◑ Aldrich point of view ◐
Habang naglalakad ako papunta sa next class ko ay ngiting-ngiti ako. Pagkauwi ko sa condo ko kahapon ay nagplano na ako kung paano ko papatayin ang gangster.
"Parang may nangyaring maganda sa 'yo?" may biglang nagsalita mula sa kaliwa ko kaya tiningnan ko siya.
"Hindi naman." pagtanggi ko. Tiningnan ko na lang ang dinadaanan ko.
Normal lang ang kinilos ko para hindi mapaghalataan na hindi ako ordinaryong tao. Dahil isa akong gangster, hindi lang basta gangster dahil assassin akong maituturing. Isang malaking achievement na mapatay si Stadtfeld dahil siya ang pinakamalakas at makapangyarihan na gangster ngayon.
"P.E. natin ngayon." sabi niya kaya tumango na lang ako para hindi maging bastos sa kanya.
Nang makarating na kami ng locker ay binuksan ko na 'yong locker ko. Kinuha ko doon ang P.E. uniform ko. Medyo napangiti ako dahil wala ng mga basura na pinaglalagay doon tulad kahapon. May mga nagdikit pa ng mga bubble gum sa locker ko kahapon.
"Pinalinis ko kahapon 'yang locker mo after class. Tss! ang dami pa rin sira sa school na ito." sabi niya matapos kong isarado ang locker ko.
Marami nga kaya gusto kong itumba pero isang tao lang ang pakay ko rito.
"Salamat." tipid na sagot ko.
"May problema ka ba Aldrich? Bored mo sumagot." kumunot ang noo niya matapos sabihin iyon.
"Nag-iingat lang baka hindi lang itlog at kung ano-ano ang ihahagis o ibabato sa akin." sabi ko na nilagpasan na siya at pumasok sa locker room para magbihis.
Pagkatapos kong magpalit ng damit ay nilagay ko sa locker ko ang hinubad kong uniform. Hindi ko na siya hinintay na matapos magbihis dahil lumabas na ako. Habang naglalakad ako sa may quadrangle papunta sa field maraming mata ang nakatingin sa akin.
Hindi nakakamatay ang tingin kaya mapapagod lang kayo.
"Aldrich!" tawag sa akin ng nasa likuran ko.
Kahit hindi ko na lingunin kung sino ang tumawag sa akin. Alam kong siya lang iyon. Binagalan ko na lang ang paglalakad para maabutan niya ako.
"Bakit Travis?" tanong ko. Nasa kanan ko na siya.
"Iniiwasan mo ba ako?" tanong niya pero hindi ko siya tiningnan.
"Transferee lang ako rito at Vice President ka ng SC. Baka isipin nilang dumidikit ako sa 'yo." diretsong sabi ko at hindi man lang nagpreno.
"Hindi nila iisipin 'yan dahil ang atensiyon nila ay na kay Euphy lang." natatawang sabi niya dahilan para mapatingin ako sa kanya.
"Euphy?" ulit ko sa huling salita na sinabi niya.
Alam ko na ang gangster ang tinutukoy niya. Nagpanggap lang ako na 'di ko alam kung sino 'yung Euphy na sinasabi niya.
Magsasalita na sana siya nung biglang humangin ng malakas at may narinig kaming tunog mula sa itaas. Pagtingin ko ay nakita ko ang mga papel na bumabagsak.
"Mukhang nasagad ang pasensiya ni Euphy kahapon." natatawa pang sabi ni Travis na may hawak na papel na galing sa itaas.
May helicopter na nasa itaas namin na siyang nagpapaulan ng mga papel ngayon. Kumuha ako ng isa sa mga papel na bumabagsak.
"Don't you dare to call me again Queen or else you'll receive my punishment. Just call me Euphy or President. Note. Ang hindi sumunod sa sinasabi ko mararanasan ang gagawin kong parusa sa limang lalaki sa field." binasa ko ang nakasulat sa papel.
"Nagtagalog siya, nabasa mo ba?" tanong ni Travis sa akin na mukhang natuwa pa yata sa nangyayari.
Tiningnan ko lang siya at sinuri ko ang mukha at tindig niya.
Parang wala lang sa kanya ang nangyari kahapon. May band-aid din siya sa mukha gaya ko pero mas marami ang sa akin.
"Ah, oo," sagot ko na tumingin muli sa papel. "Parang hindi ka nabugbog kahapon." komento ko.
"Kapag nagtagalog na siya matakot ka na dahil seryoso na siya," seryosong sabi niya. "Wala lang 'yon. Mahina lang sila." sabi niya na nakuha pang mag-smirk nung tingnan ko siya.
Tingin ko gangster itong si Travis. Hindi man lang na trauma sa ginawa sa kanya na normal lang sa mga taong ordinaryo. Mukhang disguise lang ang pagiging nerd niya.
"Sino ba si Euphy? Bakit ayaw niyang tawagin siyang Que--" tanong ko na hindi pinapahalata na curious ako sa pagkatao ng gangster. Pero bago ko pa matapos ang susunod kong tanong pinutol niya ang sasabihin ko.
Tumingin- tingin siya sa paligid bago tiningnan ako. "Huwag mo siyang tatawagin ng gano'n baka may makarinig at maparusahan ka," halos pabulong na sabi niya. "Tara sa field doon ko sasagutin ang tanong mo." sabi niya na nauna na.
Ibinulsa ko na lang 'yung papel na hawak ko saka sumunod kay Travis. Maraming nagkalat na papel sa paligid. Marami rin kami nakasabay papunta sa field.
Saan ang punta ng lalaking ito?
Sumunod pa rin ako kay Travis kahit parang iba na ang dinadaanan namin. Dahil dire-diretso ang paglalakad namin samantalang ang mga kasabayan namin ay kumanan na.
"Ang SC President ay si Euphemia Stadtfeld or Euphy, mas gusto niyang tawagin siyang Euphy," sabi ni Travis habang patuloy kami sa paglalakad. Nagpalinga-linga ako at wala akong nakitang tao sa paligid.
"Ganoon ba," sabi ko para may masabi lang.
Euphemia Stadtfeld hindi ka na sisikatan ng araw bukas.
"She's the next Queen of Britannian Empire. Isa siyang maharlika o prinsesa sa kanyang bansa. British siya pero may part japanese. Ayaw niyang maging Queen kaya naman ayaw niyang marinig na tinatawag siyang Queen." paliwanag ni Travis na ikinakunot ng noo ko.
Isa siyang Royal Blood pero gangster? Sound's interesting. Kaya pala kulay blue ang mata niya dahil sa foreigner talaga siya.
"Pero bakit siya tinawag na ganoon dito?" tanong ko dahil nilalamon na ako ng pagka-curious ko sa pagkatao ng gangster.
"Dahil sa kapatid niyang si Emerson na tumawag kay Euphy na Queenie simula nang mag-aral siya rito. Tapos narinig ng iba at simula nun tinawag na siyang Queen." sagot sa akin ni Travis.
Mmm.. may kapatid pala siya.
Hindi na ako nagsalita dahil sa ayokong mahalata niya na interesado ako.
"Nandito na tayo." sabi niya.
Nagulat ako sa nakita ko dahil agad kong nakita ang gangster na nakaupo at abalang nagbabasa ng makapal na libro. Marami siyang kasama pero sa kabilang bahagi ng field ay maraming nagkukumpulan.
"Hey, Euphy ano'ng mayroon ngayon?" tanong ni Travis na lumapit sa kinauupuan ng gangster na pinapaypayan ng babaeng mala clown dahil sa make-up.
"Nothing." tipid na sagot ng gangster na hindi man lang tinapunan ng tingin si Travis.
"Nothing nothing ka diyan, eh. Ano'ng ibig sabihin ng mga papel na pinakalat mo sa buong campus?" tanong ni Travis nang makalapit na siya sa gangster.
Ako naman ay nanatiling nakatayo sa kinatatayuan ko. Tiningnan ko lang si Travis at ang gangster. Nakarinig ako ng sigaw kaya napatingin ako sa field. Nagulat ako nung makita ang limang lalaki na nakatali ang dalawang kamay habang hinihila ng isang mamahaling sport's car. Punit-punit na ang mga damit ng limang lalaki at may mga bahid pa ng dugo. Pagod na pagod na ang mga ito sa kakatakbo para sabayan ang sport's car. Nadapa pa ang mga ito at parang basahan na hila-hila. Nagulat ako na huminto ito sa pag-ikot ikot sa field.
"What are you doing here?" may taong lumapit sa akin nung tingnan ko siya ay nag-igting ang bagang ko.
"He's with me Jeron." sabi ng isang tao na humawak sa kaliwang braso ng lalaking lumapit sa'kin.
"Travis." tanging nasabi ng lalaki bago umalis.
May araw ka rin sa akin. Tandang-tanda ko ang mukha mo nang suntukin mo ako.
"Tara Aldrich ipapakilala kita kay Euphy," sabi ni Travis na sumenyas pa.
"Ah, huwag na," bigla akong kinabahan at the same time natakot. Naalala ko ang mga titig niyang pamatay talaga.
"Walang huwag huwag dito," sabi ni Travis na hinawakan ang P.E. t-shirt ko at hinatak papunta sa kinauupuan ng gangster.
Nakita ko si Stadtfeld---ang gangster na may violet na mata na nakatayo na at nakatingin sa field.
Hindi ko alam kung ano ang itatawag ko sa kanya. Kung gangster ba? O Stadtfeld? Euphy na lang kaya.
"Euphy ito si Aldrich, new friend ko," pakilala ni Travis sa akin kay Euphy.
Tinapunan lang ako ng mabilis na tingin. "Okay." simpleng sagot ni Euphy.
"Wow, Euphy salamat sa over warm mong bati sa friend ko," sarkastikong sabi ni Travis na nakuha pang tumawa.
"No problem," sagot ni Euphy.
Umupo na si Euphy sa upuan niya at nagsimula ng magbasa. Napataas kilay ako sa kapal ng libro na binabasa niya.
"May topak ka na naman ba Euphy? Tapos bakit pinag-initan mo 'yung mga lalaki kahapon?" umupo si Travis sa kaharap na upuan ni Euphy. Ako naman ay nakatingin lang sa kanilang dalawa habang nakatayo ako sa likuran ni Travis.
"Tinawag nila akong Queen, kaya dapat lang sa kanila 'yon." cold na sabi ni Euphy.
Inagaw ni Travis ang binabasang libro ni Euphy. Isinarado niya ito at biglang inabot sa akin.
"Pahawak Aldrich," sabi ni Travis kaya agad kong kinuha ang libro. "Tama na kakaulit mo basahin ang Medical Book mo, Euphy. Kinakausap kita!" parang galit na sabi ni Travis.
Nag-angat ng tingin si Euphy at tumingin kay Travis. Nakita kong nanginig si Travis at biglang napatayo.
"Ah, joke lang 'yon Euhpy." kinakabahan na sabi ni Travis na lumapit sa tabi ko. Tumingin sa amin si Euphy kaya nanigas ako nung makita ko ang kulay violet niyang mata.
Paano niya nagagawang violet ang blue niyang mata?
"Queenie!" natigil ang tensyon ng may sumigaw at mabilis na yumakap kay Euphy. Nagulat kami nung halikan nito si Euphy sa labi. Mabuti na lang may hinarang na papel si Travis sa pagitan ng labi nila Euphy at nung bagong dating. Ang papel na ipinapakalat ni Euphy ang siyang ginamit ni Travis.
"Mahiya ka naman Emerson!" sigaw ni Travis na ikinagulat ko.
"Paano ba 'yan Queenie. I stole your first kiss." ngiting sabi ng bagong dating.
Tiningnan ko 'yung tinawag na Emerson. Mas matangkad ako sa kanya, may blue siyang mata at maputi.
Mukhang ito ang brother niya. Pero bakit niya hahalikan ang sarili niyang kapatid? Mabuti na lang may papel na hinarang si Travis kaya 'di talaga nag-kiss.
"You're not." cold na sabi ni Euphy na tumayo na at naglakad palapit sa kinatatayuan ko.
Bigla akong kinabahan at naalala 'yung nangyari kahapon. Gusto kong kagatin ang labi ko para pigilan ang kaba ko. Para akong nasa isang lugar na puro yelo lang habang papalapit siya. Tiningnan niya ako at nag-iba ng direksyon. Tatlong hakbang ang layo ko sa kanya pero pakiramdam ko ay natuyuan ako ng dugo.
"Nakakatakot siya kapag galit," komento ni Travis. "Kaya kapag nakita mong violet na ang mata niya umatras ka na." dagdag pa niya.
"Panalo ako." masayang sabi ni Emerson.
Napatingin ako sa paligid ko. Lahat sila ay parang nagyelo dahil hindi gumagalaw. Pero ang mga bibig nila ay nakanganga. Nang matauhan ay nagtayuan na at sumunod kay Euphy.
"Bakit ba gustong-gusto mo na mahalikan si Euphy?" tanong ni Travis.
"Wala siyang love life para maisip niyang masarap ang mayroong inspirasyon," sagot ni Emerson na umupo sa upuan ni Euphy.
"Pfft! ano'ng walang love life? Ang dami niyang manliligaw at 'yung iba mga prinsipe pa na pumupunta pa rito," natatawang sabi ni Travis.
"Pero wala pa rin siyang first kiss," sagot ni Emerson.
"Paano mo nalaman?" tanong ni Travis.
"I'm her boy---brother." smirk na sabi ni Emerson.
"Mukha mo sira! Palibhasa galing ka ng France na normal lang makipaghalikan." sabi ni Travis.
Para akong engot na tinitingnan sila habang nag-uusap. Tiningnan ko ang librong hawak ko na kanina ay binabasa ni Euphy.
"Sino siya?" tanong ni Emerson na tinuro pa ako.
"Siya si Aldrich, new friend ko," sagot ni Travis.
"Wow! nagkaroon ng new friend ang isang nerd na gaya mo?" biglang tumawa ng malakas si Emerson.
Tumayo na si Travis at mabilis na kinuha ang libro na hawak ko. "Oh, ayan magbasa ka para magkalaman ang utak mo. Magiging doctor na si Euphy. Ikaw, ewan." sabi ni Travis ng isinalampak sa mukha ni Emerson ang libro.
Doctor? Magiging doctor ang isang gangster na tulad niya? Ang gulo ng pagkatao niya. Soon to be Queen, gangster at magiging doctor na? Ano pa ang susunod?
Lumabas na kami ng field ni Travis. Tahimik lang kami habang naglalakad.
"Wala na tayong P.E. may tinuruan ng leksyon si Euphy." sabi ni Travis matapos basagin ang katahimikang namagitan sa amin.
"Ah, kaya pala," wala sa mood na sabi ko.
"Pero nakakatakot magalit 'yon si Euphy. Kung gaano siya ka cold daig pa ang impyerno kapag nagalit iyon," naiiling na sabi niya.
"May napatay na ba siya?" bigla kong naitanong na pinagsisihan ko.
"Marami n--ah, eh, hehe." sagot ni Travis na nagkamot pa ng batok.
Napangiti ako nung madulas si Travis. Nakumpirma ko na si Euphy na nga ang Stadtfeld na papatayin ko. Nagduda ako na baka hindi dahil may posibilidad na baka si Emerson na kapatid niya.