It took me a week to have the courage again to find and talk to him. Sa loob ng isang linggo ay naging busy ako sa aming kumpanya, dahil nga pinasa na sa akin nang tuluyan ang pwesto ni Daddy, madaming kailangang pagtuunan ng pansin. Madaming mga papeles na kailangang asikasuhin kaya naman wala talaga akong oras para ipagpatuloy ang paghahabol. Also, Blow is definitely hiding. Ilang beses na akong dumalo sa mga conference meeting na kasama ang mga ka-sosyo namin including them, but only Connor showed up. I understand Nickolai because he has his family to be taken care of, kaya naman kahit siya pa rin ang CEO ng kumpanya nila ay mas pinapaubaya niya sa mga kapatid niya ang mga ganitong klaseng meeting. Now that I'm all set, I need to find him, although hindi naman siya mahirap hanap

