◐ Euphemia point of view ◑ Maaga akong nagising ngayon para magplano ng gagawin na activity mamaya. Hindi ko na kayang manahimik at magsawalang kibo na lamang. Kailangan ko nang kumilos bago pa mahuli ang lahat. Hindi lang isang tao ang namatay kahapon dahil sampo sila. Pang huli nga lang si Torres sa namatay na nakita namin. Base sa time of death ng mga ito ay nabuo ang isang message sa pamamagitan ng surname nila. Y-O-U A-R-E N-E-X-T Sa bulsa ng suot ni Torres ay natagpuan ang picture ni Aldrich. Balot na balot ito ng dugo ni Torres maliban sa isang bahagi. Kung saan ay makikita ng malinaw ang mukha ni Aldrich. Napatingin ako sa cellphone ko at tiningnan ang nakapalawit doon. "Hiroki." sambit ko. Pangalan ito ng taong nagbigay ng palawit sa cellphone ko. Napapikit ako ng marii

