“S-sigurado ka ba?” Nag-aalinlangan na tanong sa akin ni Deimos. Hindi siguro nito akalain na gusto kong sumama sa kanila ngayon dahil pangalawang araw ko pa lamang sa opisina at wala pa ako masyadong nalalaman sa aming trabaho. “Oo mas mapapabilis ang aking pagkatuto kapag sumama ako sa inyo ngayon at nakita kung paano kayo makipaglaban.” Iyon ang aking naisip na mas mabilis na paraan upang masundan ko ang kanilang mga kilos. Sigurado kasi ako na madaming trabaho si Deimos kaya kailangan kong matuto sa aking sariling paraan. Matagal na natigilan ang lalaki at tila tinitimbang nito kung ano ang kanyang magiging desisyon. Mataman n’ya akong tinignan na tila sinusuri kung seryoso ba ako sa aking sinasabi. Bahagya pa itong napailing sa hindi ko malamang dahilan. Sana ay pumayag si Deimos

