Hindi nag-aksaya ng oras si Rio na yakapin ako pagpasok pa lang namin ng condo niya. Doon ako parang nanghina at tuluyan nang bumigay. Umiyak agad ako sa dibdib niya at hindi na inintindi kung mabasa ko man ang suot niya. "Hindi ka pupunta sa akin kung okay ka, Shalini. I know there's something, if you can't say it right now, just cry." Mas lalo akong umiyak doon. Tuloy tuloy ang paghikbi ko dahil totoo ang sinabi niya. He's always been my crying shoulder. I can't go to my friends because I know they're busy too, ayokong maramdaman nilang obligado pa sila sa akin. Hinigpitan niya ang yakap sa akin at hinaplos haplos ako sa buhok. "Ngayon lang ulit kita nakitang umiyak simula nang bumalik ka rito, I can't stand seeing you like this but I know you need to release that emotion. Masama

