• CHAPTER 10 •

1014 Words
◑ Aldrich point of view ◐ Tahimik akong kumakain sa pinakasulok ng cafeteria na mag-isa. Hindi pumasok si Travis kaya naman wala akong kasama kumain. 'Yung kaninang maingay na cafeteria biglang naging library sa sobrang tahimik. Napaangat ako ng tingin para alamin kung bakit tumahimik ang paligid. "Nandito na pala siya." sabi ko na lang. Napaiwas ako ng tingin nang mapansin ko na tumingin siya sa gawi ko. Muntik na 'yon baka isipin niyang crush ko siya. Sa guwapo ko ba naman ito, asa na ako ang magkakagusto sa kanya. Ipinagpatuloy ko lang ang pagkain ko at mabilis na tinapos ito. Nararamdaman ko na ang unti-unting paglamig sa paligid ko. Dahil sa malamig na presensiya niya na hindi malaman. "Siya siguro ang genderbend ni Jack Frost sa sobrang cold niya." mahinang sabi ko matapos uminom ng tubig ko. Tumayo na ako at pumunta sa may basurahan para itapon ang basura ko. Habang naglalakad ako papunta sa pinto palabas ng cafeteria. Hindi ako makatingin sa kaliwa ko dahil nandoon siya. Kaunting hakbang na lang makakalabas na ako. "Hey!" may biglang kumalabit sa likuran ko kaya napahinto ako. Dahan-dahan akong lumingon para tingnan ang tao na kumalabit sa'kin. "Bakit?" tanong ko na agad napaatras nang bigla niya akong sinunggaban ng suntok. Malaki ang katawan ng lalaki pero magkapareho lang kami ng height. Nanlilisik ang mga mata niya sa'kin at para bang gusto niya akong patayin. Problema nito? "Stupid!" sigaw niya sa'kin na nagpakawala ng maraming suntok. Bawat suntok niya ay mabilis kong naiilagan kaya hindi niya ako natatamaan kahit daplis lang. Kung inaakala ng lalaking ito na matatamaan niya ako. Asa naman siyang papayag ako na madungisan ng kamay niya ang guwapo kong mukha. Maraming babae ang nahuhumaling sa kaguwapuhan ko. Inggit lang yata ang baliw na ito dahil sa guwapo ako. Haha. "Problema mo?" tanong ko na parang naiinis na dahil mas binilisan niya ang pagpapakawala ng suntok niya. Problema ng lalaking ito? Patulan ko na kaya? Kaya lang baka hindi ako makalabas ng buhay. Teritoryo nila ito. Nakita ko ang panggigigil niya na nagpakawala ng kanan niya. Pero nagulat ako dahil may kamay na pumigil sa kanya. Hinawakan ang wrist niya at puwersahang ibinaba. Napalunok laway ako sa nakita ko lalo sa taong gumawa non. "Don't you dare to punch him!" may pag-utos na sabi ni Euphy na napatingin pa sa akin bago muling ibinalik ang tingin sa lalaki. "Master wh---" magsasalita pa sana 'yung lalaki pero hindi na natuloy. Kahit hindi ko na alamin pa alam ko na kung bakit hindi na natuloy ng lalaki 'yung pagsuntok sa'kin. Tingin pa lang ni Euphy talagang mapapahinto ka na. Nakakamatay talagang tumingin ang gangster na si Euphy. Talo pa 'yung mga killer pati mga terorista na pumapatay ng maraming tao. Tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko ito sa bulsa ng pants ko. "Excuse me." mabilis na sabi ko. Hindi ko na inaksaya 'yung pagkakataon na makaalis sa cafeteria. Nagmamadali akong lumabas para makatakas sa puwedeng mangyari. Dahil naalala ko na naman 'yung mga nangyari kahapon. "Kainis na gangster 'yan!" inis na sabi ko habang mabilis na naglalakad. Tiningnan ko ang cellphone ko na hindi na sagot ang tawag ni Dad. Pero nakatanggap naman ako ng text sa kanya.  ̄ ̄ ̄ ̄ ̄ ̄ ̄ ̄ ̄ ̄ From: Dad Aldrich, I want you to kill the gangster! I'll give you one week!  ̄ ̄ ̄ ̄ ̄ ̄  ̄  ̄ ̄ ̄ Napabuntong hininga na lang ako. Alam kong disappointed na sa'kin si Dad dahil mag-iisang buwan na ako dito. Pero hindi ko pa rin napapatay ang gangster. May lahing pusa siguro si Euphy? Ang hirap patayin. Potek! ano connect ng pusa? Tch! Dalawang araw na ang nakakalipas pero hopia pa rin ako. Kahit na hopia may nabubuo na akong plano. "Aldrich bakit ang laki ng ngiti mo?" tanong ni Travis na nakuha pang sikuhin ako. "Wala, ah." pagtanggi ko na napalabi na lang para mapigilan ang pagngiti ko. "Ginawa mo pa akong bulag." sabi niya na tumikhim pa. Naglalakad kami ngayon papunta sa SC headquarter's. May mga bitbit kaming files na kailangan daw ni Euphy. Nagpatulong sa'kin si Travis sa pagbubuhat ng files. Ano kayang gagawin ng gangster na 'yon sa mga files na nasa karton na ito? Pagpasok namin sa loob ay inisip kong manikin lang si Euphy. Na isa lang siyang peke at hindi totoo. Pero kahit na isipin ko 'yon pagpasok pa lang namin ay ramdam ko na siya. Hindi ko alam kung pinaglihi ba siya sa multo kaya nakakatakot siya. "Ito na Euphy 'yung pinapakuha mo." sabi ni Travis matapos namin ilapag sa tapat ng mesa 'yung box. Tiningnan niya lang kami habang tahimik na umiinom ng kape niya. Mag-isa lang siyang nakaupo sa couch at hindi niya kasama 'yung fiancé niyang mapapel. "Painom Euphy." biglang lumapit si Travis kay Euphy. Nanlaki ang mata ko nang agawin niya 'yung tasa ng kape ni Euphy. Humigop siya ng kape pagkatapos ay bigla niya itong dinura. "Ano'ng klaseng kape ito, Euphy?" biglang sumigaw si Travis. "Hindi ka naglagay ng asukal?" dumura na naman si Travis sa sahig kung saan niya dinura 'yung ininom niyang kape. Kinuha ni Euphy ang kape niya sa kamay ni Travis at tahimik na ininom 'yon. Nakita ko ang itsura ni Travis na parang nasusuka sa ginagawa ni Euphy. "May natikman akong matamis kaya hanggang ngayon nalalasahan ko pa rin." saad ni Euphy. Ibinaba niya na ang tasa na wala ng laman sa mesa. "Ano naman ang natikman mo?" tanong ni Travis na pinunasan pa ang bibig gamit ang kanang kamay. Kumalabog ang puso ko sa gulat nang tingnan ako ni Euphy na nagawa pang humawak sa labi niya at ngumiti. Bakit niya ako tinitingnan at may pahawak-hawak pa ng labi na nalalaman? "Basta." bored na sabi niya. "Ang daya hihingi pa sana ako. Ang pait ng panlasa ko ngayon." reklamo ni Travis na kumuha pa ng panyo sa bulsa. Pinunasan pa nito ang bibig at dila. "Ayoko ng may kahati, Travis. Salamat sa pagdala niyan dito." mabagal na sabi ni Euphy na nakatingin sa box.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD