◐ Euphemia point of view ◑ Lihim akong napangiti dahil sa mabilis na pagkilos ni Aldrich para hindi kami tamaan ng bala. Pero hindi ako isang duwag na tao para magtago pa nang matagal sa puno. Dahil maaaring ma-corner kami kapag nagtagal pa kami. Kaya habang maaga pa ay kailangan may lumabas na isa sa amin. Nang mapansin ko na may iniisip siya ay mabilis akong umalis sa pinagtataguan namin. Nilapitan ko ang tatlong lalaki habang hinahagisan ko sila ng kunai. Hindi nila ako magawang tamaan dahil sa mabilis kong paiwas. Hindi ako madaling patayin tulad nang iniisip niyo. Because I'm Euphemia. Sumugod ako nang walang takot kahit nakatutok ang baril sa akin. Isa lang ang mahalaga ngayon. Ito ay ang masigurong ligtas siya. Napapikit ako upang muling alalahanin ang sinabi ng taong iyon. "P

