• CHAPTER 05 •

1013 Words
◑ Aldrich point of view ◐ Napapailing na lang ako habang nakaupo sa sofa. "Dude ayaw mo talaga kahit isang shot lang?" tanong sa'kin ni Charlie. "Hindi umiinom si Master." sabi naman ni Kurt. "Ako na ang iinom nito." agaw ni Benedict sa basong pinaglalagyan ng alak. "Huwag nga kayo magulo mukhang malalim ang iniisip ni Master." saway ni Limuel. Dalawang linggo na rin ang nakakalipas. Bigo pa rin ako na mapatay si Euphy. Laging pumapalpak ang mga plano ko. Kung kailan nakahanda na ang lahat saka naman siya hindi papasok. Tapos kung kailan siya pumasok doon naman ang dami niyang kasama. Mas triple pa ang mga sumusunod sa kanya simula nung makita ko siya noong una akong pumasok sa Stadtfeld Academy. Napasabunot na lang ako sa buhok ko sa sobrang frustration sa nangyayari. Gustong-gusto ko ng makabalik sa totoong school ko. Ayaw ko naman na sa school na 'yon ako magtatapos ng BSBA ko. "May problema ba Master?" nag-aalalang tanong sa'kin ng apat. "'Hindi ko mapatay-patay 'yung gangster." sabi ko na sobrang naiinis. "Magaling bang makipaglaban?" tanong ni Limuel. "Chicks siguro?" dagdag na sabi ni Charlie. "Mukha ka talagang chicks Charlie bakit hindi ka na lang maging chicks?" natatawang komento ni Benedict. "Shut up!" sigaw ko sa kanila dahil alam ko kung saan na papunta ang usapan. Tss! kung hindi ko sila sinaway siguradong magbubugbugan na naman sila. "Babae ang gangster na papatayin ko," sabi ko na nakatingin sa apat na nasa wisyo pa naman kahit marami na ang nainom. "Hindi lang 'yon, soon to be Queen of Britannian Empire." frustrated na sabi ko. "Soon to be Queen?" gulat na tanong ni Charlie. "Britannian Empire? Diba 'yon ang pinakamakapangyarihang bansa ngayon?" saad ni Kurt. Hindi ko inasahan na may alam si Kurt tungkol sa Britannian Empire. "Ano'ng alam mo sa Britannian Empire, Kurt?" tanong ko na nakatingin sa kanya. Hindi ko na pinansin ang tatlo. "Makapangyarihan ang bansang iyon. Pero never pang pinakita sa media ang dalawang anak ng Hari at Reyna. Dahil simula nang may magtangka na pabagsakin ang bansang iyon. Tinakas ang dalawang anak ng Hari at Reyna. At hanggang ngayon ay hindi pa pinapakita sa media. Dahil na rin sa pag-iingat na may magtangka ulit sa buhay ng tagapagmana sa trono." paliwanag ni Kurt. "Wow, Kurt paano mo nalaman 'yon?" amaze na tanong ni Limuel. "Nabasa ko sa internet." sagot ni Kurt na nagkamot pa ng kanyang batok. Paanong si Euphy ang soon to be Queen? Dapat ang panganay na lalaki ang uupo sa trono bakit siya pa? Hindi ba si Emerson? "Gusto mo tulungan ka namin?" saad ni Benedict. "Mukhang chicks 'yan. Balato n'yo na sa akin." pilyong sabi ni Charlie. "Ano na ang plano mo Master?" tanong ni Limuel. Okay lang na pag-usapan namin ang tungkol doon dahil kaming lima lang ang nandito sa tambayan namin. Sound proof ang unit na ito kaya naman hindi maririnig ng mga nasa kabilang unit pati sa may pinto. Ang unit ay nakapangalan kay Benedict pero ito ang tambayan ng gang namin. "Hindi mo siya mapapatay Master," saad ni Kurt na kumuha ng atensiyon ko ulit. "What do you mean?" tanong ko sa kanya. "Sa pagkakabasa ko. May magagaling na royal knight ang dalawang tagapagmana. Hindi mo siya mapapatay dahil nakabantay ang mga ito." sagot niya. Napangiti ako sa narinig ko kaya nakaisip na ako ng plano. "Mukhang may naiisip na siya." puna ni Limuel. "Kinikilabutan ako kapag ngumingiti siya ng ganyan." komento ni Charlie. Tumayo na ako at iniwan sila sa sala. Tinawag nila ako pero kailangan ko ng bumalik sa bago kong unit para makagawa ng plano. Bigla akong nakaramdam ng excitement dahil ito ang gusto kong mangyari. "Mukhang mali ang akala ko na madali ka lang tapusin. Ngayon na alam kong mahirap kang patayin. Let's the challenge begin. At ang finish line ay sa katawan mo na wala ng buhay." napangisi ako habang pabulong na sinasabi ang mga katagang iyon. Pumasok na ako ng elevator pababa ng basement kung saan nakapark ang sasakyan ko. Sumakay na ako sa loob ng sasakyan at nagmaneho na. Pagdating ko sa condo ko ay may na received akong sulat. Pagbukas ko ng sulat ay napailing ako. "Yari! pinapamadali na ako ni Dad." sabi ko na umupo sa couch at pinatong ang paa ko sa taas ng mini table. Kinuha ko ang laptop ko sa kanan ko kung saan ko ito itinabi kanina. In-open ko ang laptop at nagsimulang mag-search ng tungkol sa Britannian Empire. Nang makaramdam ako ng antok ay sa sofa na ako nakatulog. Naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone kaya naalimpungatan ako. Inaantok na kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng pants ko. Dinilat ko ang kanang mata ko nang makita ko sa screen ang oras ay agad akong napatayo at nagmadaling pumunta sa kusina. Hindi ko na nasagot kung sino man ang tumawag sa'kin. "Late na ako." napatayo ako dahil alas-syete na. Time na ng first class ko pero nandito pa rin ako sa condo ko. Nagsimula na akong magtimpla ng kape para magising ang diwa ko. Apat na higop lang ang ginawa ko at tumakbo na papuntang shower. Triple ang ginawa kong pagkilos para makahabol sa class ko. Nakarating ako ng alas-otso ng umaga sa harap ng school. Habang naglalakad ako sa quadrangle ay wala ang mga taong nangbu-bully sa'kin. Tuwing pumapasok ako ay laging may inihahanda ang mga ito para pahirapan ako. Pero hindi sila nagtatagumpay dahil matalas ang mata ko. "Travis ano ba! Bakit lalampa-lampa ka diyan?" isang sigaw ang narinig ko. Napatingin ako sa kanan ko at sandaling huminto. Tiningnan ko ang wrist watch ko. May 30 minutes pa ako bago mag-start ang next class ko. Hinanap ko ang lugar na tingin ko ay pinanggalingan ng boses na narinig ko. "Lumaban ka kung ayaw mong ako ang pumatay sa 'yo!" mabagsik na sabi ng isang tinig. Timing nang marinig ko iyon ay nakita ko sila. Nakita ko si Travis na binubugbog ng tatlong lalaki. Dalawa ang nakahawak sa kanya magkabilaan tapos 'yung isa ay may hawak na baseball bat na pinapanghampas sa kanya. "Sheez!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD