• CHAPTER 09 •

1843 Words
◑ Aldrich point of view ◐ Pumasok ako ng maaga para hindi na ako maparusahan at pag-initan ng pangit na SC Officer na nagparusa sa akin. Sa school na pinapasukan ko, hari o prinsipe ang turing sa'kin pero sa school na ito. Para akong basura na walang halaga at hindi binibigyan ng atensiyon. Maliban na lang sa atensiyon na binibigay sa'kin ni Travis at ni Euphy kahit sobrang cold niya. "You, okay?" turo sa akin ni Travis nung lapitan niya ako at sumabay sa'kin sa paglalakad papasok ng gate. "Okay lang ako." tinatamad na sagot ko na hindi siya tinapunan ng tingin. "Mukhang hindi ka nakatulog. Binangungot ka ba kagabi?" tanong niya kaya tiningnan ko siya. Minsan iniisip ko kung bakla ba siya dahil may pagkamadaldal siya. Kung bakla man siya dapat layuan ko na siya at huwag ko na siyang kausapin. Baka mahalay pa ako ng wala sa oras. "Medyo lang." tipid na sagot ko sa kanya. Hindi talaga ako nakatulog kagabi dahil sumasagi sa isip ko 'yon. "Dahil ba sa nasaksihan mo kahapon?" tanong na naman niya kaya mabilis akong napailing. "Hindi ako binangungot doon Travis." paglilinaw ko sa kanya. "Kung hindi ka binangungot doon bakit ang laki ng eye bag mo?" tanong niya kaya napahinto ako sa paglalakad. Umikot ako ng bahagya para harapin siya. Ayoko man sabihin pero mukhang kailangan dahil hindi niya ako paniniwalaan kapag nagsinungaling pa ako. "Hindi ako binangungot sa nakita kong pagbaril at pagpatay niya sa mga 'yon." tiningnan ko siya sa mata para malaman niya na seryoso ako at hindi nagsisinungaling sa kanya. "Kung ganoon, ano ang dahilan bakit parang napuyat ka?" tanong niya na halata ang pagka-curious. "Pinauna kita kahapon sa next class para kunin ang bag ko sa waiting area. Nung makuha ko ang bag ko nakita ko si Euphy na nasa likuran ko na pala." paliwanag ko na hindi nakatingin sa kanya. "Ha? Nasa likuran mo si Euphy?" hindi makapaniwalang tanong niya. Kahit ako ay ganoon din ang mare-react. Dahil hindi naman mukhang stalker si Euphy. "May sinabi siya sa'kin pagkatapos namin mag-usap. Parang nainis ko yata dahil binato niya ako ng tatlong punyal." parang pakiramdam ko nababakla ako dahil kinu-kuwento ko ito sa kanya. "Punyal? May ginamit siyang punyal sa 'yo?" gulat na tanong niya kaya napatingin na ako sa kanya. "Oo, tatlong punyal," sabi ko tapos may kinuha ako sa bag ko. "Ito 'yung tatlong punyal." pinakita ko sa kanya ang tatlong punyal na nakabalot sa panyo ko. "Tara na Aldrich." kinuha niya ang punyal at mabilis na naglakad. Napailing na lang ako sa naging reaksyon niya pero sumunod pa rin ako sa kanya. Maaga pa kaya puwede akong sumama sa pupuntahan niya. Saka magkaparehas kami ng class. Nakarating kami sa SC headquarter's kaya napakunot ako ng noo. Nang makapasok na sa loob si Travis ay sumunod na rin ako. Nanlaki ang dalawang mata ko sa dami ng tao sa loob. 'Yung mga alalay ni Euphy na laging nakasunod sa kanya ay nandoon din. May isang lalaki na ngayon ko lang nakita kaya napatitig ako sa kanya. Lalo na't katabi niya sa couch si Euphy. "Kakausapin ko lang si Euphy." buo ang boses ni Travis ng sabihin 'yon. Napatingin ang lahat kay Euphy na abalang nagbabasa ng makapal na libro. 'Yung libro na madalas niyang basahin. "Iwan n'yo muna kami." sumenyas pa si Euphy matapos sabihin 'yon. Isa-isang naglabasan ang mga kasama ni Euphy sa loob maliban lang sa lalaking nasa tabi niya. "Prince Lloyd can you leave us?" sabi ni Travis sa lalaking katabi ni Euphy. "No, I don't want to leave my fiancée here." pagmamatigas ng lalaki. Parang nabingi ako sa narinig ko na sinabi ng lalaki. Gusto ko sanang tumawa at sabihin na joke ba ito pero seryoso ang mukha ng lalaki. "Tss! porket ikaw ang fiancé ni Euphy akala mo naman kung sino." naiinis na sabi ni Travis. May fiancé ang gangster? Haha. Joke ba ito? Napatayo ako ng tuwid pagkasarado ni Euphy ng librong binabasa niya. Tumikhim pa siya bago tingnan ang katabi niya. "Okay, sweetheart." humalik muna 'yung lalaki sa pisngi ni Euphy bago tumayo. Hindi ko alam pero nainis ako nung makita ko na may humalik sa kanya. Akala ko ba Kiss Slave niya ako? Bakit nagpahalik siya sa iba? Napahawak ako sa temple ko dahil sa nasabi ko sa isipan ko. Sinabi ni Euphy na wala raw 'yon pero bakit may part sa sarili ko na gusto ko na totoo 'yon? Huminto sa harapan namin 'yung lalaki. Nagsukatan kami ng tingin saka nag-smirk siya sa amin bago lumabas. Napakuyom ako ng dalawang kamay sa pagkabadtrip sa ginawa ng Lloyd na 'yon. "Ang aga mo ata pumunta rito, Travis." cold na sabi ni Euphy na diretsong nakatingin kay Travis. Napayakap na lang ako sa sarili ko dahil sa lamig ng presensiya niya. "Bakit mo hinagisan ng punyal si Aldrich? Gusto mo ba siyang patayin?" kinabahan ako sa naging tanong ni Travis. Napatingin ako kay Travis sa kanan ko. Gusto ko sanang hatakin na siya palabas pero parang nanigas ako. May matatalim na titig akong naramdaman. Pagtingin ko ay napatalon ang puso ko sa kaba. Hindi ko alam kung saan ko ibabaling ang dalawang mata ko habang nakatingin siya. Para akong nababakla dahil sa takot na nararamdaman ko. "Hindi at wala akong balak na patayin siya." bored na sabi ni Euphy na napahikab pa. "Wala kang balak pero hinagisan mo siya nito?" hindi makapaniwalang tanong ni Travis na napailing pa. "Hindi siya ordinaryo, Travis. Sinubukan ko lang siya." walang buhay na sagot ni Euphy na ipinatong sa table na nasa harap ang libro na binabasa. Magsasalita pa sana si Travis pero may biglang tumawag sa kanya. "Wait, tumatawag si Dad." tarantang sabi ni Travis na mabilis na lumabas ng pinto. Iniwan niya ako? Potato! bakit hindi ko magalaw ang katawan ko? Para akong na bato mula sa kinatatayuan ko. Pakiramdam ko ay nakatitig siya sa'kin kaya napatingin ako sa sapatos ko. Para akong engot na nakatayo sa harapan niya. "Pagtimpla mo ako ng kape." utos niya sa'kin kaya napatingin ako sa kanya. Hindi siya nakatingin sa'kin dahil nakatutok siya sa cellphone na hawak. "Titimplahan kita ng kape?" tanong ko para malaman kung tama ba ang pagkakarinig ko. "Yeah." walang buhay na sagot niya. Malas naman! inutusan pa ako. Inilibot ko ang aking tingin at pumunta sa kusina. Dahil sa condo style ang headquarter's ng SC may sarili pa itong kusina na talaga naman nakakamangha. High technology ang mga gamit. Pumunta ako sa coffee maker para gumawa ng kape niya. "Tss! ginawa pa akong P.A. ng gangster na 'yon." naiinis na sabi ko. Pagkatapos kong magtimpla ng kape ay pumunta na ako sa kanya. "Ito na 'yung kape mo." sabi ko. Sumenyas siya na ilapag ko sa mesa kaya naasar ako dahil hindi niya ako tiningnan. "May pag-uutos ka pa ba?" tanong ko para makaalis na ako. Dahil hindi ko gusto na nasa iisa kaming lugar. Parang kinakapos ako ng hangin kapag nasa paligid siya. Parang may kung ano sa pagkatao niya ang nakakatakot. Hindi siya sumagot sa halip ay ininom niya ang kape na tinimpla ko. Napapikit ang isa niyang mata matapos uminom. Tiningnan niya ako ng malamig gamit ang kulay asul niyang mata. "Mapait. Hindi ka naglagay ng asukal?" cold na tanong niya dahilan para mapalunok laway ako dahil sa nakakalunod niyang tingin. "Ah, sorry, kukunin ko muna 'yung lalagyan ng asukal." tarantang sabi ko na agad na pumunta sa