PAGKAKAMALI

1621 Words

Naalimpungatan ako ng may dumantay sa aking katawan. Naalala ko na dito ako natulog sa opisina kagabi dahil madaling araw na ako natapos sa aking trabaho. Nagugutom na ako at tuluyan ko ng iminulat ang aking mga mata ng tumama sa akin ang sinag ng araw na lumulusot sa maliit na bintana ng silid. Nagawa ko pang mag-inat ng katawan at tinanggal ang hita na nakadantay sa akin kanina. Nakakapagtaka lang na parang ang payat ng hita na aking hawak ngayon. Sigurado ako na halos magkasingkatawan kami ni Marko pero bakit kakaiba ito ngayon. Hindi ko alam na nagpapapayat si Marko. Muli akong nag-inat ng katawan upang magising ng tuluyan. Bumangon na din ako upang mag-ayos na ng sarili. Tinignan ko ang aking katabi pero nakakapagtaka na may takip itong kumot. Sa pagkakaalam ko ay hindi nagkukumot

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD