"Magsihanda ang lahat." Anunsyo ni Deimos sa kanyang mga kasama. Napakabilis ng pangyayari dahil nakapalibot na sila ngayon sa halimaw na kanilang natagpuan. Madami na ang nawasak sa paligid na gawa ng kalaban. Mabuti na lamang din at wala itong nasaktan kahit isang mamamayan ng Daesyn. Abala na ang mga mandirigma sa kanilang paghahanda upang mabilis na tapusin ang halimaw. Panay na din ang pagbibigay ni Deimos ng direksyon sa kanyang mga kasama na hindi ko naman naiintindihan dahil malayo ako sa kanilang grupo. Hindi ko alam kung ano ang kanyang sinasabi kaya mataman ko na lamang pinapanood kung ano ang kanilang ginagawa. Sinisigurado ko na wala akong makakaligtaan na importanteng bagay. Pakiramdam ko ay ibang tao si Deimos dahil sa ikinikilos nito ngayon. Ibang-iba iyon sa kilos n'ya

