• CHAPTER 07 •

1081 Words
◑ Aldrich point of view ◐ Naglalakad ako papunta sa room ni Mommy habang nag-iisip ako. Tatlong linggo na rin ang nakakalipas simula nang sabihin ni Euphy sa'kin na ako ang Kiss Slave niya. Pero simula nang araw na 'yon ay hindi na niya ako hinalikan. "Tss! bakit ba ang hirap niyang patayin?" tanong ko na parang gusto ko pang manuntok ngayon. Nakarating na ako sa room ni Mommy matapos kong lumiko. Huminga muna ako nang malalim bago pumasok. Para matanggal ko ang bad vibes sa katawan ko. Nang masiguro kong okay na ako ay pinihit ko na ang doorknob. "Kamusta na si Mommy?" tanong ko agad sa nurse na naabutan ko sa loob. "Ah, kayo po pala Sir. Okay naman po siya pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagigising." sagot ng nurse sa'kin na tila ba kinakabahan. Napapansin ko na kapag may kinakausap akong babae lagi na lang silang kinakabahan. Ganoon ba kalakas ang dating ko? Madalas na sabihin ng mga kaibigan ko na nate-tense ang mga babae tuwing kaharap ako. Pero sa gangster na si Euphy ay wala man lang akong epekto sa kanya dahil malamig pa sa pasko ang dating niya. Tss! ang mga babae nate-tense kapag nakakakita ng guwapo. Tch! "Makakaalis ka na, ako na ang bahala kay Mommy." sabi ko dahil napapansin ko na namumula na ang mukha niya. "Okay po," mabilis na sagot niya kaya naglakad na ako palapit sa kama ni Mommy. "Ah, Sir kanina po pala dumaan dito 'yung taong nagligtas at nagdala sa Mommy n'yo." pahabol na sabi ng nurse bago lumabas ng pinto. Umupo na ako sa upuan at hinawakan ang kamay ni Mommy na may nakakabit na aparato. "Hindi ko pa nakikita ang taong nagligtas sa 'yo Mommy para makapagpasalamat sa kanya. Simula nang ma-comatose ka ay lagi kang binibisita ng nagligtas sa 'yo. Kakilala mo ba sila Mommy? Bakit ganoon siya kung mag-alala sa 'yo?" tanong ko habang pinagmamasdan ko siya. Hawak-hawak ko pa rin ang kamay niya. Sabi ng mga nurse at doctor sa akin ay dalawang tao raw ang nagdala kay Mommy dito sa hospital. Pero hindi nagbigay ng pangalan o pagkakakilanlan man lang. Kahit laging bumibisita ang nagligtas kay Mommy ay 'di pa rin ito nagbibigay ng pangalan. Kaya hanggang ngayon ay unknown pa rin sila sa akin. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi pa rin nagigising si Mommy. Magagaling na doctor ang kinuha ko para gamutin siya. Pero ang madalas sabihin sa akin, nakakasalalay kay Mommy kung magigising pa siya. Hindi ko sila maintindihan. Wala bang gamot para sa mga na-comatose? Para naman magising na siya? Malapit na akong magtapos ng college pero hindi pa rin siya nagigising. "Mommy gusto kong malaman kung sino ang humahabol sa 'yo kaya nagmaneho ka ng napakatulin. May ilang putok ng baril at maraming basyo ng bala sa loob ng kotse mo. Sino ba ang gustong pumatay sa 'yo Mommy? Dahil ako mismo ang papatay sa kanya." gusto kong magising na siya para malaman ko kung ano ang tunay na nangyari. Dahil ang mga pulis ay hindi alam ang nangyari. Mabilis na sinarado ang kaso dahil walang nakuhang ibedensiya at saksi. Nawala nang parang bula ang ibedensiya sa 'di malamang dahilan. Ilang oras din ako na nagtagal sa kuwarto ni Mommy bago umuwi. Nahuli ako ng pasok dahil sa may nangyaring bakbakan sa daan. Ang daming patay sa daan kaya naman nagkaroon ng traffic. Pagpasok ko ng gate ay may humarang sa'kin. "Dahil late ka linisin mo ang buong waiting area." sabi ng isa sa SC. Malas! nakaraan naman walang ganito, ah. "Tss!" wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya. Nagsalubong ang kilay ko matapos makita kung gaano kalaki ang waiting area. "Linisin mo 'yan. May mga CCTV dito kaya hindi mo ako maiisahan." sabi niya na tinalikuran ako. Pasalamat ka babae ka. Kung hindi, na suntok na kita. Wala na akong nagawa kundi ang linisin ang buong waiting area. Inilapag ko ang bag ko sa isa sa mga bench. Hindi ko dinala ang baril dahil nakalimutan ko itong ipasok sa bag. Sa sobrang laki nito aabutin na yata ako ng gabi. "Ano'ng klaseng parusa 'to!" may sinipa akong thin can na pumunta sa isang bench na malayo sa waiting area. Malakas ang pagkakasipa ko kaya malayo ang narating ng thin can. May nakita akong gumalaw kung saan tumama ang sinipa kong thin can. Agad akong tumakbo papunta roon pero napaatras ako. Nakilala ko agad kung sino siya. "Sorry, kung natamaan ka. Naglilinis kasi ako." mabilis na sabi ko habang sinasalubong ang masamang tingin niya. Bihira ko na siya makita ngayon kaya puro palpak ang mga plano kong pagpatay sa kanya. "Next time mag-iingat ka! Naiistorbo mo ang tulog ko!" galit na galit na sabi niya. Nanlilisik ang mata nitong nakatingin sa akin. Nagtagalog siya, which mean galit na siya? Pero kulay blue naman ang mata niya. Napalunok laway ako nang makita kung paano niya niyupi ang thin can gamit ang isang kamay. Binato niya ito sa malayo. Umayos na siya ng upo at pumikit ulit. Napatingin ako sa mukha niya at bahagyang na inis. Dahil parang wala lang ako sa kanya. Para bang isa akong bagay na matapos gamitin ay iiwanan na lang sa kung saan. "Stop staring." cold na sabi niya. Kahit na medyo mataas na ang araw dahil nine o'clock na ay ang cold pa rin niya. Wala akong masabi sa sobrang cold ng gangster na ito. "Sorry." labas sa ilong na sabi ko. Nakakainis talaga ang gangster na ito. Matapos akong halikan parang wala lang ako sa kanya? Tss! kung ako kaya ang humalik sa kanya para makaganti ako? Tsk! "Master!" isang sigaw ang narinig ko kaya napatingin ako sa taong padating. Tumingin ito sa akin na naiinis. "Sheez!" nagmulat ng mata si Euphy at matalim na tiningnan ang lalaking dumating. "Master emergency may nakapasok sa school." mabilis na sabi ng lalaki. Tumayo na sa bench si Euphy at nauna nang maglakad. Hindi ito nagsalita pero ramdam ko na nag-iba ang dating niya. Parang lahat ng haharang sa daan niya ay mawawalan na ng buhay. "Hindi porket nakakalapit ka na kay Master ay may karapatan kang pumunta rito sa tambayan niya." makahulugan at may pagdidiin na sabi niya bago humabol kay Euphy. "Master? So, gang leader ang gangster na iyon? Oo nga pala, si Stadtfeld ang pinakamalakas at makapangyarihan na gangster ngayon. Bakit ko ba nakalimutan 'yon?" inis na tanong ko sa sarili. Tambayan niya pala ito, nice place may puno.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD