◑ Aldrich point of view ◐
Sumunod na lang ako sa kanila dahil sa na curious ako kung ano at sino ang nakapasok. Nakarating kami ng quadrangle na may mga katawan na nagkalat. May mga tama ito ng baril.
"Sa wakas lumabas ka na rin Euphy, kailangan pa lang may mapatay ako bago ka humarap sa'kin." naka smirk na sabi ng babaeng may hawak na M16. May mga kasama itong mga lalaki na maraming tattoo at nakuha pang magyosi. May mga baril itong hawak.
"Ilan ang patay at sugatan?" tanong ni Euphy sa kadadating lang na si Travis.
Nagpapatawa ba siya? Kararating lang ni Travis.
Nasa kaliwang gilid ako ni Euphy na malayo ng kaunti sa kanya. Tiningnan ko ang mga bangkay na lasog-lasog ang katawan sa dami ng balang tumama.
Brutal sila! pumatay sila ng students sa school na ito. Ano bang klaseng lugar ito? Tsk!
"20 ang patay at 5 ang sugatan. 50 ang trespassing." sagot ni Travis kay Euphy.
50 sila? Kunsabagay marami nga.
Parang may hiningi si Euphy kay Travis na ayaw pa nitong ibigay. Nagulat ako nung itutok ni Euphy ang hawak na baril sa mga taong pumasok ng school.
"Nagpapatawa ka ba riyan sa baril mo?" natatawang sabi ng babae kay Euphy.
"20 and 5." sabi ni Euphy na tumango-tango pa.
"Takpan n'yo ang tainga n'yo!" sigaw ni Travis.
Pagkatapos sabihin 'yon ni Travis sunod-sunod na putok ng baril ang narinig ko. Nakatingin lang ako kay Euphy na parang nanggigigil habang patuloy na kinakalabit ang gatilyo. Kapag nawawalan na ng bala ay agad niyang pinapalitan ng magazine. Sa pamamagitan ng paghablot nito sa kamay ni Travis. Kung saan may hawak ito na mga magazine na pamalit. Tumalikod na si Euphy at naglakad pabalik kung saan kami galing na parang walang nangyari.
Ano'ng ginawa niya at bakit 'yung putok ng baril lang niya ang narinig ko?
"Tss! hindi na naman nagbilang si Euphy." iling-iling na sabi ni Travis.
Nakarinig ako ng tili at muling ibinalik ang tingin ko sa mga taong nag-trespassing. Laking gulat ko nung makita silang lahat na nakahiga na at naliligo sa dugo.
"Tss! ang dami nang nakakita sa ginawa ni Euphy." narinig ko ang sinabi na iyon ni Travis.
"Paanong nangyari iyon?" tanong ko kay Travis matapos kong lumapit sa kanya.
Sa dami ng mga 'yon hindi man lang nakaganti ng putok kay Euphy? Baka nanigas sa pagtitig niya?
"Magaling umasinta si Euphy ng target. Tingnan mo puro sa ulo ang tama. Si Barbara lang ang tinadtad ng sobra sa buong katawan. Nagalit siya dahil nandamay ng inosente ang Shadow Gang na pinamumunuan ni Barbara." sagot niya sa'kin.
Aaminin ko na napahanga niya ako sa galing niyang bumaril. Nagalit siya dahil may inosenteng nadamay? Nagpapatawa ba siya?
"May gangster bang may puso?" natatawang sabi ko.
Nakita ko ang pagseryoso ng mukha niya at tiningnan ako ng masama.
"How did you know?" bigla niyang hinawakan ang kuwelyo ko at hinila palapit sa kanya.
"Chill. Magaling kasi siyang bumaril kaya nasabi ko 'yon. Saka may nabanggit kang Shadow Gang. Hindi pupunta ang isang gang kung walang gang fights o reresbakan." pagkasabi ko nun ay binitawan niya na ang pagkakahawak sa kuwelyo ko.
"Sorry. Hindi siya basta-bastang gangster na pumapatay ng walang dahilan. Ang dami mong alam tungkol sa gang." sabi niya.
May mga dumating na mga tao na agad na binuhat ang mga bangkay at nilinis ang quadrangle.
Naglakad-lakad kami ni Travis papunta sa next class namin. Kahit na magkasama kami ay ang gangster ang naiisip ko. Napahanga niya ako kaya mas triple ang challenge para mapatay siya.
"Marami ng gangs at mafias ang pumasok dito sa school para patayin si Euphy. Dahil si Euphy ang may kasalanan kung bakit maraming mafias at gangs na bumagsak. Gusto na kasi ni Euphy na wakasan at burahin sa mundo ang mga 'yon. Marami na kasing namamatay at naliligaw ng daan." paliwanag ni Travis.
Hindi ako nagsalita. Nakatingin lang ako sa kanya. Dahil parang tinamaan ako sa sinabi niya. Naisip ko na baka kasama ang gang ko at mafia ni Dad sa mga buburahin ni Euphy.
"May mga nakita si Euphy na mga inosente na muntik na patayin ng mga gangs pati ng mafias. Kaya kumilos siya at isa-isang binali ang mga pondasyon nito." pagpapatuloy niya
Napaisip tuloy ako kung ano ang dahilan ni Dad kung bakit gusto niyang patayin ko ang gangster. Dahil ang sabi lang sa'kin ay sagabal siya sa Mafia.
"Una ka na Travis sunod na lang ako." paalam ko dahil naiwan sa waiting area ang bag ko.
Naglakad ako pabalik ng waiting area na diretso lang ang tingin sa daan. Nakarating ako ng waiting area at tinanaw ang tambayan ng gangster pero mukhang wala siya roon. Sinukbit ko na ang bag ko at pagtalikod ko ay nagulat ako.
"Mukhang hindi ka ordinaryong tao tulad ng naiisip ko." seryosong sabi ni Euphy na ilang hakbang ang layo sa'kin.
"Hindi ko alam ang sinasabi mo." pagtanggi ko na nahihirapan salubungin ang tingin niya.
"Nakatingin ka lang sa'kin habang bumabaril ako. Parang sanay ka na makakita ng tao na bumabaril." diretsong sabi niya.
Gusto kong mapanganga dahil sa pagtatagalog niya na kakaiba sa pandinig ko. Lalo na't ang alam ko ay tipid itong magsalita at hindi mahilig makipag-usap. At isa pa, kapag galit ay tagalog na ito magsalita.
"Kanina pagpasok ko ay may nagbabarilan at ang daming patay sa daan kaya 'yung gulat ko ay nawala na." pagdadahilan ko para makalusot.
Tiningnan niya ako ng mariin na para bang ano man oras ay papatayin niya na ako. Tumalikod siya at nagsimula nang maglakad.
"Ano'ng sinasabi mo na Kiss Slave mo ako?" mapangahas na tanong ko. Kahit ano'ng gawin niya ay nakahanda ako para lumaban.
"Isang kalokohan lang iyon. Naniwala ka naman?" literal na nalaglag ang panga ko sa sinagot niya.
Ano'ng kalokohan ito?
"Hahaha!" sarkastiko akong natawa at hindi makapaniwala sa narinig ko.
Nagulat ako dahil may lumipad na tatlong punyal sa akin na mabilis kong inilagan.
"Potek naman! Makakapatay ka niyan!" sigaw ko. Tiningnan ko siya na nakaharap na sa'kin.
Parang may gusto siyang sabihin pero tumalikod na siya at naglakad palayo. Nagtaka ako kung saan nanggaling ang mga punyal na binato niya sa'kin.