• CHAPTER 06 •

1334 Words
◑ Aldrich point of view ◐ Napatingin ako sa taong nakasumbrero at nakasuot ng black leather jacket. Pero nakapalda ito ng school uniform ng school. Nakakatakot ang presensiya nito at ramdam ko ang lamig sa katauhan nito. Sinundan ko lang ito ng tingin habang lumalapit kay Travis. Nanlaki ang mata ko dahil bumuwelo ang lalaki para mas malakas na mahampas ang baseball bat kay Travis. Tatakbo na sana ako para tumulong pero agad akong napahinto. Kitang-kita ng dalawang mata ko na isang kamay lang ang ginamit ng taong nakasumbrero para pigilan ang baseball bat. Dahil sa impact ay nabitawan ito ng lalaki dahil parang lumipad ito sa kung saan. "Huwag kang mangailam dito!" maangas na sabi ng lalaking may hawak ng baseball bat kanina. Isang suntok mula sa ilalim papunta sa sikmura ang natanggap ng lalaki. Sumuka ito ng dugo at namilit sa sakit. Mukhang napuruhan 'yung lalaki sa isang suntok lang. Bumitaw ang dalawa kay Travis at sumugod sa nakasumbrero. Mabilis na nakaiwas ito at binigyan ng right hook ang dalawa na napanganga pa. Magkasabay na bumagsak ang dalawa na nawalan ng malay. "At ikaw Travis gusto mo bang mamatay na?" sabi ng nakasumbrebro na may nakakatakot na presensiya. "Chill lang Euphy." sagot ni Travis na nakuha pang ngumiti kahit may dugo na sa bibig. "Si Euphy 'yon?" hindi makapaniwalang sabi ko sa mahinang boses. Nakita ko ang paghawak nito sa kuwelyo ni Travis upang itayo ito mula sa pagkakaluhod. Biglang lumakas ang hangin kaya natanggal ang suot na sumbrero nito. Sumabay sa ihip ng hangin ang maganda, mahaba at makintab nitong buhok na unat na unat. Napanganga ako nang makita at makilala ko siya. "Chill ba gusto mo? Heto ang para sa 'yo." sabi ni Euphy na agad na sinuntok si Travis sa kanang panga. Hindi natumba si Travis dahil nakahawak pa rin si Euphy sa kuwelyo niya. "Aray ang sakit nun, ah!" inda ni Travis na napasapo sa kanang panga. Napaatras ako sa nakita ko. Malakas si Euphy at nagawa nitong kontrolin ang kamao niya. Kitang-kita ko ang porma niya kanina. Sino man ang makakatanggap ng suntok na 'yon mawawala sa porma ang panga. Pero nagawang kontrolin ni Euphy ang lakas ng suntok niya. "Pasalamat ka at mahina lang 'yan. Kapag nakita pa kitang hinahayaan mo ang sarili mo na mabugbog. Tutuluyan na kita!" banta nito kay Travis. "Mahina pa pala ito pero pumutok na ang labi ko. Oo na! takot ko lang sa 'yo." tugon ni Travis habang pinupunasan ng panyo ang kanyang bibig. Mabilis akong nagtago sa may sulok sa takot na mapansin ng dalawa. "Tss!" Kahit hindi ko na tingnan alam kong si Euphy 'yon. "Sali natin sa gang si Aldrich mukhang may ibubuga siya." narinig ko ang sinabi ni Travis kay Euphy. Ako sasali sa gang nila? Nagpapatawa ba siya? "No! and never!" mariing sagot ni Euphy. "Bakit mo kinakaibigan ang taong hindi mo kilala?" tanong ni Euphy. Sumisilip lang ako sa kanila para malaman ang pinag-uusapan nila dahil ako ang topic nila. "May kamukha kasi siya." sagot ni Travis. Isang mabilis na suntok ang pinakawalan ni Euphy na agad naiwasan ni Travis. "Hindi ka pa kinakalawang." ngising sabi ni Euphy na kinuha ang sumbrero sa lapag at muling isinuot matapos mabuhol ang buhok. Hindi pinansin ni Euphy si Travis dahil may tinawagan ito. "Go here and clean this mess." nababagot na sabi ni Euphy sa kausap sa cellphone bago ibinaba ang tawag. Naglakad na ito paalis. Napapailing na lang si Travis na sumunod kay Euphy. Tulala at shock pa rin ako sa nasaksihan ko. Doon ko na realize kung gaano siya kahirap patayin. Mapapalaban ako ng p*****n sa kanya. Napahawak ako sa dibdib ko dahil kinabahan ako. For the first time ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Tumingin ako ulit kung nandoon pa rin sila pero wala na. Sa sobrang curious ko kung ano na ang nangyari sa tatlong lalaki ay lumapit ako. May nakita akong tattoo sa kanilang leeg pero hindi ito masyadong halata dahil malapit ito sa baba o chin. Wala akong masabi matapos pulsuhan sila sa kanilang leeg ng maramdaman ko na may paparating. Mabilis akong umalis sa lugar na 'yon. Tumakbo ako papunta sa next class ko na medyo lutang. Umupo na ako sa pinakadulo at tulalang nakaupo sa upuan. Napailing ako dahil nagpa-flashback ang mga nangyari sa utak ko. Paano nangyari na patay na 'yung tatlong lalaki? Samantalang isang suntok lang ang ibinigay ni Euphy? Pinagpawisan ako sa kabang naramdaman ko. Ngayon lang ako naka-encounter ng gangster na hindi gumamit ng armas para pumapatay. Ang mas matindi pa rito babae ang gangster. Nang mag-break time na ay bumalik ako sa lugar na 'yon at laking gulat ko na malinis na ang lugar. Wala na ang tatlong lalaki na wala ng buhay. Pumunta na ako sa cafeteria para kumain. Nasa kalagitnaan na ako ng malaki at malawak na cafeteria. Nagulat ako nang bigla akong pagbabatuhin ng mga pagkain, kutsara at tinidor na yari sa plastic. Suwerte na lang ako dahil plastic ang mga baso at hindi babasagin. Nanatili akong diretso ang tingin at hindi nagpatinag sa ginagawa nila. Na corner ako. Tsk! iha-hack ko ang cctv ng cafeteria para pagbayaran n'yo itong ginawa n'yo sa'kin. Tatandaan ko ang mga mukha n'yo! Biglang tumigil ang pagbabato ng kung ano-ano at kasabay nun ay ang paglamig ng paligid. Napalingon ako sa likuran ko at nakita ko si Euphy na nakatingin sa direksyon ko. Bakit nandito siya? Napayuko ako nung maalala na bawal siyang tingnan. Nagitla ako ng may humawak sa baba ko. "I saw you there watching us! Don't you dare to deny it. Because I saw you." malamig na sabi ni Euphy. Para akong nanigas sa nagyeyelong titig niya. Para akong na malat na ewan. "Hin----" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang angkinin niya ang labi ko. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya pero ang kinagulat ko ay napapikit ako. Parang may sumapi sa akin dahil kusang gumalaw ang labi ko upang angkinin din ang labi ng kaharap ko. Pero kahit na ang lapit niya ngayon ay parang ang layo niya sa sobrang cold niya. Nakarinig ako ng gaps at samo't saring reaksyon sa paligid pero hindi ko ito inintindi. Kahit na siya ang first kiss ko at hindi ko alam kung paano humalik. Mas pinagbuti ko ang paggalaw ng labi ko at mas pinapalalim ko pa ang paghalik. Nakakalasing ang bawat pagtugon niya. Bumibilis ang t***k ng puso ko. Parang nalalasing ako. Naputol lang ang paghahalikan namin nung kagatin niya ang ibabang labi ko. "Na-enjoy mo na ng sobra ang labi ko," malamig na sabi niya. Lumayo siya sa'kin bago nagsalita. "No one dares to bully this guy or treat him like a trash." malakas at may awtoridad na sabi niya. Tumingin sa'kin si Euphy na naniningkit ang mga mata. Kahit na mas matangkad ako sa kanya ay nanliliit ako sa malamig na pagtitig niya. Lumapit siya at kinabig ako upang maging ka-level ko siya. "Kayang-kaya kitang patayin dito dahil nakita mo ang ginawa kong pagpatay sa tatlong lalaki." may pagbabanta na sabi niya. Napasinghap ako nang halikan niya ako ulit kahit na alam kong dumudugo ang ibabang labi ko dahil sa pagkagat niya kanina. "Magpasalamat ka dahil hindi kita papatayin. You'll be my Kiss Slave. I'll kissed you as long as I want you." sabi niya pagkatapos niya akong halikan. Halos mapamura ako sa isip habang hatak-hatak niya ako. Nakahawak siya sa kanang kamay ko. Nahahawi ang daan ng dahil sa kanya. Halos lahat ng nasa cafeteria ay naglaway at nakanganga. Napatingin ako sa likuran ko kung saan nakasunod ang mga alalay ni Euphy. Napailing ako nang makita na ganoon din ang mga reaksyon nito. Napahawak ako sa labi ko na parang tanga. Hinalikan ulit ako ng gangster na ito for the second and third time. Kiss Slave mayroon ba nun? Niloloko yata ako ng Stadtfeld na ito! Naramdaman ko na lang ang panlalambot ko at mabilis na pagtibok ng puso ko na mukhang hindi na normal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD