◑ Aldrich point of view ◐
Papasok na ako ng Stadtfeld Academy na may band-aid pa ang kaliwa kong panga. Nagkaroon ito ng sugat na natamo ko mula sa pagsuntok ng lalaki.
Pangalawang araw ko pa lang dito ngayon pero oras na suntukin pa ako ng lalaking iyon. Papatayin ko na talaga siya. Bibilisan ko na lang ang paghahanap sa gangster na papatayin ko.
Habang naglalakad ako ay masama akong tiningnan ng mga kasabayan ko papasok. Napapatiim-bagang na lang ako sa ginagawang pagtingin nila sa akin. Nagulat ako nang biglang gumilid ang mga naglalakad kanina. Tumingin ako sa likuran ko kung nandiyan na ba 'yung tinatawag nilang Queen pero wala naman. Nagulat ako dahil may tumama sa braso ko at nabasag ito pagharap ko. Doon ko lang na-realize na pinagbabato na ako ng itlog ng mga nasa paligid ko. Naikuyom ko ang dalawang kamao ko habang nagpipigil ako ng galit. Nanatiling diretso sa daan ang tingin ko at hindi ako yumuko. Hindi ako nagpatinag kahit na naramdaman kong nagkasugat na ako sa kanang kilay matapos tamaan ng itlog.
Kailangan kong huminahon dahil oras na gumawa ako ng maling hakbang. Hinding-hindi ko magagawa ang pinapatrabaho sa akin ni Dad.
"Tumigil na kayo!" isang sigaw ang narinig ko mula sa isang megaphone.
Tumigil naman ang lahat sa pagbato. Pinunasan ko ang mukha ko gamit ang panyo na kinuha ko sa bulsa ng pants ko. Nagdilim ang paningin ko dahil sa nakita kong dugo. Parang gusto kong pumatay ngayon dahil sa ginawa sa akin.
Never kong naranasan na ma-bully at ganitong bully pa talaga ang pina-experience sa akin.
"Nagkasugat ka na." sabi ng lalaking lumapit sa akin na may hawak na megaphone.
"Nerd." pabulong na sabi ko nang tingnan ko siya.
Naka-nerd glasses ito at may brace na parang retainer na ewan ang taas at baba niyang ngipin. Mas matangkad ako sa kanya ng mga two inches.
"Sumama ka sa akin para makapagpalit ka ng uniform." sabi niya na hinawakan pa ako sa kanang braso ko.
"Kaya ko na ang sarili ko." sagot ko habang tinatanggal ang mga shells ng itlog na dumikit sa pants ko.
"Sumunod ka na lang sa akin." sabi niya na naglakad na.
Hindi ko man gusto na sumunod sa kanya. Ayoko naman magmukhang kawawa at aping-api sa itsura ko. Sumunod na lang ako sa lalaking tumulong sa akin. Pinagtitinginan ako ng mga nadadaanan namin. Hindi ako nagpakita ng takot o hiya dahil sinalubong ko ang bawat tingin nila.
"Dito tayo." sabi ng kasama ko na pumasok na ng elevator.
Dali-dali akong lumapit at pumasok sa loob ng elevator.
"Transferee ka diba?" tanong niya sa akin na nasa kaliwang gilid ko lang.
"Oo." tipid na sagot ko lang.
Mukha ba akong matagal na rito sa school na ito? Psh!
Parang gusto kong suntukin 'yung lalaking nasa tabi ko pero may utang-na-loob pa rin ako. Dahil kung hindi niya inawat ang mga bumabato sa akin ng itlog. Dugo ng mga taong iyon ang dadanak sa ground. Lalo na't dala ko ang baril na pinagmamalaki ng mafia.
"Kung ganoon ikaw nga ang transferee student na tumingin sa mata ng President ng Student Council o 'yung tinatawag na Queen ng lahat." sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.
"Ano'ng masama sa pagtingin sa mata niya?" tanong ko ng may pagtataka.
"Isang kasalanan ang tumingin sa mata niya lalo kung hindi ka malapit sa kanya." sagot niya sa akin.
"Tss!" napakuyom ako ng kanang kamay.
Ano naman klaseng kasalanan ang pagtingin sa mata niya? Eh, kulay blue lang naman ang mata niya. Dahil ba hindi siya pinay?
"Anyway, I'm Travis ang Vice-President ng Student Council." sabi niya. Bumukas na ang elevator kaya nauna na siyang lumabas.
"Okay, nice to meet you," sabi ko pagkalabas ng elevator. "I'm Aldrich." pakilala ko naman.
Pumasok siya sa isang malaking pinto kaya sumunod naman ako. Nanlaki ang mga mata ko pagpasok sa loob.
Parang condo unit na ito, ah. May ganito ba sa school na ito? Tss! Mayaman nga.
"Aldrich gamitin mo muna ang shower room ng SC." sabi ni Travis na inabot ang isang paper bag sa akin.
"Okay." sagot ko na dumiretso sa tinuro niyang shower room ng SC.
Hindi ko binaba ang bag ko dahil dala ko ito hanggang sa shower room. Dahil nasa lihim na taguan ng bag ko ang baril na bigay ni Dad. Ipinatong ko sa lababo ang bag ko at saka hinubad ang coat at polo ko. Mabuti na lang hindi namantsahan ang sando ko maging ang underwear ko kaya maisusuot ko ulit ito. Naligo na ako ng mabuti hanggang sa masiguro kong malinis na malinis na ako. Nagpunas na ako ng katawan at nagbihis. Inilagay ko sa paper bag ko ang uniform ko.
"Sakto ang size ng uniform na ito sa akin." nangingiting sabi ko.
Pinunasan ko ang bag ko gamit ang panyo kong nilabhan. Tinanggal ko ang katas ng itlog sa bag ko. Pagkatapos ay gumamit ako ng blower na nakita ko para patuyuin ang bag. Pagkatapos ay ini-spray ko ng pabango ang bag. Napatingin ako sa salamin na nasa taas ng lababo. May nakita akong first aid kit kaya agad ko itong kinuha para magamot ang mga sugat ko. Mukha akong binugbog dahil may dalawang band-aid ako sa kanang kilay ko. Isang band-aid sa kaliwang panga, sa may ilong at right cheek. Lumabas na ako ng shower room. Nakita ko si Travis na may kausap sa cellphone.
"Aldrich mabuti naman tapos ka na," sabi niya habang ibinabalik sa bulsa ng pants ang cellphone na hawak.
"Salamat dito, magkano ba?" lumapit ako sa kanya at kinuha ang wallet ko sa bulsa.
"No need to pay. Marami akong extra rito. Mabuti pang bumaba na tayo dahil late na tayo," sabi niya na ikinataka ko.
"Magka-classmate ba tayo?" naguguluhang tanong ko habang hawak ko pa rin ang wallet ko.
"Oo, pareho tayong last sem na sa BSBA." sagot niya. "Nakita ko rito ang pangalan mo, absent ako kahapon kaya 'di mo ako nakita sa ilang subjects." dagdag pa niya.
"Kaya pala." sabi ko na ipinasok ulit sa bulsa ang wallet ko.
"Samahan na kita sa locker para ilagay 'yang paper bag." offer niya paglabas namin ng pinto.
Tiningnan ko ulit ng huling sulyap ang SC headquarter's na condo ang dating. Kompleto ito sa gamit dahil may kusina, entertainment, shower room, restroom at ang malupit ay mukhang may bedrooms pa.
Nakarating kami ng locker room at inilagay ko roon ang paper bag na dala ko. Pagkatapos ay pumasok na kami sa first class namin. Hindi ako napagalitan ng Terror Professor namin dahil kasama ko si Travis.
Break time na at niyaya ako ni Travis na pumunta ng cafeteria. Pero pinauna ko muna siya dahil nage-enjoy ako sa mga binabatong ice pick, dagger at screw driver. Naiiwasan ko lang ang bawat paghagis at pagbato nila. Nang wala na silang maibato ay tumayo na ako sa inuupuan ko.
"Wala na bang mas ibibilis 'yan?" naka-smirk kong sabi habang palabas ng room.
Tuwang-tuwa ako sa naaasar na mukha ng mga naghagis ng kung ano-ano sa akin. Naglakad na ako papunta ng cafeteria pero nag-shortcut na lang ako. Nakabisado ko agad ang mga pasikot-sikot sa school dahil sa map na nasa handbook.
"Aah!"
May narinig akong boses na parang nasasaktan kaya agad kong hinanap iyon. Nakita ko ang grupo ng mga lalaki na may pinagtutulungan.
"Potato!" nagulat ako ng makilala ang taong hawak ng dalawang lalaki habang pinagsusuntok at hampas ng tubo.
"Pakialamero kang nerd ka!" sigaw ng lalaking may hawak na tubo na hinampas sa binti ni Travis.
"Huwag kang mangailam kung papahirapan namin ang transferee." sabi ng isang lalaki ng sumuntok sa tiyan ni Travis.
Wala bang tutulong sa kanya?
"Kahit na Vice President ka pa ng SC akala mo ay hindi ka namin papatulan! Nangialam ka sa pagpaparusa sa transferee na iyon. Kaya tanggapin mo ito!" sabi ng lalaking mukhang leader nila nang ibuhos nito ang isang timba na tubig kay Travis.
Napahawak ako sa strap ng bag ko na hindi ko iniiwan. Saan man ako pumunta ay laging nakasukbit ito sa balikat ko. Nagpalinga-linga ako kung may taong tutulong pero nasa likod kami ng isang building. At sa itsura ng lugar na ito kahit pusa ay hindi maliligaw dito. Dahil mukhang headquarter's ito ng isang gang.
"Kailangan niya ng tulong." sabi ko na tatakbo na para tulungan si Travis.
"Don't dare to help him." sabi ng isang tao na may malamig na boses.
Napatingin ako sa kanan ko at nakita ang babaeng tinatawag na Queen at President ng SC. Nakatingin ito kay Travis na walang kareaksyon-reaksyon sa nakikitang pagbugbog sa Vice-President niya.
"Don't dare to help him? Paano kung mamatay siya?" galit na tanong ko kahit na nakaramdam ako ng takot sa napakalamig niyang presensiya.
Bakit ba hindi siya nag-aalala para kay Travis?
Hinintay ko siyang magsalita pero mukhang wala siyang pakialam. Humakbang ako ng isa dahilan para mapalingon siya sa akin. Halos matuyuan ako ng laway nang salubungin ko ang titig niya. Para akong nauhaw sa tingin niya.
Ang kulay blue na mata niya imbes na matunaw ako sa titig niya. Parang nanigas yata ang buong katawan ko.
"Don't do what you've thinking." pagbabanta niya bago muling ibinalik ang tingin sa binubugbog na si Travis ng limang lalaki.
"Hindi ako natatakot sa 'yo!" matapang na sabi ko at agad na humakbang.
Dalawang hakbang pa lang ang nagagawa ko nang may humila sa akin. Natulala ako ng maramdaman ko na may dumampi sa labi ko. Para akong nawalan ng kaluluwa pero kakaiba ang naramdaman ko. Para akong lumilipad papunta sa mga ulap at ang buong paligid ko ay maraming kulay. Hindi ko maintindihan ang nangyayari sa akin kaya litong-lito ako. Natauhan at nagulat ako nung kagatin niya ang labi ko at mabilis na lumayo.
"Paanong nangyari iyon?" naisatinig ko na napahawak sa labi ko na hindi makapaniwala.
Sa bilis ng pangyayari ang huli ko lang natatandaan ay hinalikan ako ng babaeng may blue na mata at nagdala sa akin sa kung saang planeta habang magkadampi ang labi namin. At nakuha pa niyang kagatin ang ibabang labi ko dahilan para dumugo ito.
"Now you shut up, are you contented?" cold na tanong niya.
Napatingin ako sa kanya at napakurap ng ilang beses. Para akong hinigop ng mata niya papunta sa nakakatakot na lugar. Parang dinadala ako nito papunta sa aking kamatayan.
"What the..." sabi ko dahil sa nakita ko sa mata niya. Nakita ko na naging kulay violet ang mata niyang kanina ay kulay blue.
Natauhan na lang ako nung makita ko siya na lumalapit na sa grupo ng mga lalaki.
"Queen." in chorus na sabi ng limang lalaki na napatigil sa ginagawa.
"Leave!" cold but full of authority na sabi niya.
Bigla na lang nawala ang limang lalaki. Namangha talaga ako dahil takot na takot ang mga lalaki nang makita siya.
"Stand up!" nakatayo siya sa harap ng nakahigang si Travis.
Sira pala itong Queen na ito. Papatayuin niya si Travis, eh bugbog sarado na 'yung tao. Bulag ba siya? O baliw lang?
Napanganga ako nang makita ko si Travis na tumayo at parang wala lang sa kanya ang nangyari.
"Bakit hindi ka lumaban?" tanong niya kay Travis.
Dumura ng dugo si Travis bago ito nagsalita.
Nagtatagalog pala 'yung Queen? Akala ko foreigner dahil sa kulay ng mata niya.
"Ang seryoso mo yata Euphy dahil nagtagalog ka," natatawang sabi ni Travis. "Mahina lang sila hindi dapat pag-aksayahan ng lakas at oras ko." simpleng sagot ni Travis kahit basa ang uniform niya.
"Tss!" bigla siyang tumingin sa gawi ko. Ang babaeng tinawag na Euphy ni Travis.
"Ano'ng nangyari sa labi mo bakit may dugo 'yan?" tanong bigla ni Travis kay Euphy.
"None of your business." sagot ni Euphy na naglakad paalis.
Nanginig ang buo kong katawan dahil naglalakad siya habang nakatingin ng masama sa akin. Kitang-kita ko ang violet niyang mata. Paglagpas niya sa kinatatayuan ko ay nakahinga ako ng maluwag.
"May nanuntok ba sa 'yo? May sugat ka sa lower lips mo Aldrich." tanong ni Travis na hindi naman nagtanong kung bakit ako nandito. Sinundan niya na 'yung Euphy na hindi hinintay ang sagot ko.
Nang ma-realize kong kinagat ako sa labi ni Euphy. Dugo ko ang nakita ni Travis sa labi ng babaeng iyon na nagmula sa labi kong kinagat nito.
Nainis ako nung ma-realize ko na ang gangster na hinahanap ko na may violet na mata ay ang babaeng humalik at kumagat sa labi ko.
Babae si Stadtfeld? Ang gangster na papatayin ko?
Pinunasan ko ang labi ko na inis na inis.
Naisahan ako ng gangster na iyon! Nagawa niyang kunin ang first kiss ko ng ganoon lang? Kainis lang talaga! Humanda ka, bilang na ang araw mo.