KUWENTUHAN

1788 Words

"Hoy babae kumusta ang pagsasanay mo?" Hindi na makapaghintay si Vera at nais na nitong marinig ang aking kuwento. Ang totoo ay wala naman ako masyadong sasabihin sa kanya dahil wala naman din masyadong nangyari. Naubos nga lang ang oras namin sa pagpapalitan ng suntok at sipa sa isa't-isa. Nandito ngayon si Vera sa aking silid at sigurado akong hindi s'ya lalabas hangga't walang naririnig na kuwento mula sa akin. Hindi ko din nais itaboy ang kaibigan dahil kanina pa s'ya nakabuntot sa akin. Isa pa ay miss ko din ang kaibigan kahit pa nga isang araw lang kami hindi nagkita. Kung malapit kami noon ay naging mas malapit kami ngayon dahil madalas na kaming magkasama. Kulang na nga lang ay sundan din ako nito hanggang sa loob ng banyo. "Wala naman akong ikukuwento sayo kasi wala naman nang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD