Wala sa sariling naglakad ako pabalik sa kwarto ko at nagmukmok sa loob no'n. Kung alam pala nila na may mga banta na sa buhay ko, bakit ngayon lang nila sinabi? Tsaka bakit kailangang si Blow pa ang magbantay sa akin? Base sa tinanong ko kanina ay mukhang wala silang alam sa ginawa nito sa akin. Kung sana pinaliwanag nalang niya ng maayos at hindi na humantong sa ganito. Nickolai sent his brother to protect me, I wonder if he's aware that I'm trying to get his brother back. Dahil medyo sumasakit na ang ulo ko ay naisipan ko munang matulog. I'm out of energy right now, I am so drained that I can't even open my mouth. Basta ang alam ko, nasa panganib ako ngayon. Napabaling ako sa kabilang side ng kama nang maramdaman ang pangangarag ko dahil sa lamig. Inunat ko ang mga kamay ko ha

