Sa hindi ko malamang dahilan ay mas lumala ang bigat ng pakiramdam ko pagkagising ko ng umaga. Masakit ang ulo ko at tila ba nasusuka pa ako. Pinilit kong hindi ipahalata sa mga kaibigan ko na may nararamdaman ako ngayon dahil baka mag-alala sila at maka-apekto pa sa performance naming lahat mamaya. I acted like I am okay and I feel fine. Maaga kaming nagsipag-handa at umalis ng condo ni Rio. Gaganapin ang championship tournament sa Grand Prix Circuit na kung saan kami ang pinaka huling maglalaban-laban. Mauuna ang mga kasali sa ibang category, sa semis at iba pa. Dala na namin ang mga sasakyang gamit namin. Sabay sabay naming tinahak ang daan papunta sa circuit. Kahit pa may iniinda ako ngayon ay pilit ko pa ring binilisan ang pagmamaneho ko. I want to p**e but at the same time, I

