'yo ang media. Lalo na't nandito ako ngayon sa pinaka successful na kumpanya hindi lang dito sa Pilipinas. Paniguradong headline 'to bukas. Nang makapasok sa elevator ay tsaka lang ako nakahinga ng maluwag. "Fuckin' cameras, ang sakit sa mata," naiinis na bulong ko pa. Nang makarating ako sa floor kung saan gaganapin ang dinner meeting ay inayos ko muna ang sarili ko. Nakita ko ang nagkalat na mga bodyguards sa palapag na 'to, mga armado pa ang ilan. Napaka heavily guarded, iba talaga kapag mga high-profiled. "Goodevening, Lady Jehanna, this way please," nakangiting salubong sa akin ng isang lalake. Binigyan ko lang ito ng ising tipid na ngiti at sumunod na sakanya. Naglakad kami sa pinaka dulo ng hallway at bumungad sa akin ang isang double glass tinted door na sa loob lang ata visible. "You can now go inside, Milady," ani nito nang pagbuksan ako ng pinto. Hindi naman na ako nag-aksaya pa ng oras at pumasok na doon. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o mawe-weird-uhan nang makita ang dim romantic lights sa loob at ang red carpet na may mga petals ng red roses. Kunot noo akong naglakad doon at tinahak ang daan papunta sa dining table na nakita ko na may mga candlelight pa. Mas lalo pa akong na-weird-uhan nang makitang pang dalawahang tao lang 'yon, only two chairs are set in there. I thought it's a contract signing dinner? Mali ba ako nang napasukan? What the hell is this? "Are you amazed, Ms. Ivory?" Agad akong napalingon nang marinig ang pamilyar na boses sa likod ko. "Mr. Gautier, I think you reserved a wrong spot for our dinner, where is the board of directors? I think your men guided me on the wrong room, can we just–" "This is my idea, and no... The board of directors aren't coming, I already talked to them about the contract, nakapirma na sila bago ka pa dumating," putol niya sa akin habang nakangisi. He's wearing a black three piece suit and he's holding a piece of rose on his left hand. Ang isang kamay ay nakasuksok sa kanyang bulsa. "Nanggagago ka ba?" I asked out of nowhere. Imbis na magulat sa tono ko nang pagtatanong ay tumawa lang ito at naglakad na palapit sa akin. "You're really something, Ms. Shalini. I can't help but to admire you." May sira ata 'to sa utak. Ano bang pinagsasabi nito? "I'm not playing around, Gautier." Nararamdaman ko na ang pamumuo ng inis sa loob ko. Seryoso ko siyang tinignan. Ayoko pa naman ng pinagt-trip-an ako. "Chill, Mademoiselle. I just want us to have a nice dinner while signing the contracts, masiyado kang mainit–" Agad kong hinubad ang suot kong aviators at matalim siyang tinignan. "What the hell do you think is this? We are not a couple, we are not dating, we don't even know each other, so can you please act professionally?" May pa rosas rosas pa 'tong nalalaman. And what is this kind of set-up? Akala ba niya date 'to? He's literally out of his mind. "My bad, you didn't appreciate my effort. But it's done, can we sit now?" Napairap nalang ako nang mas nauna pa siyang naupo kesa sa akin. Damn this racer guy, ano bang trip 'to? Nabuburyong umupo nalang din ako at walang ka amor amor na tinignan ang mga pagkaing nakahain sa lamesa. May champagne pa, it exactly looks like a freaking date. Nac-cringe ako, napaka baduy. "Let's talk calmly, shall we?" Aniya at binuksan ang bote ng alak sa harap namin. "I'm always calm, Gautier. Ayoko lang nang pinagt-trip-an ako. I am expecting a decent dinner meeting, not like this." Tumaas ang gilid ng labi niya habang pinapakinggan ako. He look so happy, and it makes me feel irritated. Sinalinan muna niya ang mga wine glass sa lamesa bago ako sinulyapan. "Let's just say that this is my way of celebrating a successful collaboration with a gorgeous businesswoman, Ms. Shalini. Don't take it too seriously, my assistant seems like a fan of romantic ambiance that's why," paliwanag pa niya. As if I'd buy that. Kakasabi lang niya kanina na sayang ang effort niya dahil mukhang hindi ko na-appreciate tapos ngayon ang secretary naman niya ang dahilan bakit ganito ang nadatnan ko. "What else I can do? Since we're already here, let's get this done. Nasaan na ang mga papeles? I will sign it now so I can finally leave–" "Let's eat first, then we'll sign those," cutting me off for the second time. Ang hilig nito mamutol ng salita. Hindi man lang ako patapusin, what a rude! Inirapan ko nalang siya uli at hindi na nagsalita. Inayos ko nalang ang sarili ko sa pag-upo at tinitigan ang mga putahe sa lamesa. "Bon appetit, Mademoiselle." My lips form into a thin line to suppress my anger, baka ma-trashtalk ko 'to nang wala sa oras. Nagsimula kaming kumain ng tahimik. Pansin ko ang pagsulyap sulyap niya sa akin, walang pakealam na nilantakan ko lang ng tuloy tuloy ang mga nasa lamesa. Not minding his stares, lagok din ako ng lagok ng alak habang siya naman ang taga lagay no'n sa kopita ko. "I'm glad that you like the food, but that wine is not a water, slow down." Nilapag ko ang kopita ko at nagpunas muna ng bibig bago siya sinulyapan. "I have a high tolerance, mind your own business," pabarang sagot ko naman. Nagkibit balikat lang naman ito. Nang sa wakas ay tapos na kaming kumain, pinaligpit naman na niya ang mga nasa harap namin bago inutusan ang secretary niya na kunin ang papeles sa kanyang opisina. Secretary pala niya 'yung gumabay sa akin kanina papunta rito. Naiinip na sumandal nalang ako sa upuan ko at tinutok ang mata sa glasswall nitong kumpanya nila. Tanaw dito ang mga naglalakihang building din sa labas. "I like your dress tonight, but you look more sexy on a car racing outfit," basag niya sa katahimikan. Binalik ko ang seryosong tingin ko sakanya. Nakangising nakatitig siya nang diretso sa katawan ko. "I like your suit tonight, but you look more sexy if you're invisible," sarkasmong balik ko sakanya. His grin became wider when I said that. Hanggang na napunta na nga ito sa tawa. Damn this freak. Naputol lang 'yon nang dumating na ang secretary niya at nilapag sa harap namin ang isang suitcase. Siya na rin mismo ang naglabas ng mga papeles at nilatag sa bawat tapat namin. "Shall we sign it now?" Hindi ko na siya sinagot at nauna nang pumirma. "Congratulations to the both of us, Ms. Shalini. Our companies will surely celebrate another success soon, it's nice to have a cool partner." It sounded sarcastic. Tumayo na ako at inayos ang sarili ko bago siya binigyan ng isang ngisi. "It's not even nice to have such a weird partner, but yeah, I'm hoping for another success. Thank you for the not-so-good dinner, goodnight," sinadya ko pang palambingin ang boses ko. Hindi ko na siya hinintay na sumagot at tumalikod na agad para maglakad palabas ng pinto. Ang ngisi ko ay napunta na sa totoong ngiti. Akala niya siguro hindi ko alam ang ginagawa niya, as if madadala ako ng mga gano'ng pakulo. I'm not dumb. As I've said the first time we met, I will investigate him. And guess what I found out? He's a womanizer. A certified womanizer. Hay nako, Blow Zairus Gautier. You don't even know who I am, I'm not like the other girls. If your crystal blue eyes and damn sexy smirk can easily shake their knees, sa akin hindi 'yan uubra. But nice try. Umiiling iling na sumakay nalang ako sa kotse ko kahit may mga sumalubong pa sa aking media reporters at pinaharurot ito papunta sa bar kung nasaan ang mga kaibigan ko. For sure matutuwa sila dahil pumunta ako, sasaglit lang ako para naman hindi sila ma-disappoint. I still have enough time. The dinner doesn't even take two hours. I also need to celebrate the successful contract signing, paniguradong masaya sila Daddy bago umalis ng bansa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD