◐ Aldrich point of view ◑ Simula nang pumasok kami sa gubat ay hindi ko na nakita si Euphy. Kaya sobra akong nainis dahil kasama niya 'yung lalaking iyon. "Aldrich okay ka lang ba? Putol-putol na 'yung hawak mong sanga." puna sa akin ni Sharisse. Habang naglalakad kami ay may napulot akong sanga ng puno na hindi naman makapal. Mas makapal lang ito ng limang beses sa walis tingting. "Oo, okay lang." sagot ko kahit hindi naman ako okay. Tinapon ko na lang 'yung sanga na binali-bali ko. Sinabayan ko na sa paglalakad si Sharisse. Nakasunod lang sa amin si Travis sa likuran. "Magpahinga na muna tayo." sabi ni Sharisse na naupo sa ugat ng malaking puno. "Mabuti pa nga. Kanina pa tayo lakad nang lakad." saad ni Travis na halata ang pagod. Umupo sa isang malaking bato si Travis na mala

