"So, paano mo napapayag ang parents mo na pagbakasyunin ka rito? As far as I remebered, pwede kang magtravel sa kahit anong bansa except Philippines," usisa ko sakanya. Nandito kami ngayon sa kwarto ko at nakasalampak sa kama. I can't still believe that she's here. It's been almost 3 years simula nang tumira sila sa Korea. "Well, kilala mo naman sila Mommy. Hindi nila ako matitiis, and malapit na ang birthday ko, ito ang hiningi ko sakanilang gift." As usal kila Tito at Tita. Makakahindi ba sila sa nag-iisa nilang anak? "I see. But please avoid creating any troubles, okay? Pinsan at kaibigan kita pero kapag once na may ginawa ka nanamang kalokohan, tatawagan ko agad si Tito." She pouted, "I'll behave, promise!" Sa daddy niya lang ito takot kaya kapag binantaan mong isusumbong,

