"Halika ihahatid na kita para makapagpahinga ka na din." Tumayo na ako mula sa aking pagkakahiga sa damuhan. Hindi na namin namalayan ang oras kaya inabot na kami ng dilim sa aming pagsasanay. Masyado akong nasiyahan dahil hindi ko akalain na may tinatagong galing ang babae. Ngayon lang yata ako nagturo sa isang babae na may alam na tungkol sa pakikipaglaban. Malaki ang tiwala ko na malaki ang maitutulong ni Althaia sa amin. Hindi ko din tiyak pero sa tuwing nakakausap ko ang babae ay tila napakagaan ng aking pakiramdam. Kilala ako sa aming opisina bilang walang pakialam sa aking mga kasama. Ako yung tipo na hinahayaan lamang ang aking mga kasama kung ano ang kanilang nais gawin basta masisiguro nilang hindi iyon nakakaapekto sa aming trabaho. Sa ngayon ay nagbago ang ihip ng hangin

