Medyo malamig dito sa labas ng bahay nung tinawag nilang Leo kanina. Ang ganda ng simoy ng hangin dito at nakaka-kalma. Napunta ako sa isang parang balon na may sementong upuan pero style duyan na nasa gilid lang nito. Naupo ako doon at agad na pinagkrus ang kamay ko. Ramdam ko ang panlalamig ng mga kamay ko dahil manipis lang ang suot kong gown. Sa kinauupuan ko ay tanaw ang isang malawak at kalmadong dagat. Ang ganda siguro rito kapag umaga. Ang aliwalas. Naririnig ko pa ang ilang huni ng mga hayop. Kaya siguro tago masiyado ang resthouse na 'to dahil nagagamit din kapag may mga ganitong emergency. Malabong may makapasok dito sa layo at liblib. Kung nasa dagat ka, siguro hindi mo rin masiyadong makikita 'tong bahay. Napapalibutan din ito ng malalaking puno. Sinadya talagang mag