kusina. Sandali akong natulala habang nakatingin sa harap ng cabinet. Para akong tanga na nawalan ng kaluluwa. Tsk! bakit nakakalunod siya tumingin? Ano'ng mayroon sa gangster na 'yon? Kahit titig niya lang magagawa ka na niyang patayin. Kinuha ko sa cabinet ang asukalan. Tumalikod na ako para bumalik sa gangster nang mabitawan ko ang asukalan dahil sa gulat. "B-bakit?" utal kong tanong nung makita ko siya na nasa harapan ko na. Hawak-hawak niya ang tasa at humigod pa ng kape saka tumingin sa akin. Dahan-dahan siyang lumapit kaya napaatras ako. Para akong malalagutan ng hininga dahil nasa harapan ko na siya na may nakakakilabot na tingin. Uminom ulit siya ng kape bago ipinatong sa likuran ko ang tasa. Tumingin siya sa mata ko kaya pinagpawisan ako. "Are you scared?" tanong niya dahilan para mangatog ako. Ano'ng nangyayari sa'kin? Bakit natatakot ako sa babaeng gangster na ito? Siya dapat ang matakot sa'kin dahil ako ang papatay sa kanya. Napapikit ako sa takot at kaba na nararamdaman ko. Para na akong bakla sa ginagawa ko pero kahit naman sino ganito ang gagawin lalo kung siya ang kaharap. "Huwag kang matakot. Hindi kita papatayin." bulong niya sa'kin. Tumama sa leeg ko ang mainit na hininga niya. Naramdaman ko ang kamay niya sa magkabilang balikat ko. She pulled me closer to her. Para akong sira na nagpatangay sa paghatak niya sa'kin hanggang sa may maramdaman akong kakaiba. Isang kakaibang pakiramdam na nagpahina sa'kin. "Aldrich may problema ba?" natauhan ako nang marinig ang tanong ni Travis. "Ha?" parang tanga na sabi ko. "Simula paglabas natin ng SC headquarter's ay wala ka na sa sarili mo." sabi niya na nakatingin sa'kin. "O-okay lang ako." bigla akong nautal. "May ginawa ba sa 'yo si Euphy?" nag-aalalang tanong niya. Napatingin ako sa kanya at umiling. "W-wala." nautal na naman ako. Tumunog na ang bell kaya nagmadali na akong lumabas ng room. Aldrich ano'ng nangyayari sa'yo? Pumunta ako sa parking lot ng school at nagmadaling sumakay ng sasakyan. Pagdating ko sa condo unit ay mabilis akong pumunta ng kuwarto. Itinabi ko ang bag at nahiga sa kama. Ipinikit ko ang mata ko para makatulog. "Huwag kang matakot hindi kita papatayin." bulong niya sa'kin. Tumama sa leeg ko ang mainit na hininga niya. Naramdaman ko ang kamay niya sa magkabilang balikat ko. She pulled me closer to her. Para akong sira na nagpatangay sa paghatak niya sa'kin hanggang sa may maramdaman akong kakaiba. Isang kakaibang pakiramdam na nagpahina sa'kin. Bakit niya ako hinalikan? Hindi ako nagmulat ng mata matapos niya akong halikan. Ayokong makita ang mukha niya dahil sa mararamdaman ko na naman ang pakiramdam na 'yon. "Hindi ko na kailangan ng asukal. Okay na ako sa tamis ng labi mo." sabi niya na nagpabilis ng pintig ng puso ko. Potato! 'yung puso ko. Sira ka talaga Stadtfeld. Akala ko wala na siya kaya ididilat ko na ang mata ko. Pero laking gulat ko nang halikan niya ako ulit. Para akong nanigas sa ginawa niya pero nagulat ako dahil bigla kong ipinulupot sa waist niya ang kamay ko. I savour the moment. I kiss her back even though I don't know how to kiss. Sound's like a gay if I say, she's my first kiss. "Syeteng tupa 'yan!" napabangon ako at napasabunot ng buhok. Naalala ko 'yung nangyari kanina. Hindi ko namalayan na napahawak ako sa labi ko. "Masama na ito. Kailangan mapatay ko na siya bago ako mawala sa sarili ko dahil sa ginagawa niya." sabi ko na sobrang frustrated. Biglang tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko ito sa bulsa ko. Napangiwi ako nang makita na si Dad ang tumatawag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD