"Ingat kayo sa byahe, don't forget to bring a lemon, Evo," paalala ko sa kapatid ko nang ihatid ko sila sa gate ng mansyon. Nakahanda na ang sasakyan nila papuntang airport, siya at si Cimon pa lang ang nandito sa labas. Sila Mommy ay busy pa maghanda sa loob, mukhang kinukuha na lahat ng gamit. Akala talaga nila maniniwala akong mags-stay din sila doon ng matagal. Cimon told me about their epic plans. "Thank you, Ate. I have lemon on my bag na, I will miss you!" She needs that because she has this habit of vomiting everytime she's on the plane. "Pag-aaral ang atupagin doon. I will slit your neck kapag nalaman kong nagbubulakbol ka ro'n, Cimon will report everything to me," banta ko sakanya. "You're so harsh, Ate!" Inirapan ko nalang siya at niyakap. Kahit pa lagi akong masungi

